Share

Chapter 54: First Choice

Tulala si Belle habang nilalaro niya ang pagkain sa plato na kasilbi sa harap niya. She was having breakfast by the pool alone… again.

It has been two days now since she had last seen Zyrone. Kung saan ito nagpunta, malay niya. Mula nang umalis ito matapos siya nitong iwan sa bahay nito, hindi na naman ulit nagpakita pa ang suplado. At kahit na nagngingitngit pa rin siya dahil sa huling pagtatalo nila, hindi rin mawala-wala ang pag-aalala sa dibdib niya para dito.

Ni hindi rin siya nito tinatawagan. At nunca naman siya ang unang tatawag. Ano ito sinusuwerte? Gigil niyang tinusok ng tinidor ang hotdog na nasa plato niya. Inuumaga na naman siya ng suplado kahit na hindi naman niya ito napagkikita.

“More coffee, Ms. Belle?’ untag ni Ivy sa kanya maya-maya. Nakatayo ito sa  tabi niya at binabantayan siya habang kumakain.

Sa buong dalawang araw na wala si Zyrone, ito ang kasa-kasama niya sa penthouse. Ito at ang isang cook

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status