Share

Chapter 56

"ATE balikan natin sina dad, baka kung anong gawin niya kay Argel." May pag-aalalang turan ni Franki sa kapatid. Pilit na binubuksan ni Franki ang pinto ng kotse pero naka locked iyon.

"Dito na lang tayo," sagot ni Francine. "Naandoon naman si mom, mamaya lang palabas na ang mga 'yon." 

"Bakit naman ganoon na lang ang galit ni dad, kay Argel?" Tanong niya pero ang mga mata nasa labas ng bintana. Tanaw niya ang kanilang ina na mahigpit na nakayakap sa mukhang galit nilang ama. Narinig niya ang marahas na pagbuntong-hininga ng kapatid.

"Tingin mo ba, nakakatuwa ang ginawa mo?"

Hindi siya nakaimik.

"Iniisip ni dad na nagsasama kayo bilang mag-asawa ng Argel Montero na 'yon."

Ang bilis nang sulyap niya dito. "Hindi kami nagsasama bilang mag-asawa ni Argel. Namasukan ako bilang kasambahay niya."

"Namasukan ka na kasambahay," ulit nito sa sinabi niya. "Pero nakipag relasyon ka. Ano sa tingin mo ang iisipin ng mga tao kapag nalaman nilang magk

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Fatima Miranda
Book ba to
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status