Chapter Six: Unexpected KissBago pa makasakay ng kotse si Daphne ay nagmamadaling sinundan ito ng Mama niya. Nanggagalaiti ito sa galit dahil sa ipinakitang kabastusan ng panganay niyang anak. She want this marriage to be successfully done ng walang nagiging problema, pero mukhang hindi makikisama ang anak niya. "Anong eskandalo nanaman 'to, Daphne?!" inis na tanong ng Mama niya, saka hinila ang braso nito. Mabilis na pinunasan ni Daphne ang luha sa kaniyang pisngi at matapang na hinarap ang Mama niya. "What? Hindi ako gumagawa ng eskandalo. Bakit hindi niyo tanungin ang isa niyo pang anak? Kasuotan pa lang ka-eska-eskandalo na!" "Diane is always like that! What's wrong with you?!" "Yes, she always like that, because you didn't teach her how to wear in a professional way! Oh, shock! Nakita mo ba yung labi niya? Nakita mo ba yung nagkalat niyang lipstick sa labi at ang lipstick sa polo ng lalaking pakakasalan ko?! Well, me, yes, nakita ko! And I saw them, kissing near at the girl
Chapter Seven: Threatening"Storm, nasisiguro mo ba na si Diane Romero talaga ang kasama ko nang gabing iyon?" tanong ni Treyton sa bodyguard nitong si Storm.Napaisip sandali ang bodyguard. Hindi niya inaasahan ang biglaang pagkainteresado ng kaniyang boss sa nakasama nito noong gabing magtungo sila sa Enchanted Bar. Kadalasan naman kasi ay ipinapahatid lamang nito ang babaeng nakasama sa kama kasabay nito ang pagbibigay ng malaking perang halaga kapalit ng hindi na nito pagpapakita.Wala siyang pakialam kung bakit papalit-palit ng babae ang boss niya, dahil para sa kaniya ay normal lamang iyon para sa isang lalaking mayaman. Napailing si Storm saka tumingin sa mga papel na nasa ibabaw ng desk ng boss niya. Naroon ang mga nakalap niyang information patungkol sa magkapatid na Romero."O-Opo, tinanong ko po siya nang gabi na iyon. At base rin sa mga nakalap kong impormasyon, hindi hilig ni Ms. Daphne ang magpunta sa bar, masyado itong conservative at workaholic," tugon ni Storm.Muling
Chapter Eight: Mysterious AttitudeMakalipas lamang ang tatlong araw ay abala ng muli si Daphne sa kaniyang pagbisita sa kaniyang mga pasyente. Mabuti na lamang at hindi ipinagkalat ni Doctor Cabrera ang tungkol sa kaniyang nalalapit na kasal. Nang matapos ang kaniyang gawain ay nakatanggap siya ng hindi inaasahang tawag mula sa kaniyang head Doctor."Hello, Doctor Romero. I don't know what you've done, but Director Casteñola is want to see you now."When she answer the phone call hindi niya alam kung ano ang dahilan. Nang mag rehistro ang mukha ni Treyton sa kaniyang isipan ay nanlamig ang kaniyang mga kamay. Kinakabahan niyang inayos ang kaniyang sarili. At saka pinilit na maging normal. Lumabas siya ng Doctor's quarters ng naka-nakangiti. Nakahanda siyang salubungin ng isang pekeng ngiti ang mga taong makakasalubong niya.Nang marating niya ang opisina ng Head Director ay hindi na siya nag atubiling kumatok ng tatlong beses bago magsalita. "Head Director?""Come in," nang buksan n
Chapter Nine: Hidden Agenda"Mabuti naman at nagpunta ka rito."Napatingin si Daphne sa kadarating lamang na babae. It's her Mom. As usual ay kasa-kasama pa rin nito ang bago nitong asawa."Pang bawi na lang sa ginawa ko no'ng nakaraan.""Dapat lang, Daphne, dahil ilang araw na lang ay ikakasal ka na. At saka baka gusto mo rin bumawi sa kapatid mo? Sa ginawa mong pagsisinungaling para lang makaalis ka."Daphne smirked. "Until now, para sa inyo ay nagsisinungaling pa rin ako? Bakit kasi hindi niyo siya tinanong?""Sa tingin mo ba ay hindi ko siya tinanong?" inis na tugon ng Mama niya ngunit nasa mababang tono lamang ng boses."Oh, tinanong niyo pero itinanggi niya, malamang kaya ang ending ako ang sinungaling. Nasaan ba siya ngayon? Para naman ako na mismo ang kumausap sa kaniya.""W-Wala siya dito, dahil abala siya sa darating nilang exam."Hindi na lamang nagsalita si Daphne at kinuha na lamang niya ang isang baso ng wine sa kadaraan lamang na waiter. Mabilis niyang itinungga iyon sa
Chapter Ten: Awakened BeastNatuloy ang kasal nang araw na rin na iyon. Kahit labag sa kaniyang puso at prinsipyo ay walang magawa si Daphne. May mansion na rin na nakahanda para sa kanila. Ngunit hinayaan lamang siya ni Treyton sa kung saan niya gustong mag stay. Kaya naman sa guest room siya tumutuloy.Hindi naman makatulog ng maayos si Daphne tuwing gabi dahil gabi-gabi rin ay iba't-ibang babae ang inuuwi ni Treyton at maingay na pinagsasaluhan ang init ng katawan. Palagi na lamang siyang puyat na pumapasok sa hospital, hindi siya makatulog sa ingay ng mga ito na tila ba sadyang ipinaparinig sa kaniya ang mga ungol at halinghing ng mga ito.Ngayon araw ay naisipan niyang hindi pumasok dahil masama ang pakiramdam niya. Hindi na siya magtataka kung bakit dahil bukod sa puyat ay pagod rin siya sa trabaho. Dito niya mas nakilala ang mga katulong na kasama nila at isa na doon si Manang Sonya.Hinahatiran siya nito kung ano man ang kailangan niya. Ito rin ang nagsilbing personal maid niy
Chapter Eleven: The Reason Why "Anong ginawa niyo?! Sagutin mo ako!" Hindi malaman ni Daphne kung bakit galit na galit si Treyton. Ibang-iba ito sa pangkaraniwang Treyton na nakikita niya sa araw-araw. Ngayon ay para bang kayang-kaya siya nitong saktan. Napailing na lamang siya sa takot. "W-Wala... Wala kaming ginawa." "Tsk. Sa tingin mo maniniwala ako?!" mas humigpit ang pagkakahawak ni Treyton sa balikat niya. Unti-unti ay naglandas ang luha sa kaniyang mga mata dahil sa takot. "Pare-parehas talaga kayong manloloko! You're just like my, Dad! And now, you should be punish!" Kinaladkad siya ni Treyton paakyat. Halos sumigaw na siya dahil sa nararamdamang takot. Hawak ni Treyton ang kaniyang buhok, hindi na niya nagawang lumaban dahil alam niyang mas masasaktan siya. Tumatama ang kaniyang mga braso sa bawat pagitan ng hawakan sa hagdan, lamesa at pinto. Nagulat na lamang siya nang diretso siya nitong ipinasok sa kwarto nito at malakas na hinagis sa kama. Napaurong si Daphne han
Chapter Twelve: The Unexpected Surprise!"Ano ng balita sa missing in action mong asawa? May pa-surprise pa kuno!" kantiyaw ni Izzy kay Daphne habang kumakain sila sa cafeteria.Napairap naman siya."I don't want to talk about him. Nakakawala ng gana kumain."Tatlong buwan na ang nakalipas, walang Treyton ang nagpakita at nagparamdam sa kaniya. Hindi niya alam kung nasaan ito, kahit ang pamilya nito ay hindi magawang sabihin sa kaniya kung nasaan ito. Ang akala pa naman niya ay simpleng business trip lamang at babalik rin kaagad ang asawa.Her husband? Tanggap na nga ba niya talaga? Oh, well. Matatanggap na nga niya siguro kung bumalik ito at nagbago, ngunit heto at mukhang pinaasa lang siya.Hindi naman kasi makakailang hinihintay niya ito bumalik, para sa surpresa nitong sinasabi. Hanggang sa napagod na lamang siya maghintay at mawalan ng pakialam dito. Kung tutuusin ay pabor sa kaniya na wala ito sa tabi niya dahil tila ba malaya na ulit siya.Pwera na lamang sa personal body guard
Chapter Thirteen: Make Out On Airplane"Ang gwapo niya talaga, shemsss!""True! Kanina pa nga 'yon nando'n na parang may hinihintay!""Ayy naku! Sinasabi ko sa inyo kung sino man ang jowa no'n ay talagang pinagpala ni Bathala!"Ilan lamang 'yan sa mga naririnig ni Daphne na bulungan sa loob ng Hospital. Napailing na lamang siya dahil karamihan sa mga ito ay nurse. Marahil ay may nakita na naman ang mga ito na guwapo kaya ganito ang kwentuha at tila mga kinikilig pa."Besh! Kanina pa ako dito ang tagal mo!" salubong na angal ni Izzy.Nakasandal ito sa pader malapit sa pinto ng Doctor's Quarters. Halata ang pagkayamot sa itsura. Kakatapos pa lamang niyang mag rounds at hindi na rin niya napansin ang oras. Halos maga-ala una na ng hapon ngunit heto at kakain pa lamang sila."Sorry, I forgot to check the time. Hayaan mo libre ko na lang ang drinks mo.""'Yan ang gusto ko sa 'yo! Hoy, wala ng bawian 'yan, ah?!"Napatango na lamang siya habang nakangiti saka kinuha ang wallet sa loob ng bag