Share

Chapter Five

We quickly arrived on the address of the bar where Megan is, I shook my head while walking straight and going inside the Lux Bar sa likuran ko ay si Erin na palinga linga dahil nagbaka sakali na nasa tabi tabi si Megan.

As soon as we entered , I caught some guys attention but I ignore the way they stare at me. Even if this place was a little bit dark because of the dim lights I still know the way where the bar counter is located.

I saw a guy standing near the counter but I can hardly saw his facial features because someone is standing in front of him, when the person left it was the time when Erin called my attention so I looked from where she is.

"Girl she's here" sabi ni Erin ,and I saw Megan peacefully sleeping on the table, beside her where a lot of bottled drinks.

Napailing na lang ako bago inalalayan siyang tumayo inutusan ko si Erin na bayaran ang bill sa waiter na lumapit samin.

Pagkatapos noon ay lumabas na kami bitbit si megan ,idineposito namin sya sa likod ng sasakyan at doon na din umupo si Erin para ma alalayan nya si meg.

Matapos ang Isang oras na byahe ay nakauwi na din kami at tulad kanina ay nagtulungan kami ni Erin at dinala si Meg sa kwarto nya. Kumuha ako ng damit nya para mapalitan ko sya.

"Here na girl yung pang linis ni meggie, nakakaloka ha ano na naman kayang nangyari diyan" inis na sabi ni Erin may pagka maldita talaga ito eh kaya lagi silang nag aaway ni megan eh.

Sinimulan kong punasan si Meg sa mukha ng maalimpungatan sya at narinig ko ang mahinang hikbi nya.

"H-he doesn't want to see me anymore" bulong nya habang patuloy na umagos ang luha sa mga mata nya.

Napailing kami ni Erin at napa buntong hininga sa narinig. So it was about him again.

"He also broke my camera girl! Inapakan nya ng paulit ulit hanggang sa magkadurog durog" naawa man ako ay wala akong magawa dahil hindi ko ugaling makialam sa buhay ng iba.

"It's your fault naman kasi, napaka stalker mo ang creepy pa duh" sabat ni Erin sa likod kaya nagulat ako ng tumayo si Megan para sugurin si Erin mabuti na lang nahawakan ko sya.

"Ano bang paki alam mo ha! Doon ako masaya!" Sigaw ni megan at dinuduro duro si erin.

"Talaga masaya ka? Eh bakit ka umiiyak dito! Bumalik ka doon tapos mag makaawa ka!" Pabalik na sigaw ni Erin lalong nagalit si megan at nahawakan nya ang buhok ni Erin at hinila iyon.

Nahirapan akong awatin sila dahil parehong palaban, nagsisigawan pa pero napuno na ako dahil sa ingay.

"Ano ba! Hindi ba kayo titigil?!" Sigaw ko sa kanila habang hawak nila ang buhok ng isa't isa.

Lumabas ako ng kwarto at Pumunta sa kusina at kumuha ng dalawang kutsilyo pagkatapos ay bumalik kung nasaan sila at inabot iyon.

"Hayan magpatayan na lang kayo!"inis akong tumingin at ilang segundo lang ay binitiwan nila ang buhok ng isa't isa.

Naupo si Erin sa couch samantalang si Megan ay napaupo sa sahig habang umiiyak na naman.

"Meg I know that what happened to you has made you to react like this pero kung gusto mo ng kausap pwede ka naman magsabi samin ah" sambit ko at nilapitan siya para tabihan kung saan nakaupo.

Lumapit din si Erin at kinuha ang bimpo para punasan si meg ,nag irapan sila but I know na hindi na sila magkaaway.

"I'll treat you in exchange of your moving on stage hmp. Pick a country sagot ko na ang lipad mo" natawa ako sa masungit pero caring na pagkakasabi ni Erin.

Tumingin lang si Meg bago nagsalita" I want to have vacation in cebu and will stay there for a couple of months maybe, book me a flight now" yumuko siya na parang nahihiya.

"Do you want me to go with you? I can always file an indefinite leave for you girl" sabi ko at inabot ang damit para mkapag palit na siya.

Nagtungo sya sa bathroom sa loob ng kwarto nya bago ngumuso at tumango sa akin.

"Kailan ka mag file ng leave girl? Sabayan na kita nabo boring na din naman ako lumipad lagi" sabi ni Erin habang nag che check sa cellphone nya.

"Kaka leave ko lang two days ago eh pwede bang sa end of the month na lang?" Napalabi ako at nagpapa awa ang mukha kay erin inirapan nya lang ako bago tinawag si megan sa banyo.

"Meggie ,sa end of the month na lang daw tayo pumunta sa cebu i-adjust mo muna yung moving on stage mo girl" napatayo ako ng sinabi ni Erin yun baliw talaga baka magalit si megan.

Sumungaw ang ulo ni meg at tinignan ako."akala ko ba anytime? Bakit sa end of the month pa?!"gigil na sabi nya sakin.

"A-eh ano kasi ,diba kaka leave ko lang ,eh baka pwedeng sa month end na lang please? Two weeks na lang naman yung hihintayin hehe" kinakabahan kong sabi sa kanya.

"Ang daya! Fine! Basta in two weeks ha! Kakatayin ko kayo ni Erin pag hindi yan natuloy ha!" Sabi nya at pabagsak na sinarado ang pintuan.

Napatalon kami sa gulat at nagkatinginan ." Lagot ka girl panindigan mo yan huh! Mag luluto na muna ako babush." Sabi nya at lumabas na sa kwarto sumunod na din ako.

--

KINABUKASAN ay tanghali na kaming nagising dahil napilit kaming manood ni Erin sa netflix. Humihikab ako habang pababa ng hagdan nagtungo ako sa kusina para uminom ng tubig.

"Morning Li! Thanks nga pala sa pagsundo nyo sakin kagabi sa bar ha, buti hindi ako na-rape doon haha" masayang sabi ni meg akala mo hindi siya umiyak kagabi.

"Paano ka ba napunta doon? Alam mo bang delikado sa bar na yun" napapailing kong sabi at naupo na habang hinihintay ang nilulutong breakfast.

"Kaka stalk nya yan ,kaya di na namalayan nasaan na syang lugar" sabi ni Erin na sumulpot sa likuran ko may unan pang hawak at humihikab.

"You know how much I love him diba girls, but not anymore mag mu-move on na ko starting today!" Napailing kami dahil for sure scam na naman yang sinasabi nya.

Nilapag nya sa harapan namin ang fried rice,bacon,hotdog and eggs na niluto may kasamang hot choco para kay Erin at coffee with cream naman sa akin.

"Hoy mga gaga maniwala kayo pwede ba? Truth na to tapos na ko sa pagpa pantasya kay Hunt no" nabitin sa ere ang pag subo namin ni Erin ng marinig ang pangalan na sinabi ni megan.

"Y-you don't mean Hunter Fuentebella R-right?" Nauutal na sabi ko kaya napatingin si meg sakin na parang nalilito sa asal ko.

"Siya nga ,wait kilala mo girl?"sabi ni meg at narinig ko ang buntong hininga ni Erin.

Nag umpisang manariwa ang nakaraan sa akin, nanginig ang katawan ko at ng hindi ko na kaya ay agad akong tumakbo pabalik sa kwarto ko. Tears started to fall from my eyes remembering the past that I wished never happens.

Narinig ko ang katok nila Erin bago buksan ang pintuan ng kwarto ko, hindi na sila nagulat ng makita akong umiiyak they know about my past but they don't know the name of the person Im scared of.

"Hey, girl does hunter has something to do with your past?" Sabi ni Megan sa akin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

"I-i c-can't say it, b-but he's not the reason why I suffered that. It was another person's f-fault" nauutal at mahina kong sabi bago nagtalukbong ng kumot.

"Hayaan na lang natin siya meggie, mamaya maging okay din siya don't worry." Narinig ko ang buntong hininga ni meg bago sila lumabas ng kwarto ko.

Bumangon ako pagkasara ng pintuan at kinuha ang ilang litrato na nakatago sa ilalim ng kama ko.

I looked on the pictures in my hands, two girls holding an ice cream and a serious boy with a poker face looking in front of the camera. Tumulo ang luha sa mata ko ng makita kung gaano kasaya ang ngiti ng nasa litrato.

Hindi ko akalain na siya pala ang lalaking palaging ini-stalk ni megan ,hindi ko din naman kasi tinanong ang pangalan kaya kasalanan ko din.

Nakabalik na pala siya kasama nya kaya si aki. I felt bad on what happened between him and megan masyado nya sigurong nasaktan ang kaibigan ko dahil sa past na maging siya ay hindi pa din nakakalimot ganoon naman siya palagi eh.

Inisa isa ko pa ang mga litrato hanggang hindi ko namalayan na lumipas na ang oras, bumukas ang pintuan sa kwarto ko kaya agad kong tinago ang hawak.

"Girl, let me ask you this question please lang mababaliw na ko eh" sabi ni megan habang nakatingin sa akin ng seryoso.

Tumango ako kaya nag simula siyang magsalita " Is hunter your ex-boyfriend?" Napaawang ang labi ko sa sinabi nya dahil nagulat ako.

Napakunot noo ako at bumuntong hininga bago sumagot "No, he is just my childhood friend but---" bago ko matapos ang sasabihin ay binatukan ako ni megan bigla kaya napa angat ako ng tingin sa kanya.

"Gaga ka! Akala ko naman ex mo na kung maka iyak ka kasi! Diyan ka na nga hmp" umalis siya ng kwarto at pabalyang sinara ang pintuan sa kwarto ko.

"But he is a very important person to me meg." Mahinang sabi ko ngunit hindi nya na narinig iyon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status