MABILIS na nilagok ni Argel ang tubig. "No way!"
Madami ng gumugulo sa isipan niya, tapos ngayon pati 'yong kasambahay niya makikisingit na din.
Una, hindi pa siya tuluyan nakaka move on sa heartbreak niya kay Steffie.
Pangalawa, gusto niya muling makita ang misteryosong babae sa kanyang panaginip.
Pangatlo, nang makita niya ang misteryosong babae sa kanyang pool.
"Haist!" Piksi niya na ginulo ang kanyang buhok.
Muli niyang itinuon ang paningin sa kalsada, gusto niyang mag pokus sa pagmamaneho kaysa naman kung ano-ano na lang ang naiisip niya.
PAGPASOK palang ni Argel nang bahay ay sinalubong na agad siya ng isang mahigpit na yakap ng kanyang ina.
"Anak, i missed you so much!"
Humalik siya sa pisngi ng kanyang ina. "I missed you too mom,"
"Sa kusina tayo anak, nag luto ako ng paborito mo lasagna." Yakag sa kanya ng ina.
Inakbayan ni Argel ang kanyang ina na tila nag lalambing sa kanya, tinungo n
"KAPAG nag pakasal ka sa anak ni Mr. Avella, maaaring hindi ninyo mahal ang isat-isa. Pero may posibilidad na magkapalagayan kayo ng loob. I believe that love is learn. Baka nga hindi ninyo mamalayan mahal ni'yo na pala ang isat-isa!" Mahabang dugtong na sinabi ni ArmandoPagka-galing talaga ng kanyang ama, akala pa naman niya na nag bago na ang desisyon nitong ipakasal siya sa unknown girl na iyon. Pero heto at bukambibig na naman nito ang ran away bride niya, kuno!"Honey, hayaan mo na lang kasi iyang anak mo. Nasa hustong edad na 'yan, hayaan na natin na siya ang mag mando sa sarili niya. Mahirap pilitin ang hinog sa pilit, kawawa lang mga magiging apo natin kung hindi naman nagmamahalan ang mga magulang nila." Singit ni Beatriz sa usapan ng kanyang mag-ama.Naibuga ni Argel ang ininom na kape dahil sa sinabi ng kanyang ina. Isa pa itong mom niya, pasimple kong mag salita. Hayaan daw siya pero may 'apo' na involved na at hindi lang isa! dahil sabi pa ni
"UUWI ako dito hanggat gusto ko. Umalis kana nga sa harapan ko at magluto na ng makakain natin."Umalis na nga si Franki sa harap nito, malalaki ang hakbang na tinungo niya ang kusina para mag luto. Nag salang siya ng bigas sa rice cooker, mag prito na lang siya ng longgonisa at tocino.Ang hirap talaga espelingin ng ugali ng kanyang amo. Buti na lang talaga at medyo nakaka-adjust na siya na pakisamahan ito. Na mis nga niya kagabi ang kumag eh, aminin man niya o hindi sobrang natuwa siya ng makita ang binata na nandito na ulit sa bahay nito."Hay! makapag luto na nga!" Bakit ba pinag-aaksayahan niya ng oras ang binata.Sinimulan na nga niyang prituhin ang longgonisa mamaya na niya isusunod ang tocino. Nang matapos na siyang magluto ay naghain na siya sa lamesa, saktong pumasok naman sa kusina ang amo niya.Humugot ng isang silya ang binata at naupo. Sobrang tahimik nito kaya takot siyang mag salita. Binigyan niya ng isang plato ang amo na walang im
NAUPO si Argel sa gilid ng kanyang kama ng bigla niyang maalala ang kanyang mga pinamili. Tumayo siya at mabilis na lumabas ng kuwarto.Nakita niya sa sofa ang mga paper bags na pinaglagyan ng mga pinamili niya."Nasaan kaya siya?" Tukoy niya sa kasambahay. Pumunta siya ng kusina para silipin ito doon, wala ang dalaga pero may nakita siya baso sa ibabaw ng table at dalawang empty na tableta, binasa niya iyon"For body pain," nanlulumong inalapag ni Argel ang empty na tableta sa lamesa. Inuusig siya ngayon ng kanyang konsensiya. Bakit ba hindi niya pinaniwalaan ang daing sa kanya ng dalaga. Umaga pa lang nabanggit na nito na masama ang pakiramdam pero pinilit niyang sumama sa kanya."I'm so cruel!" Kastigo niya sa sarili. Mabilis na lumabas siya ng kusina. Binitbit niya ang kanyang mga pinamili at dinala sa kanyang kuwarto.Natuon ang kanyang pansin sa tatlong paper bags, binili niya iyon para sa kasambahay. Bilang pasasalamat at tumagal ito sa bah
"PANLOLOKO ang ginawa ni Fancy saakin." Dugtong ni Argel sa sinabi nito."White lies," pagtatama ni Akie. "Kailangan niyang gawin iyon upang hindi siya mahanap ng pamilya niya."Kita mo, napakadami ng alam ng kaibigan niya tungkol sa dalaga. Samantalang siya na amo at laging kasama nito sa kanyang bahay ni minsan hindi ito pinaghinalaan."Gusto siyang ipakasal ng kanyang ama sa lalaking hindi niya pa nakikita o nakikilala. Sa lalaking hindi niya mahal. Inshort, arrange marriage!" Dugtong ni Akie.Arrange marriage? Ulit niya sa isipan. Parang siya lang. Tukoy niya sa sarili.May mga katulad pa pala ng kanyang ama na naniniwala sa arrange marriage. Kung tutuusin ay panahon pa ng mga sinaunang tao. Iyong sama ng loob niya para sa kasambahay ay parang yelong natunaw, kahit hindi man malinaw sa kanya ang dahilan ng pagkatao ng dalaga ay naintindihan niya na ito.Pareho silang nilagay ng mga magulang sa isang sitwasyon na labag sa kanilang mga kalooban.
NGAYON pa lang alam ni Argel na may mababago sa kanilang samahan. Mamimis niya ang naging katauhan nito pansamantala bilang Fancy na pangit.NAGISING si Franki na masakit pa din ang buong katawan at mukhang may lagnat pa siya. Ilang segundo din na nakatitig siya sa kisame bago inilibot ang paningin sa loob ng kanyang kuwarto, akmang uupo siya sa ibabaw ng kama ng may maramdaman siyang masakit sa isa niyang kamay.Dextrose? nag taka siya bakit may nakakabit na dextrose sa kanya.Sa muling paglibot ng kanyang paningin nakita niya sa kanyang tokador ang tatlong paper bag, napangiti siya.Para pala sa kanya ang binili ng amo niya ng nasa mall sila. Nag isip pa naman siya na para iyon kay Steffie.Kahit marami siyang ayaw sa binata meron din naman itong katangian na gusto niya, ito 'yong tipo ng tao na ayaw ipakita ang totoong nararamdaman. Kunwari lagi galit sa kanya pero 'yon totoo may pag aalala din pala ito sa kanya.Maingat na bum
"OKAY lang naman sakto lang," ngiting sagot niya. "Ikaw kumusta na?""Very light busy lang naman itong friendship mo. Wala pa kasing nakukuhang kapalit na secretary ang kuya Arth, kaya pansamantalang ako muna ang nag tatrabaho sa kanya bilang secretary.""Wow, office girl kana pala friend," tuwang turan niya. "Buti naman naalala mo pa akong dalawin,"Kunwa'y nag tatampo na hinawakan ni Franki ang mga kamay ng kaibigan."Sorry na, busy lang ako. Pero kaya ako nandito para yayain ka mamasyal, na mis ko na kayang e treat ka," anito na sinabayan ng mahinang tawa.Natawa din siya sa huling sinabi nito. Sa kanilang dalawa ito ang mahilig manlibre sa kanya, mahilig kasi ito mamili nang kung anek-anek. Basta magustuhan nito bili agad, iyong tipong hindi na nag dadalawang isip muna."Buti sana kong payagan ako ng amo ko," ani Franki.Tinapik siya sa kanang balikat ng kaibigan."Ano ka ba, naipag paalam na kita. Pumayag naman siya, but in one co
PANAY ang silip ni Angela sa mga bagong dating na kustomer."Naku friend sa katabing table natin ang inukopa nilang table." Balita sa kanya ni Angela."Anong gagawin natin?" Kinakabahan niyang tanong kay Angela. Pinag close - open niya ang mga daliri, mannerism niya talaga iyon lalo na kapag kinakabahan siya o kapag may nagawa siyang ikagagalit ng mga magulang niya. "Hindi naman puwedeng dito na lang ako sa loob ng banyo, paano kong may ibang gumamit nito?""Mukha naman silang abala friend. Mag takip ka na lang ulit ng mukha tapos e - cover na lang kita para hindi ka makita ng dad mo." Suhestiyon ni Angela.Nalukot ang mukha ni Franki sa sinabi nito. "Effective kaya?""Lets try," sagot ni Angela.Gaya ng ginawa ni Franki kanina, muli niyang itinakip sa mukha ang kanyang sling bag habang nasa kanang gilid naman niya ang kaibigan upang matakpan siya.Natapos nang kumain si Argel pero hindi pa din bumabalik sa table nila ang dalawang dalaga. Na
NAPANSIN ni Argel na tila nag iisip ng malalim ang kaibigan na si Arth."Why, did you know her?" Usisa ni Argel."Her name sound familiar, pero parang hindi din ako sigurado." Sagot naman ni Arth."What do you mean?""Never mind! inom na lang tayo, enjoy natin ang birthday nitong playboy natin na kaibigan!" Itinaas pa ni Arth ang hawak na isang bote ng wine.Natatawa na naiiling na lang si Argel."Guy's hindi lang ako ang nag ce- celebrate ng birthday ngayon," ngiting wika ni Akie at makahulugan na sumulyap ito kay Argel. "Birthday din ng twin sister ko!""Ayon!" Hiyawan ng mga kaibigan ni Argel sa nanunuksong boses na sa kanya nakatingin. Pilit na napangiti siya. Sigurado, siya na naman ang laman ng usapan hanggang matapos ang kanilang inuman."Hoy, hindi kayo nakakatuwa!" Kunwa'y reklamo ni Argel."Kumusta na ang puso natin pare?" Kantiyaw na tanong ni Mike sa kanya.Hindi nakaimik si Argel. Pinakiramdaman niya