“Caspian’s POV”
Iniikot ko ang aking tingin sa buong garden na pagmamay-aring ng pamilya ni Steph and I can say na sobrang laki pala ng kanilang lupain. I didn’t expect na ganto pala sila kayaman katulad ng narinig ko sa iba.
Hindi ko naman akalain na birthday pala niya ngayon, nakapaghanda man lang sana ako ng gift niya if ever na dadalhin niya ako dito. Hindi naman sa may pakialam ako sa special day niya but it was just for a show pero hayaan ko na lang since andito na ako, wala na akong ibang magagawa.
Nakalingkis pa rin si Steph saking braso na parang ewan ko ba kung bakit kailangan niya pang gawin ito pero sinang-ayunan ko pa rin siya dito.
Pumayag ako na gawin niya yun, hindi dahil nahuhulog na ako sa kanya kundi dahil ayoko siyang biguin ngayon kaarawan niya saka simple lang naman ang request niya, ipagkakait ko pa ba?
Hindi ko lubos akalain marami
“Steph’s POV”Nakaramdam ako ng kaba ng sandaling nakatingin sa amin ang lahat nang gumawa ng eksena itong si Mara, talagang she have no plan to let it slip at mukhang balak pa niyang sirain ang birthday ko.Patago kong siniko si Caspian at tiningnan siya para sana siya ang magpaliwanag sa gulong pinasok niya ngunit nabakas ko sa kanyang mukha na parang takot siya. I don’t know, I have no idea what expression he was showing to me na nagpatawa sakin kaya ngayon… ang atensyon nila ay sa akin na lamang nakatutok.“Anong nakakatawa na pinagtataksilan ka ng asawa mo, Steph?” Prangkang tanong ni Brenda.“Mukhang ikaw yata ang may sakit at kailangang magpatingin ng doktor, may kilala akong psychiatrist. Gusto mong ako ng magpa-sked?” Sarkastikong sabi ni Eunice.Gusto ko sanang itikom na lang ang aking bibig pero ayokong natatalo ak
Hindi pa rin makapaniwala si Steph sa ikinikilos ng kanyang asawa, at iniisip pa rin niya kung paanong andaming alam nito tungkol sa kanya gayong alam niya na hindi naman sila nag-uusap tungkol sa personal na gusto nila.Natapos ang kanilang malaking salo-salo, nakatanggap siya ng iba’t-ibang regalo mula sa mga bisita, kamag-anak, at mga magulang. Masayang-masaya si Steph sa araw na ito pero merong isang bagay ang kanyang pinakaaabangan at yun ay ang malaman kung anong surpresa ang sinasabi ng kanyang asawa.Stephanie really thinks na mayroong surpresa si Caspian sa kanya, kaya sobrang lawak ng kanyang ngiti ng sandaling iyon.Napansin ni Caspian ang paglinga-linga ng asawa na parang nabo-bored na, “would you like to leave now?” Tanong nito.Napatingin naman si Steph sa kanya, at napangiti, “sure.”“Then… let’s go?” Nag-aalan
“Steph’s POV”I’m trying to set aside my feelings for him pero kinilig naman ako sa effort niya para sa birthday ko. Aaminin kong nahuhulog na naman ang loob ko sa kanya o mas lalo akong nahuhulog sa kanya and I am not sure if I have to forget my feelings for him or bigyan siya ng second chance.I know that everyone deserves a second chance baka mali lang ako ng pagkakakilala sa kanya at na mi-misinterpret ko siya, naniniwala rin akong hanggang may buhay may pag-asa pang magbago ang isang tao.“It’s getting cold, ling,” napatingin sa kanya ang mga kaibigan niya at sinundan ng tingin ang bawat kilos ng aking asawa.Tumayo siya habang hinuhubad ang suot niyang coat, lumapit siya sakin at pinatong ito sa aking balikat.Hindi pa ako nakakasagot ng mag-react ang kanyang mga kaibigan, “wooooah! Tama ba ang pagkakarinig namin, kernel Ardie
“Are you tired? Gusto mo bang umuwi na tayo?” Naglakas loob na magtanong si Caspian ng mabalot sila ng katahimikan.Patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ni Steph ng hindi namamalayan ng kanyang asawa. "Are you tired? Iuuwi na kita," tanong niyang muli.Pinunasan ni Steph ang kanyang luha saka mahinang sumagot, "sige."Paunti-unting pinahina ni Caspian ang apoy kasabay ng dahan dahan na pagbaba ng kanilang sinasakyan sa lupa. Naunang bumaba si Caspian sa kanya at iniabot ang kanyang kamay upang alalayan si Steph ngunit tinitigan lamang niya ang kamay ng asawa saka lumabas ng kanya mula dito."Let's go, inaantok na ako." Sabi pa nito ng mauna siya maglakad kay Caspian."Kailangan ko ng umiwas sa kanya lalo na at alam ko ng kahit kailan ay hindi niya ako gugustuhing mahalin… Pero… bakit hindi niya ko kayang mahalin? Hindi ba ako kamahal-mah
“Why don’t you rest more pa? Baka pagod ka lang. Balak ko pa naman sana ipakita sayo yung gift ko para sayo kahapon kaya lang nakatulog ka. Iakyat ko na lang dito at iwan ko dyan, nagmamadali kasi ako,” sabi ni Caspian kay Steph. Nag-okay gesture sa daliri si Steph at muling bumalik sa kanyang kwarto without saying anything to him. She was planning to go out kapag nasiguro na niyang hindi na babalik ang kanyang asawa. Inihiga niya ang kanyang katawan sa kama at nakinig ng music hanggang sa di niya namalayang nakatulog pala uli siya. Samantalang si Caspian naman ay nakapag-report na sa kanilang headquarters at naghahanda na para sa bagong papasok na batch na kanilang ite-train sa pagka-officer. “Buddy, it’s good to see you again!” Sigaw ni Jerome na umagaw ng atensyon ni Caspian. Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses at nagulat ng makita ang kanyang mga kaibigan na naglalak
“Anong nagdala sayo dito at bakit ganyan ang mukha mo?” Tanong ni Luigi ng masilayan niya ang nakabusangot na mukha ng kanyang kaibigan na si Steph, tumalikod siya upang ayusin ang mga files sa kanyang desk.Inalis ni Steph ang kaniyang sapin sa paa at itinaas ito sa sofa saka inihiga ang sarili roon at malungkot na nakatingin sa kisame. Napabuntong hininga siya bago sagutin ang tanong ng kaibigan, “hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Ewan ko pero nahihirapan ako,” reklamo niya sa kaibigang doktor.“Mukhang nakakalimutan mong hindi sakop ng kakayahan ko ang gamutin ang sugatan mong puso dahil sa pag-ibig,” biro niya na sa buong pag-aakala niya ay nagbibiro rin ito sa kaniya.“A-alam ko naman yun… Gu-gusto ko lang ng masasandalan sa panahong mahina ako and I expect you to be my companion pero mukhang mali ako,” narinig ni Luigi ang pagnginig ng boses nito ka
Gulat na gulat sina Caspian ng muli nilang magpakita sa kanila si Beatriz ng umagang yun na sinunod ang payo ni Ivan which is they all did not expect dahil ang kilala nilang beatriz ay walang planong gawin ang ganung bagay. “Se-seryoso ka talaga sa ginawa mo?” Nauutal na tanong ni Ivan sa dalaga na mas lalong lumutang ang ganda sa gupit nitong four by five hair cut na bumagay sa maliit at bilugan nitong mukha. “Oo, at seryosong-seryoso ako na mapaibig at mapapasakin si Caspian Andrew Ardiente,” nakaturo ang kanyang daliri sa kernel nang ianunsyo ito. “Ano naman kung mapaibig mo siya? Hindi naman maaring maging kayo,” sarkastikong sinabi ni Ivan. “Ivan, wag mong sirain ang pangarap ng isang binibini,” natatawang saway ni Lawrence. Napasimangot si Beatriz sa kanila habang walang emosyong nakatingin sa field si Caspian, “pero bakit maaring maging
“O, bakit nakabusangot ang aking buddy?” Tanong ni Ivan ng makita si Caspian na inis sa loob ng kanyang opisina at pawisan. “Buksan mo kasi ang ceiling fan para hindi ka naiinis sa init ng panahon ngayon,” payo ni Lawrence saka pinilik ang switch ng fan. Naglakad ang dalawa papasok sa opisina ng kaibigan at naupo kalapit niya. Wala pa ring imik si Caspian habang ang dalawa ay nakikiramdam lamang sa kanya at naghihintay ng kanyang sasabihin. “Naiinis ka pa rin ba dahil kay Beatriz?” Tanong ni Ivan. “Hindi, ba’t naman ako magpapaapekto sa babaeng yun?” Iritable niyang sagot. “Kung hindi ka sa kanya inis, kanino ka naiinis?” Nagtatakang tanong ni Lawrence. Sasagot na sana si Caspian ngunit humahangos na dumating si Jerome sa kanyang opisina upang ibalita ang kanyang nakita sa labas. “Dude, yung asawa mo n