Share

Chapter 29

Nagising si Thaddeus kinaumagahan dahil sa ingay ng chainsaw, malamang ay nakakuha na ng tauhan si Alberto para putulin ang malaking puno sa harden.

Masarap ang tulog niya kagabi, wala man lang siyang narinig na ingay o kaluskos. Lalo na ang daing at iyak ni Maria pero wala siyang narinig bagkus ay nakatulog siya ng mahimbing.

Bumangon siya at nagtungo sa bathroom para magsipilyo at maligo na rin.

Basa pa ang buhok ni Thaddeus ng bumaba siya sa sala, nakasuot lang siya ng sweatpants at white tshirt. Nakapamulsa siyang nagtungo sa harden. Halos nawala ang ganda ng harden dahil natatabunan ng malaking puno ang mga halaman, ang iba ay nadaganan pa.

Para itong taong nakahandusay sa lupa ng tuluyan ng maputol. Binati siya ni Alberto ng makita siya pati na ang mga ibang naroon.

"Magandang umaga Sir Thaddeus." Bati ng lahat sa kanya, bahagyanlang siyang yumuko sa mga ito bilang pagtugon.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status