Share

Episode 22: Maria

"Oh my God, Ate!" Namimilog ang mata ni Moira nang ikutan siya nito. "Pumapayat ka na at"—Napatili ito at nagtatalon sa sobrang tuwa sa bagong outfit niya.

Suot lang naman niya ang mga pinamili ni Jacob. Isang sexy shawl collar flap detail blazer and pants set ang suot niya ngayon na tinernuhan niya ng 3 inches shoes na kakulay din ng damit niya. Nagmukha siyang businesswoman sa attire niya kaya gandang-ganda siya nang sipatin niya ang sarili. Kailangang i-apply niya ang lahat ng natutunan dahil nang huling bisitahin siya ni Jacob, nagalit ito sa kanya at nasigawan siya.

"Ang kupad mo, Marie." Malungkot niyang saad na napalakas pa.

Kinalabit siya bigla ni Moira nang makita siyang nagsasalita mag-isa at lalo itong nagtaka nang pahiran niya ng tissue ang luha.

"Ano, Ate? Makupad? Sino? Tsaka ba't ka umiiyak? Grabe! Ang ganda-ganda mo na kaya hindi kita nakilala agad kanina nang tawagin mo'ko."

Bakas pa ang papahilom niyang sugat sa mukha pero hindi iyon nakapigil sa kanya para hindi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status