Share

Chapter 18 - A Friend In Him

Marami ang mga naging pagbabago sa mga nakalipas na linggo. Kagaya ng mga pangako ni Mikel sa akin ay nanatili ako na ligtas mula sa kan’yang ama sa piling niya. Hindi na muli na nagkrus ang landas namin ni Leonardo Lucero matapos ang araw na iyon na nagkita kami sa pagtitipon at malaki ang pasasalamat ko kay Mikel dahil doon.

Naging maayos din ang lagay ko sa opisina sa kabila ng halos wala rin naman ako na ginagawa rito. Kadalasan nga ay ginugulo ko na lamang si Diane kapag buryong na buryong na ako na mag-isa sa opisina ni Mikel.

Sa kabila noon ay wala naman ako na mahihiling pa. Bukod sa pinapasuweldo naman niya ako rito kahit na madalas ay petiks naman ako, ay may libre pa ako na pagkain sa araw-araw. Kaya ano pa ba ang kakailanganin ko? Wala na, dahil naibigay na sa akin ang lahat bago ko pa man iyon hilingin.

"Peaches, let’s go?" Pagyaya sa akin ni Wyatt habang nakaupo ako sa tabi ni Diane rito sa may lamesa niya.

Sabay pa kami na nag-angat ng ulo ni Diane nang marinig ang b
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status