Share

Kabanata Setenta y tres

“ALAM KO… alam kong siya ang impostor. Inamin niya sa'kin bago kami makarating sa bansang ‘to,” paglalahad ni Scarlette.

Sa pag-amin niyang ito ay agad na dumilim ang ekspresyon ni Marcus. “Alam mo pero hinayaan mo pa rin siyang makaalis? At talagang tinulungan mo pa siyang makatakas!” sumbat ni Marcus.

“May dahilan ako kaya ko siya pinatakas,” pahayag ni Scarlette.

“Ano ‘yun? Anong kasinungalingan ang sinabi niya para tulungan siyang makatakas?”

Hindi sumagot si Scarlette sanhi upang mapagdesisyunan ni Marcus na kailangan niya itong hulihin. Sa ginawang pagtulong ni Scarlette kay Kurt na makatakas ay maituturing na itong kasabwat. “Kung hindi ka magpapaliwanag ay mapipilitan akong hulihin ka,” banta ni Marcus at bago pa makakilos si Scarlette at makalayo ay nagawa na niya itong mahawakan sa magkabilang kamay. “Kung ayaw mong bumukas ‘yang sugat mo'y ‘wag ka nang manlaban,” babala pa ni Marcus.

Pagkatapos ay binalik si Scarlette sa kwarto at binilinan nang mabuti ang kinuhang bantay na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status