Share

Chapter 3

Huminto ang van na sinasakyan nila sa harapan ng malaking gate. Sabay sabay pang nagsibabaan ang tatlo sa loob ng van dahil nakasarado ang gate.

Napansin ni Thaddeus ang kaliwang sementong pader na may nakasulat na Belle Veu Manor. Nakalimutan na niya talaga ang lugar na ito, hindi na niya maalala.

"Wow! Gate pa lang bigatin na oh!" Saad ni Tobias, sinuri pa nito ang gintong disenyo ng gate, na naka design sa ibaba at itaas na bahagi ng gate.

"Hindi ba nila alam na darating tayo ngayon, Mang Carding?" Si Thaddeus, nagawa niya pang magtanong habang panay ang click ng camera niya, kinukuhanan niya ng litrato ang malaking gate.

"Alam ko na inform na sila ni Sir Daniel kahapon e, baka walang tao sa loob. Minsan kasi ang mga care taker dito hindi  nag e stay." Sagot ni Mang Carding.

"Ang hirap nito, wala pa namang doorbell saka wala pa akong nasisilip na Mansyon sa loob oh." Sabi ni Tobias habang panay ang silip sa loob.

"Wala ka talagang makikita riyan hijo kasi nasa dulong bahagi pa ang Mansyon." Sabi ni Mang Carding.

"Ganoon po ba, kaya pala eh." Tanging nasabi ni Tobias. Nagulat nalang sila ng may biglang magbukas ng gate, hindi nila napansin ang matandang lalaking nasa loob.

"Naku pasensya na po kayo, kanina pa ba kayo riyan sa labas?" Tanong ng matandang lalaki.

"Kadarating lang Alberto." Nakangiting sabi ni Mang Carding.

"Oh pasok na kayo sa loob, nandoon na rin ang ibang katiwala." Pag anyaya nito.

"Sumabay na po kayo sa amin ." Sabi ni Thaddeus.

"Naku salamat hijo, talagang sasakay ako sa van na iyan."

Namangha sina Tobias at Thaddeus ng makapasok na sa loob, binuksan pa nila ang car window para makita ang bawat dadaanan nila patungong mansyon. Puro malalaking puno at palm tree lang ang nakikita nila na nasa gilid ng pathway. Tapos kasunod niyon ay ang malawak na bermuda grass, kung tutuusin ay puwede ka ng mag picnic sa loob.

Nahagip din sa paningin ni Thaddeus ang mga iba't ibang klaseng puno, halaman at prutas ang mga nakatanim sa paligid.

"Talagang ang lawak po rito." Mahinang sabi ni Thaddeus.

"Ay oo hijo, talagang malawak ito, kapag may oras ipapasyal ko kayo rito sa loob ng Belle Veu Manor." Nasisiyahang saad ni Manong Alberto.

Ilang minuto ang lumipas ay huminto na ang van sa tapat ng Mansyon, napanganga sina Tobias at Thaddeus ng makababa sa van, namangha sila sa laki at ganda ng entrance ng Mansyon.

May malaking fountain sa harapan ng entrance ng Mansyon. Sa labas pa lang ay napakaganda na ng interior design nito, kulay cream white and black ang pintura ng labas.

Humakbang na sila papasok sa loob ng Mansyon at mas lalo silang namangha sa ganda ng loob lalo na ng una nilang mabungaran ang magkatapat na grand staircase, napakaganda ng twin staircase ng Mansyon na nalalatagan ng kulay pulang carpet simula sa taas hanggang sa baba.

Sa gitna naman ay may malaking piano na tingin nila ay pinaglumaan na ng panahon pero mas lalo iyong nakapagbigay ng atraksyon sa lahat, natatapatan ito ng malaki at engrandeng chandelier na nakasabit sa pinakaitaas.

Hindi naiwasan ni Thaddeus na suriin ang kabuuan ng Mansyon, he was speechless, the mansion was beautiful and luxurious pero nararamdaman niya na parang may kulang. Sa kabila ng marangyang kagandahan nito ay ang walang buhay, he felt that he's taking a photoshoot to his subject without a life.

Humakbang si Thaddeus patungong piano, marahan niya itong hinaplos, bigla niyang nabawi ang kamay dahil may kung anong nag flashback na alaala sa utak niya, may nakita siyang isang babaeng nakatayo katabi ng Piano habang kumakanta ito, hindi niya nakita ang mukha.

Napakunot ang noo ni Thaddeus, hindi kaya alaala niya iyon? Pero imposible kung sa kanya iyon. Tanging nasabi niya sa isipan. Binalewala niya nalang iyon at tuloy tuloy siyang dumeretso sa dulo kung saan nandoon ang living area, hinawi niya ang nakatakip na malaking curtain wall at tumambad sa harapan nila ang magandang view ng garden.

Binuksan ni Thaddeus ang sliding door at agad na sumalubong s akanya ang malamig na hangin na nanggagaling sa labas.

"Ni renovate lang ito ng lola niyo Sir, tapos ng daddy ninyo, itong sliding door bago lang ito nailagay rito, masyado na kasing luma ang nakatakip dito." Sabi ni Mang Alberto, napapatango nalang si Thaddeus.

"Grabe ang ganda pala talaga rito ano." Sabi ni Tobias, tipid lang na ngumiti si Mang Alberto.

Mula sa harden ay may lumabas na dalawang babae, ang isa ay matanda na, ang isa naman ay dalaga pa.

"Tsanga pala ang asawa at anak ko." Anang si Mang Alberto sa kanila.

"Magandang araw po." Magkasabay na bati ni Tobias at Thaddeus sa mga ito.

"Magandang araw din po sa inyo." Bati ng mag ina.

Tuluyan ng naglakad si Thaddeus papuntang harden, binaybay niya ang   stone pathways patungo sa Gazebo. Ang bawat gilid ng pathways ay pawang mga bulaklak saka bermuda grass.

Na mesmerized talaga siya sa gandan ng Mansyon. Hindi makapaniwala si Thaddeus na ganito ka ganda ang Belle Veu Manor, wala na kasi siyang matandaan noong huli siyang pumunta rito saka hindi naman siya naglibot.

Napansin niya ang malaking puno sa gilid ng Gazebo, tingin niya napakatagal na ng puno pero makikitang buhay na buhay ito. May nakapalibot na upuan sa ibaba ng katawan ng puno na yari sa kawayan.

Napakaganda ng pagkakagawa at puwede kang mag-relax kapag nanaisin mo. Imbes na sa Gazebo siya papasok, mas pinili niyang maupo sa upuang nakapalibot sa malaking puno.

Pagkaupo na pagkaupo niya ay may bigla ba namang nagflashback sa alaala niya, isang batang babae na may kinakalkal sa lupa malapit sa ugat ng malaking puno.

"Oy Thad! Okay ka lang ba?" Untag ni Tobias sa pinsan kanina niya pa ito napapansin na lutang na lutang.

"Ha? Ah, oo okay lang ako." Mahinang sagot bi Thaddeus pero sa totoo labg ay naguguluhan siya.

"Mabuti pa ho pumasok na tayo sa loob ng bahay, may inihanda na kaming pagkain sa inyo." Saad ng asawa ni Mang Alberto.

Sabay sabay na silang pumasok sa loob ng bahay.

"Matagal na po ba kayo ritong naninilbihan noong nabubuhay pa ang lola?" Wala sa loob na tanong ni Thaddeus sa mga caretaker ng mansyon. Last 2016 pa kasi namatay ang lola niya.

"Matagal na rin po sir." Tipid na sagot ni Mang Alberto.

"Kung ganoon alam ninyo kung paano nabili ito ni lola? Itong mansyon?" Curious na tanong ni Thaddeus.

"Ang alam ko lang po pinamana lang ito sa mga magulang ng lola ninyo, nabili ito ng mga ancestors ninyo, kaya nagpasalin-salin nalang po itong Mansyon kung sino ang magmamana." Mahabang paliwanag ni Mang Alberto, napatango naman si Thaddeus, habang naglalakad sila patungong kitchen hindi maiwasan ni Thaddeus na pansinin ang mga paintings na nakakabit sa bawat dingding, ang mga antique na kagamitan at ang nilalakaran nilabg marmol na tiles

Napaisip siya na napakaswerte niya pala dahil siya ang nagmana sa Mansyon na ito dahil kung tutuusin ay billion na ang halaga nito ngayon kapag naibenta pero parang wala siyang interes na ibenta ito ngayong nakita na niya.

Hindi niya pa alam kung anong dapat niyang gawin dito pero pag iisipan niya ng mabuti. Nang makarating na sila sa malaking kitchen ay agad na silang nagtungo sa pahabang mesa, nakahain na rin ang mga pagkain doon. May nadatnan pasilang bagong katiwala roon. Ipinakilala ito ni Alberto na si Linda, ang pinsan niya, isa itong middle age woman.

"Ilan po ba ang mga silid sa taas?" Tanong ni Thaddeus. Nagtaka pa siya ng magkatinginan ang mga katiwala sa Mansyon.

"Apat po ang silid sa taas,Sir tapos dito sa kitchen ay may malaking kuwarto para sa mga katiwala rito sa bahay pero 4pm pa lang umaalis na po kami sa Mansyon." Nag aalangang sagot ni Mang Alberto sa kanya kaya napakunot ang noo niya.

"Bakit po? Hindi ba kayo rito natutulog?" Takang tanong ni Thaddeus sa mga ito.

"Ah eh magmula ng mamatay ang lola ninyo Sir hindi na kami rito natutulog, pumupunta lang kami rito kapag naglilinis saka katulad ngayon nag grocery kami sa utos na rin ni Sit Daniel dahil darating po kayo." Sabi ni Alberto, nakakunot pa rin ang noo ni Thaddeus, para kasing hindi nasagot ang tanong niya kung bakit hindi sila nag e stay rito.

"Inayos  na po namin ang aming bahay sir, para magibg komportable kayo mamaya." Maya maya'y sabi ng asawa ni Mang Alberto, mas lalong lumalim ang gatla sa noo ni Thaddeus.

"Hindi ba kami puwede ritong mag stay?" Takang sabi ni Thaddeus na ikinatahimik ng lahat. Umubo ubo naman si Mang Carding bago nagsalita.

"Eh baka kasi hindi ka komportable rito Sir Thaddeus kaya doon nalang tayo sa bahay nila Alberto mag-stay." Sabi ni Mang Carding.

"No, we will stay here. One week lang naman tayo rito hindi ba?" Sabi ni Thaddeus, nanlaki ang mga mata ng mga katiwala sa sinabi niya.

"G-ganoon po ba Sir, lilinisin po namin ng madalian ang mga silid sa taas." Sabi ni Caridad, ang asawa ni Alberto. Hinila nito ang dalagang anak para sumama sa kanya pati na si Linda ay sumama na rin. Iniwan nila ang mga ito sa kusina.

"Bakit gusto nila ditong mag stay inay? Hindi ba sila takot?" Narinig ni Caridad na sabi ni Karen ang anak niyang dalagita, 16 years old pa lang ito. Paakyat na sila sa itaas.

"Hindi ko alam pero hayaan mo na."

"Baka hindi sila makatulog dito ate." Sabi naman ni Linda, mas lalong sumakit ang ulo ni Caridad sa isiping dito mag e stay ang anak ni sir Daniel.

"Hayaan niyo na baka gusto lang sanayin ang sarili rito sa Mansyon, alam naman nating siya ang nagmana rito hindi ba? Hayaan na natin."

"Eh paano iyan nanay, dito rin ba tayo mag e stay?" Tanong ni Karen, napatigil silang tatlo ng makarating na sa taas.

"Malamang dito rin tayo, hindi natin sila puwedeng iwan ano." Nakasimangot na sagot ni Linda kay Karen.

"Hala ayaw ko po nanay, maririnig ko na naman ang sigaw at iyak ng babaeng iyon kapag madaling araw." Nahintakutang saad ni Karen, ginapangan naman ng kilabot ang buong katawan ni Caridad.

Kung hindi lang dahil sa pagiging loyal ng pamilya nila sa pamilyang Ambrosio at malamang matagal na nilang iniwan ang Mansyon na ito.

"Magsitigil nga kayo riyan!" Saway ni Caridad sa mga ito.

"Hindi nga po si Maria iyon?" Muling sabi ni Karen.

"Tumigil ka Karen! Huwag mong mabanggit ang pangalan na iyan!" Matigas na saway ni Caridad sa anak.

"Kasi nga po nanay madaming nagsasabi rito sa Village natin na Maria daw po ang pangalan ng babaeng sumisigaw at umiiyak dito aa Mansyon." Pagpapatuloy ni Karen.

"Sinabi ng huwag mong banggitin ang pangalan niya eh!" Galit na muling saway ni Caridad sa anak at kasabay noon ay ang malakas na tunog na para bang may nabasag sa loob ng isang kuwarto sa itaas, nanggagaling ang tunog sa kuwartong katapat ng harden.

Nagkatitigan silang tatlo, kaya ayaw ni Caridad na mabanggit ang pangalan ng babaeng halos kilala ng mga nakatira rito sa Village dahil kapag nababanggit ang pangalan nito sa loob ng Mansyon ay nagpaparamdam ito.

Kumapit naman si Karen sa kanya, matalim ang tinging ipinukol niya sa kanyang anak. Nagtungo agad si Linda sa silid kung saan narinig nila ang ingay, likas na talaga itong matapang at tila sanay na sa mga nangyayari rito sa loob ng Mansyon.

"Wala namang nabasag, maglinis na tayo." Walang emosyong sabi ni Linda sa kanila ng makalabas ito sa silid.

Iwinaksi nalang nila sa isipan ang nangyari at naglinis na sila sa mga silid, pinalitan nila ng mga bagong beddings ang bawat queen size na kama sa mga silid. Hindi naman ganoon kadumi at kaalikabok ang Mansyon dahil apat na beses nila itong linisan sa loob ng isang linggo.

Ang mga ibang gamit ay luma na at mga antique, sabi ni Doña Monica ang mama ni Sir Daniel, ang mga gamit daw rito sa loob ng Mansyon ay mga sinauna pa raw na hindi na inalis at ginalaw, lalo na ang mga kagamitan sa loob ng mga silid katulad ng mga aparador na yari sa narra, ang  bookshelve sa kabilang silid at marani pang iba.

***

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status