Padabog na ibinibagsak ni Mia ang mga hawak niyang tela, tila ba nanggigigil siya sa mga ito. Blangkong nanunuod sa kaniya si Stella na kanina pa naninibago sa ikinikilos ng kaibigan.“May galit ka ba sa mga bedsheet na yan girl? Sabihin mo lang at aabutan kita ng gunting para hindi ka na mahirapan.” Walang gana niyang aniya.“Nakakainis! Ano bang akala niya sa’kin? Papayag sa lahat ng gusto niya? No way!” hindi niya na mapigilang sigaw, napakunot naman ng noo si Stella dahil hindi niya maintindihan ang kaibigan.“Ano na naman bang nangyari at ipinuputok ng butsi mo?” naiiling na tanong ni Stella saka pinagpatuloy ang ginagawa niya. Hindi nagsasabi si Mia kung anong problema niya tapos bigla na lang puputok ang galit nito na hindi pa alam ni Stella kaya paano ba siya nito maiintindihan?Inis na naupo si Mia sa kama, parang ayaw niya na lang lumabas sa kwarto para hindi sila magkita ng Boss niyang pilingero.“Pinuntahan niya ako sa penthouse kagabi, lasing na lasing tapos gusto niya pa
Umaawit pa siya habang naglilinis ng mga vase, kahit ngayon lang, kahit ngayon niya lang makalimutan ang lahat.“Hoy Stella!” sigaw niya sa kaibigan niyang naglalakad na papalapit sa kaniya. Inis niya itong binatukan pero tinawanan lang siya ni Stella dahil naalala niya kung paanong kumaripas nang takbo si Mia kanina, nakalimutan yata niyang nakaskirt siya.“Bakit mo ba ako niloko?!”“Hahahaha malay ko bang maniniwala ka kaagad sa’kin? Ganun mo siya kagustong iwasan? Gagi hahaha alam mo ba yung itsura mo kanina hahaha, hindi ako makahinga sa katatawa sayo.” halos walang tigil niyang tawang saad, poker face lang naman ang mukha ni Mia na pinapanuod ang kaibigan na pinagtatawanan siya. “Oo na, titigil na.” wika niya subalit impit pa rin ang tawa niya dahil hindi niya ito makalimutan.“Gustong gusto mo talaga akong pinagtatawanan no? Huwag mong sobrahan dahil baka isang araw magising ka na lang wala ka ng kaibigan.”“Ito naman masyadong seryoso, eh bakit naman kasi kumaripas ka nang takb
Ilang araw ang lumipas at hindi pa naman binabanggit muli ni Aiden ang tungkol sa proposal niya kay Mia, ayaw din naman ni Mia na pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyun dahil baka mawalan siya ng control sa sarili niya mabatukan niya ang Boss niya.“Guys weekend naman bukas, let’s go sa bar? Kahit minsan lang naman.” Pag-aaya ni Kirsten.“Pwede naman, ano go kayo?” pagsasang-ayon ni Sarah. Binalingan nila si Stella ganun na rin si Mia. Abala si Mia sa ginagawa niya nang sikuin siya ni Stella.“Bakit?” inosente pa nitong tanong kaya napairap pa silang lahat. Tila kasi napakalalim ng iniisip nito.“Nakikinig ka man lang ba sa’min girl? Nasan ba laman ng isip mo?” pagtataray sa kaniya ni Kirsten kaya nilingon ni Mia si Stella ng nagtatanong ang mga mata niya.“Bar daw later, gusto mo? O hindi ka papayagan ni jowa?”“Bakit naman sana hindi? Buhay niya ba buhay ko? I can decide on my own kaya huwag niya ngang pakialamanan ang mga desisyon ko. Tao rin ako! May buhay!” halos magulat pa sila
Maya-maya ay tumayo si Mia, ang akala nila ay pupunta ito ng comfort room pero dumiretso siya sa dance floor. Kaya pa naman niya, bahagya lang siyang nahihilo lalo na sa ilaw ng bar. May ilang mga kalalakihan ang lumapit sa kaniya at halos palibutan na siya, gusto niyang sumayaw ngayon kahit na hindi naman siya mahilig sumayaw.Gusto niya lang ienjoy ang gabi dahil hindi niya alam kung kailan uli ito mauulit.“Hi, beautiful lady, do you have someone with you?” bulong ng isang lalaki sa kaniya, lumayo si Mia dahil kahit na lasing na siya ay alam niya pa rin ang ginagawa niya. Ayaw niyang makipagsayaw dahil ang gusto niya lang ay makapagsayaw siya ng mag-isa niya. Subalit kahit na lumayo na siya ay sinundan pa rin siya, napahinto siya sa pagsayaw niya nang hawakan siya sa bewang niya.“Don’t touch me,” may diin niyang saad dito pero ngumisi lang sa kaniya ang lalaki.“I like you,” nakangiti nitong saad pero blangko lang na nakatingin sa kaniya si Mia. Nawalan na tuloy ng gana na magsaya
Masakit ang ulong bumangon si Mia, ramdam pa rin niya ang pagkahilo. Napapikit na lang siya ng malasahan niya ang alak nang dumighay siya.“Gross,” aniya pa dahil sa maasim na mapait na panlasa niya. Inalala niya naman kung paano siya nakauwi.“Si Aiden, he’s there last night.” Wika niya nang maalala niya ang nangyari kagabi, napabuntong hininga na lang siya. Wala naman siyang ginawa kagabi para mahiya, she is just stating the fact. Halos hindi kaya siya makaisip ng maayos dahil sa gumugulo sa isipan niya. Mabuti nga at hindi pa naman binabanggit ni Aiden sa kaniya ang alok nitong kasal.Bumangon na siya sa kama saka nagtungo ng cr para makaligo na, weekend naman ngayon kahit magkulong siya maghapon dito sa penthouse. Gusto niya na lang humilata maghapon pero kailangan niyang lagyan ng laman ang tiyan niya. Nakaramdam siya ng ginhawa nang dumaloy sa katawan niya ang malamig na tubig. Mabilis lang siyang naligo dahil nagugutom na talaga siya.Pababa na siya ng hagdan nang mapakunot an
“Oh, I have a secret room here.” turo niya sa likod niya, nababasa niya ang pagtataka sa mukha ni Mia. Tumango si Mia saka tumayo at sinundan niya na si Aiden. Sabay silang sumakay ng elevator, kung saan silang tatlo lang ang may access, Aiden, Mia at Raoul. Nilalaro ni Mia ang mga daliri niya because this is their first date even it is just part of their pretending.Kinakabahan tuloy siya dahil baka gaya ni Jaxson maboring si Aiden kapag si Mia ang kasama niya. Natigil siya sa paglalaro sa mga daliri niya nang hawakan ni Aiden ang isa niyang kamay saka sila lumabas ng elevator. Halos napapatingin ang mga staff sa elevator na pinaglabasan nilang dalawa. Ni minsan walang ipinasok na babae si Aiden sa elevator ng penthouse at si Mia pa lang ang kauna-unahan kaya hindi nila maiwasang hindi mainggit.Napapahigpit ang hawak ni Mia sa kamay ni Aiden dahil sa mga nakakailang tingin ng mga guest, unti-unti naman ng nasasanay ang mga empleyado ng hotel sa kanilang dalawa pero ang mga guest ay
Nakatingalang tinititigan ni Aiden ang nagtataasang rides ng amusement park. Nagtataka kung paano ba iyun gumagana at kung paanong nakakasakay ang mga tao.“What kind of place is this?” kunot noo niyang tanong habang nasa mataas na drop tower ang mga mata niya kung saan maraming nakasakay at mga nagsisigawan. He gulp, parang hindi niya kaya ang mga matataas na lugar.“Amusement park, ni minsan ba hindi ka ipinasyal ng mga magulang mo? Kahit saan?” umiling si Aiden, hindi alam ni Mia kung tatawa ba siya o makakaramdam ng awa. She wonders if what kind of childhood memories he has. Napabuntong hininga si Mia, kahit na si Aiden ang nagsabi sa kaniya na babawi siya, gusto niyang iparanas kay Aiden ang mga bagay na minsan hindi niya naranasan.Hinawakan niya na si Aiden sa kamay saka sila pumasok sa loob, bumili na si Mia ng mga ticket, siya na rin ang namili ng mga rides na pagsasakyan nila.Matapos nilang bumili ay muli niyang hinila si Aiden subalit napatigil si Mia nang hindi man lang k
Nang matapos sa katatawa si Mia ay umayos na siya, nahihiya na rin siya dahil napakaseryoso ng mukha ni Aiden.“Tara na nga,” muli niyang pag-aaya.“I don’t want, I don’t trust you anymore.” Pagtanggi niya.“Oo na, hindi na kita isasakay sa mga pang adult para naman maenjoy mo ang araw na ito. Please trust me, hindi na kita isasakay sa mga ganung rides. I promise.” Nakataas pa ang kamay niyang wika nito na nangangako nga siya. Napabuntong hininga na lang si Aiden at muli siyang sumama kay Mia.Bumili na uli si Mia ng mga ticket sa rides ng mga bata. Inuna na nila sa carousel, kahit sila lang ang pinakamatanda dun ay hindi nila iyun alintana. Gusto lang ni Mia na maranasan ni Aiden ang mga ganitong bagay, mukha nga kasing seryoso itong hindi man lang siya nakarating sa mga ganitong klase ng lugar.Napapaisip tuloy si Mia, nag-iisa ng anak si Aiden pero hindi man lang ba nila ito nabigyan ng magandang ala-ala bilang bata? Napakabata pa niya para ituon siya sa mga aklat na hindi pa naman