Share

CHAPTER SEVENTEEN

Naunang makarating sa mansion si Cadmus kaya ipinahanda kaagad niya ang mga kailangan ni Calla pati ng kasama nito. Ipinaayos at ipinalinis niya ang dalawang guest rooms na tutuluyan nito at ng kasama nito dahil ayon kay Finn ay may sinundo sa airport ang babae. 

Tumuloy muna siya sa kanyang opisina pagkatapos masigurong maayos na ang lahat. Niligpit niya muna ang mga papeles na hindi niya natapos pirmahan kanina. Inuna niya kasing ayusin ang mga papeles na may kaugnayan sa Quantum Leap. 

Ilang oras din ang lumipas bago siya nakatanggap ng tawag mula kay Finn. Ang sabi nito ay malapit na raw ang mga ito at nasa bungad na ng Black Forest. Nagmamadali siyang tumayo at humakbang palabas ng kanyang opisina. Tuloy-tuloy na umakyat si Cadmus sa ikatlong palapag ng mansion kung saan naroon ang kanyang silid. Mabilis siyang naligo at nagbihis bago muling bumaba para pumunta sa kusina. Kaagad niyang ipinahanda ang mga pagkain sa mahabang lamesa dahil tiy

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status