Share

CHAPTER 31: A sudden visit

SOL POV

HINDI detalyado na sinabi sa'kin ni Luke ang patungkol sa sekreto na matagal ng itinago ni papa. Naging palaisipan ang bagay na 'yon sa'kin. Hindi ako mapakali, punong-puno ng mga katanungan na tila  nagkandahalo-halo na ang mga iyon sa utak ko. Ngunit ni isa sa mga 'yon ay wala akong makuhang kasagutan.

Nang matapos ang masiyasat na pagtatanong ng mga zodiacs kay Luke ay pinabalik na ito sa kanila ngunit pinadalhan ng mga bantay para masigurong hindi ito masusundan ng mga kaaway.

Oo, hanggang ngayon ay wala pa ring alam ang black swan patungkol sa tunay na katauhan ni Luke at ang posisyon nito sa Alphanatom. Dahil gaya nga ng sinabi ni Luke kaninang umaga, wala siyang balak umamin. Mananatiling sekreto ang lahat ng impormasyon ibinahagi niya sa'kin.

Inaasahan niyang hindi ko ito ipagsasabi kay Raddix. Nakokonsensya ako sa totoo lang. Feeling ko isa na akong traydor sa organization dahil sa paglilihim ko ng katotohanan. Pero ayokong magin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status