"Hala, madaya!" sigaw ni Jasmine. "Kami rin boss, baka naman. Purga na po kami sa bread," biro nya.
Napuno ng udyukan ang bakery shop ni Alexis. Sa ganitong paraan ay gumaan kahit papaano ang pakiramdam nya. Nawala sa isipin nya ang mabigat na problema na dala-dala nya.
"Sge na nga," pagsuko ni Alexis. "Ililibre ko kayo ng tinapay!"
Nagtawanan silang lahat sa biro ni Alexis. "Tinapay na nga tinda natin boss, eh," ani Jasmine.
Napangiti ulit si Alexis. "Oo na, bibilhan ko na kayo mamaya ng coffee or milktea sa labas after lunch."
"Iyon!"
"Thank you ng marami boss!"
Hindi rin nagtagal ay dumating na ang mga regular customers nila. Kaya nagpaalam na si Alexis para tapusin ang mga paperworks at matapos ang ilang minuto ay may dumating na truck sa likod ng shop.
"Boss, yung bagong mga ingredients po and tray," ani Jasmine. "Ito po yata yung sa new product natin na ilalabas nyo po next next week."
Sinarado ni Alexis ang laptop nya. Tumayo sya sa usual na pwesto nya at nagtungo sa counter para utusan ang isa sa mga staff.
"Paki-double check naman ng total na ibibigay sa charity," ani Alexis. "Tapos inform mo ako after, ah. May aasikasuhin lang ako."
Tinutukoy nya ay yung mga natirang tinapay. Ganito kagaling ang shop ni Alexis. Walang nasasayang. Kaya ang mga customer ay palaging bumibili sa kanila dahilan para mas lalong gumanda ang takbo ng negosyo. Natutulungan na sya at may natutulungan pa sya.
"Yes po," ani ng isang staff.
Paalis na sana sya pero gusto nyang asarin ulit ang mga staff. "And if bumalik yung tinutukoy nyong gwapo, matangkad, at mukhang matalino ay ilibre nyo!"
Pagkatapos makipag-usap sa kanila ay nagpaalam si Alexis para magtungo sa likod. Inasikaso nya ang bagong dating na mga ingredients at tray.
Sa pagpunta ni Alexis sa likod ay sya namang pagdating ni Alvin sa shop. Napaaga ito at mukhang nahalata iyon ng mga staff.
Ngumiti ang staff sa kaniya. "Good morning po, ano pong order nila?"
Ngumiti pabalik si Alvin. Tila ba naihi sa kilig ang babaeng staff at namula ang mukha. Unang punta pa lang ni Alvin ay nakuha na nya agad ang kilig ng mga staff na babae.
"Isang eggpie ulit and then kababayan," ani Alvin. Dudukot na sana ito ng pera ngunit pinigilan sya ng cashier.
"Libre ka raw po ulit ng boss namin today, sir," sabi ng staff sa kaniya. "Pasasalamat nya raw po."
Sa isip ni Alvin ay napatanong sya.
"Boss? Sinong boss?" takang tanong nya sa isipan.
Hindi nya alam sa sarili pero bigla syang lumingon sa pwesto ni Alexis noong nakaraan.
"Nagwapuhan siguro sa inyo, sir," singit ng isang staff at bumungisngis. "Gwapo nyo kasi! Para po kayong artista! Siguro artista kayo sir at nagpapanggap lang na normal na tao? Hahaha."
Pinilit pa rin ni Alvin na magbayad. "Come on, pasabi salamat. Pero nakakahiya na kamo kasi nilibre na nya ako kahapon."
"Sorry talaga sir, libre po talaga kayo today. Gusto nyo po pwede nyo po kausapin boss namin," kinikilig na sabi ng staff kay Alvin.
Napailing na lamang si Alvin. Ito siguro ang pasasalamat ni Alexis sa kaniya kahapon. Pero hindi naman na kailangan pang gawin ito ni Alexis dahil nauunawaan ni Alvin ang sitwasyon nya.
Bitbit ang eggpie at kababayan ay nagtungo si Alvin sa usual na pwesto ni Alexis. Umupo sya doon at kumain. Balak nya sanang hintayin si Alexis para magpasalamat pero hindi na kaya ng kaniyang oras at kailangan na nyang umalis.
Alas onse na nang matapos si Alexis sa mga inventory ng bagong ingredients at trays. Medyo ramdam na nya ang pagod kaya nagpusod na sya ng tali.
Tila ba nagparinig ang isang staff kay Alexis nang makapasok itong muli sa loob.
"Yung gwapo, matangkad, at mukhang matalino na tila artista kanina ay napaaga ng dating at pumwesto sa pinagbabawal na pwesto."
Napatingin si Alexis sa kaniya at nakita nya ang nang-aasar na tingin ng mga staff.
"Hinihintay ka siguro ni Pogi kanina, boss!" ani Jasmine. "First time nun kumain dito at talagang sa pwesto mo pa sya umupo!"
Napailing na lamang sya sa biro ng mga staff. Napatingin tuloy sya sa usual spot na pinupwestuhan nya at hindi nya maiwasang mapansin ang truck ng basura sa labas. Naghahakot ito ng mga basura.
Marahil ay naroon na ang wedding ring nila ni Manuel dahil naalala nya na itinapon ito ni Manuel bago lumabas. O baka may nakapulot na ibang tao.
Sa isiping ito ay muli na naman syang nainis at napilitang uminom ng tubig.
———————————————————————
Naging busy si Alexis sa mga nagdaang araw. Bahay, bakery shop ang naging takbo ng buhay nya. Nalalapit na kasi ang paglalagay nya ng new product nya sa menu. Nakakapagod pero ayon ang naging way nya para unti-unting makalimot. Madalas nya pa rin maisip si Manuel pero ilang araw din itong hindi nagpaparamdam sa kaniya.
Noon ay halos hindi mawala sa isip nya si Manuel, mahal na mahal nya ito. Buong buhay nya ay kay Manuel lang umiikot. Ngunit nitong mga nakaraang araw ay napagtanto nya na hindi ganoon kadali ang mga pinagdaanan nya. Na nakakaramdam din pala sya ng pagod.
Wala ng tao sa bakery shop maliban sa kaniya. 8:50 na ng gabi at sampung minuto na lang ay magsasara na sya.
Tatayo na sana sya para patayin ang ilaw nang marinig na nya na bumukas ang pinto.
"Opps, sorry," nahihiyang bungad ni Alvin. Nakausot ito ng blue polo at trousers. "Pasara ka na?"
Dumapo ang tingin ni Alexis sa kaniya. "Good evening. Oo, pasara na sana ako."
Nagkunwaring nalungkot si Alvin. Tinaas nya ang kamay na may hawak na kape. "Aww, sayang. May dala pa naman sana akong kape."
Nagtatakang tinignan ni Alexis ang bitbit ni Alvin. "Para saan naman 'yan?"
Napakamot sa ulo si Alvin. "Magbabayad sana ako noong nakaraan kaso nilibre mo raw ako."
Natawa ng mahina si Alexis. "Wala 'yon. Hayaan mo sa susunod sisingilin na kita!"
Hindi akalain ni Alexis na sineryoso ng mga staff nya ang sinabi nya noong mga nakaraang araw. Binaba ni Alexis ang dalawang upuan at humarap kay Alvin. Tutulungan nya sana si Alexis kaso naibaba na nito ang dalawang upuan.
"Umupo ka muna. May natira pa yatang egg pie sa loob."
Hindi tumanggi si Alvin at umupo sa upuan. "Thank you, babayaran ko na ba 'yan?"
Natawa na lamang si Alexis.
Binuksan ni Alexis ang paper bag na may lamang egg pie. Kumuha sya ng dalawang plate at dalawang kutsara.
"Thank you," ani Alvin.
Kinapa ni Alvin ang sitwasyon. Hindi nya alam kung saan magsisimula.
"Wala kang pasok?" panimula ni Alexis.
Umiling si Alvin. "Paper works lang ang inasikaso ko ngayon."
"Alvin," pagkuha ni Alexis sa atensyon nya. "By any chance, are you a teacher?"
Sumagot si Alvin, "Yup, university teacher. Dyan sa may Circle City."
Namangha si Alexis sa narinig. "Sa may Philippines Polytechnic College?"
Natatawang tumango si Alvin at sumubo ng egg pie.
"Pareho kayo ni daddy. University teacher din sya."
Hindi nila namalayan ang oras. Naubos na nilang dalawa ang egg pie at ang kape na dala ni Alvin.
"Thank you for today," ani Alexis sa professor. "Mauna ka na, lilinisin ko pa 'tong table."
"Hintayin na kita, sabay na tayong lumabas."
Kagaya ng sinabi ni Alvin ay sabay nga silang lumabas. Sa magkabilang side sila dadaan, si Alexis sa kanan at si Alvin sa kaliwang kalsada.
"Bye, Alvin!" paalam ni Alexis sa kaniya. "Magbabayad ka na bukas, ah."
Kumaway naman si Alvin pabalik habang natatawa. "Yup, magbabayad na. Bye!"
Sumakay na si Alexis sa kaniyang sasakyan. Natapos na naman ang araw na masaya sya at walang iniisip, pero ayon ang akala nya.
Pagpasok pa lang sa gate ng subdivision nila ay nakita na agad ni Alexis ang pamilyar na sasakyan sa tapat ng bahay nya.
Bumuntong hininga sya. Pinarada nya ang sasakyan at lumabas. Hinarap nya si Manuel na naghihintay sa tapat ng bahay nya.
Kita ni Manuel na para bang chill lang ngayong araw si Alexis. Tila ba nabunutan sya ng tinik dahil hindi ito mukhang iritable katulad noong huli nilang pagkikita.
"Gabi na, bakit ngayon ka lang umuwi?" kalmadong tanong ni Manuel kay Alexis.
Sa ilang segundo ay para bang bumalik ang nararamdamang pagmamahal ni Alexis sa kaniya. Pero hindi nya kayang palagpasin ang nangyari kaya natauhan din sya agad nang maalala ang bangungot na 'yon.
"Kakatapos ko lang magtrabaho," simpleng sagot ni Alexis at nilagpasan si Manuel.
Pero hindi nya akalain na hahawakan ni Manuel ang kaniyang kamay.
"Let's talk," mariin na sabi nito.
"Wala na tayong dapat pag-usapan."Tila ba bumagal ang oras nang alisin ni Alexis ang kamay ni Manuel. Bilog ang buwan, ang malamig na simoy ng hangin ay nararamdaman nyang dumampi sa kaniyang mukha. "B -bitawan mo na ako," muling sambit ni Alexis nang hindi bumitaw si Manuel sa pagkakahawak. "Tatawag ako ng pulis, isa pa."Hindi pinansin ni Manuel ang mga sinabi ni Alexis at napatingin ito sa kaniyang relos. "Alas onse mahigit na," panimula nito. "Kailan pa nabago ang oras ng pag-uwi mo?" seryosong tanong ni Manuel.Napatiim bagang si Alexis. "Wala kang pake kung anong oras akong uuwi. Nawalan ka na ng karapatan nang saktan mo ko."Pilit kinalma ni Manuel ang sarili at hindi sinabayan ang pagtataray niya. "Tinatanong kita ng maayos, kailan ka pa umuuwi ng ganitong oras?"Pinilit tanggalin ni Alexis ang kamay ni Manuel at nagtagumpay sya. "Sabi ng wala ka ng pake doon."May magbabalot na dumaan sa gilid nila at tinignan sila. Naagaw ng pansin ng magbabalot ang ginagawa nilang dalawa.
Napayuko sina Joy at Bruno nang sagutin na ni Alexis ang tawag. Ninang at ninong nilang dalawa ang parents ni Alexis at ganoon din si Alexis sa parents ng dalawa. Alam ni Bruno at Joy na ang mga magulang ni Alexis ay boto kay Manuel. Labis ang tuwa ng mga ito kay Manuel lalo na noong panahon na niligawan ni Manuel ang kanilang anak."Na sa bagong restaurant po ako ni Bruno, dad," sagot ni Alexis. “Kumakain po ng lunch.”Tinawag na nila Joy at Bruno ang lahat ng santo at ipinagdasal na huwag banggitin ng mga magulang ni Alexis si Manuel."Really?" may halong lungkot na tanong ni Alexis. "Balak ko pa naman po sanang kumain dyan sa inyo mamaya, dad."Mukhang hindi sumagi sa isip ng daddy ni Alexis na hanapin si Manuel. Tila ba nabunutan ng tinik ang dalawa at nakahinga ng maluwag."No need, dad," ani Alexis. Napanguso si Alexis nang babaan sya ng tawag ng daddy nya. Pero mabuti na lang at hindi nito binanggit si Manuel. Alam nya sa sarili na mahihirapan syang magpaliwanag sa mga 'to."
Kitang kita ng dalawang mata ni Manuel kung paano mag-usap si Alexis at si Alvin sa parking space. Nagtataka nya itong tinignan at sigurado syang si Alexis ang babaeng nakikipag-usap. Pamilyar din sa kaniya ang sasakyan na nakaparada. Ito ang unang regalong natanggap ni Alexis sa daddy nya at kasama nya nang bilhin ito. "Dude, di ba yun yung future wife mo?" tanong ng isa sa mga kaibigan ni Manuel. "Sino yung kasama nya?"Mayroong get together ang mga kasamahan nya sa basketball noong highschool kaya napadpad dito si Manuel. Pinili nila ang lugar dahil madalaas na sila kuamin dito noon pa man. Hindi naman nya akalain na narito si Alexis. "Hindi," pagsisinungaling ni Manuel sa kaibigan. "Never pupunta rito 'yon. Maarte 'yon sa pagkain, ayaw sa mga mura. Baka kamukha nya lang."Ganoon lang kasimple ang sinabi nya at para bang mga aso na agad naniwala ang mga kasama nya. Ganito maniwala ang mga kaibigan at mga tao sa paligid nya. Humarap si Manuel sa mga kasama nya. "Mauna na kayo. Ma
Gabi na at tila ba nawala bigla ang antok na naramdaman ni Alexis dahil sa tanong ni Bruno. Mukhang kahit na anong tago ang ginawa nya kanina ay nahuli pa rin siya ni Manuel. Talagang wala syang kawala sa dating nobyo.“Nadamay ko pa tuloy si Alvin,” bulong nya sa kaniyang sarili. Hindi nya gustong madamay ito. Dahil bukod sa wala naman itong ginawang mali ay hindi naman ito kasali at walang alam sa relasyon nila noon.Umukit ang kuryosidad sa isipan ni Alexis nang muling dumapo ang hindi kapani paniwalang rebelasyon ni Alvin. Gusto nya tuloy malaman ang eksaktong edad ni Alvin. Gusto nya itong itanong kanina ngunit nahihiya sya.Hindi kasi halata sa edad nito na isa na syang ganap na dean. Bukod kasi sa mukha syang bata ay tila ba kakagraduate lamang nya ng kolehiyo. Kaya grabe na lang ang gulat nya nang malaman na dean na ito.Kinuha ni Alexis ang kaniyang laptop. Humiga sya sa kama at binuksan ito. Nagtungo sya agad sa website ng Philippines Polytechnic College. Hinanap nya ang p
Nang ibaba ng daddy ni Alexis ang tawag ay agad syang inulan ng tanong ni Joy. Mababakasan mo sa kaniya ang pag-alala. Kinakabahan sya na baka kung ano na ang nangyari sa tawag. "Hinanap na ni tito si Manuel?" agad na tanong ni Joy. "Shet, kinakabahan ako!" Tumango si Joy bilang sagot. Hindi nya pa rin maiwasang kabahan kahit na nakapatay na ang tawag. Ito ang ayaw nyang pakiramdam sa lahat. Saan nya ngayon hahagilapin ang tapang para harapin si Manuel. Ayaw na nya itong makita. Kailangan nyang magmadali para makapunta sa bahay ng parents nya para sabihin na wala ito. Kasi kung mahuhuli sya ay baka tawagan pa ng daddy nya si Manuel at makita nya pa ito ng wala sa oras. "Kailangan ko ng pumunta ngayon sa bahay," ani Alexis kay Joy. "Baka mamaya pumunta pa si Manuel, uunahan ko na sila Mommy at Daddy." Agad namang tumango si Joy. "Mag-iingat ka, ah," sagot niya. "Magchat ka agad or message kung anong nangyari para masundo kita agad or mapuntahan." Kakarating lang ni Alexis sa baker
“Hindi ko akalain na sasaktan nya ang anak natin,” malungkot na saad ng mommy ni Alexis habang pumapatak ang luha sa mata. “Ni hindi ko nasaktan si Alexis mula noong bata sya, anong karapatan nyang saktan ang anak ko?”Pinakalma ng daddy ni Alexis ang asawa nya. Kahit na sya ay nanggagalaiti rin sa galit ngunit mas kailangan nyang kumalma para sa asawa at sa anak. Mahal nila si Alexis at hindi sila papayag na saktan ng kahit na sino ang anak nila.“Hindi siguro sinabi sa atin ni Alexis dahil ayaw nya tayong mag-alala,” ani daddy Alexis. “Hayaan mo tatanungin ko si Alexis at kakausapin ko muna si Joy na samahan si Alexis.”Kinuha nya ang cellphone sa sala at agad na tinawagan ang kaibigan ng kaniyang anak. Nang sumagot ito ay agad nya itong tinanong.“Joy, pwede ka bang makausap ngayon?” Hindi na nagtaka si Joy sa kabilang linya nang makatanggap ng tawag mula sa daddy ni Alexis. Inaasahan na nya ito lalo na at ngayon sinabi ni Alexis ang mga nangyari noong mga nakaraang araw. Mukhang
Sabay na pumasok ang dalawa sa loob ng bahay ni Alexis. Mabuti na lamang at nakapaglinis ng bahay si Alexis at hindi makalat ang loob.“Nandoon ang kusina,” turo ni Alexis. “May mga karne at gulay sa fridge. Ikaw na bahala kung anong lulutuin.” Tumango si Alvin bilang sagot. Nilibot lamang nya ng ilang minuto ang paningin sa kabuuan ng kusina at nang muling tumingin kay Alexis ay nakahiga na ito sa sofa at mukhang natutulog na.Napangiti na lamang sya at napailing. Mukhang napagod ito kakaiyak.Tumunog ang cellphone ni Alvin sa kaniyang bulsa. Kinuha nya iyon at sinagot. Nagtungo sya sa kusina.Isang boses ng lalaki ang agad na bumungad sa kaniya. “Alvin Dela Cruz, na saan ka? Sabi mo maglulunch tayo ngayon? San ka na naman nagpunta? Tara—.”Hindi na natapos pa ng lalaki ang sasabihin dahil pinutol na sya ni Alvin. “May gagawin pa ako. Kumain ka na muna mag-isa. Nakapark yung sasakyan ko sa campus. Gamitin mo muna, after lunch pick me up.”“Palautos ka na—.”Hindi na naman nuling pin
Nagtatakang tinignan ni Alexis ang dalawang kaibigan. Kung makatingin kasi ito sa kaniya ay para bang may krimen syang nagawa o batas na nalabag. “Sinong kasabay mong kumain?” muling tanong nila sa kaniya.“Nang umalis ako sa bahay nila mommy, nakasalubong ako ni Alvin. Hinatid nya ako tapos pinagluto ako. Iyon lang.”Simple lamang ang sagot ni Alexis pero ang kunot na noo ng kaniyang dalawang kaibigan ay hindi na nawala. Nagtataka sila at inulan nila ng tanong si Alexis.“Sino si Alvin?” pangunguna ni Bruno.“Bakit ka nya hinatid?”“At bakit ipinagluto ka pa nya?”Nakangusong tumingin si Alexis kay Joy. “Sya yung nagsauli ng susi. Yung kinuwento ko sayo last time sa shop.”Napatango si Joy nang maalala ang kinuwento sa kaniya ni Alexis sa shop. Hinawakan nya ang kaniyang baba at tila nag-isip nang maitatanong sa kaniyang kaibigan. Naglakad sya ng kaunti at muling humarap kay Alexis.“Nanliligaw ba sya sayo?” diretso nyang tanong na ikinagulat ni Alexis. “Oo o hindi lang ang sagot.”