Malayo pa lang ay kitang-kita na ni Melissa ang pamilyar na pick-up truck ng Hacienda. Pati ang lalaking nagmaneho niyon ay agad niya ring nakilala.
Ang kapatid niyang si Martin.Alam niya, kahit na nasa malayo pa lamang ito ay malaki na rin ang ipinagbago ng kaniyang kapatid. He's a grown-up man now. Mas nagmukha itong matured. Pakiramdam tuloy ni Melissa ay isang dekada siyang nawala kaya napakaraming mga bagay ang hindi na siya pamilyar.Mukhang napansin din naman agad siya ng kapatid kaya diretso itong tumungo sa direksyon niya at sa harapan niya mismo ipinarada ang sasakyan.Agad itong bumaba at isang mahigpit na yakap ang isinalubong sa kaniya."Ate!" Bakas ang tuwa sa boses nito ng sa wakas, pagkatapos ng dalawang taong pagkawala niya ay heto siya ngayon at muling nagbabalik."I missed you." She said after their heartwarming embrace. "Wow... you're a grown-up man now. Look at you, ang laki na ng ipinagbago mo." Ginulo niya ang buhok nito."Ate... 'Di ka pa rin nagbabago. Idol mo pa rin talaga ako." He smiled sheepishly. "So, paano? Tara na?" Dinampot na nito ang ilan sa mga bagahe niya at isa-isang ipinasok sa loob ng backseat."Kumusta ang Hacienda?" Tanong niya habang tinutulungan ito."Ayun... ganoon pa rin. Hindi pa nakakabawi dahil sa El Niño. Halos ubos na nga sa kaka-benta 'yong mga alaga natin eh. Hindi kasi maayos ang ani sa mga pananim."Habang sinasabi nito iyon ay seryosong-seryoso ang mukha nito. It only indicates that the current situation of the place is no joke."How's Dad?" She asked before she get in the car.Martin stop moving for a moment. Thinking if what will be the best description he could use to tell her about their father's state right now."Honestly, wala pa rin siyang ipinagbago. Ganoon pa rin siya tulad ng dati." Sagot nito kapagkuwan.Ibinaling ni Melissa ang tingin sa ibang dako. Parang may kung anong lungkot siyang naramdaman dahil sa sinabi ng kaniyang kapatid."Tara na. It's almost five o'clock, kailangan ko pang asikasuhin 'yung mga kabayo."Tumango-tango siya saka sumakay sa sasakyan. Sa isip ay pilit na inihahanda ang sarili kung paano haharapin ang ama.---------Seryoso ang mukha ni Jared habang nakikinig ng mataman sa report na isinumite ng bawat team na hawak niya."Sir, ano po sa tingin niyo?" Lahat ng pares ng mga mata ay dumako sa kaniya. Naghihintay sa maari niyang maging reaksyon."Honestly, nakukulangan ako sa mga detalye tungkol sa report at proposal ng bawat team." Seryoso niyang turan. "I suggest na i-revise niyo ng maayos 'yan. Make sure na gawan niyo ng paraan iyong mga bagay na alam niyong papalpak sa next meeting." Tumayo na siya at namulsa.Walang nasabi ang mga ito at napatungo na lamang.Lumabas na siya ng conference room matapos mapansing walang isa man sa mga ito ang gustong magsalita.Kasunod naman niya si Red na assistant slash secretary niya."Sir, saan niyo po gustong kumain?" Tanong nito ng nakasakay na sila ng elevator."Cancel all my meetings after lunch. Kailangan kong umuwi sa Batanes. Tell them to prepare the Chopper. I'll be in the helipad in twenty minutes." Hindi tumitingin dito'ng sabi niya."Yes, Sir." Sagot nito bago nagtipa na sa hawak na PC tablet. Pagkuwa'y nag-dial sa telepono at nakipag-usap sa kabilang linya.Nang makarating ng eleventh floor ay tuluy-tuloy siyang lumabas habang nakasunod pa rin ito.Nang pumasok siya sa kaniyang opisina ay tuluyan naman itong naglakad papunta sa desk nito.Akmang dadamputin pa lamang ni Jared ang coat niya sa sofa ng mag-ring ang cellphone niya. Ang kaniyang ama ang tumatawag."I'll be there before three." Agad niyang sabi dahil alam niyang iyon ang dahilan ng pagtawag nito."Good. I had another thing to discuss with you aside from business. So better hurry up." Seryosong sabi nito bago pinutol ang tawag.Napakunot-noo naman si Jared sa tinuran ng ama. Another thing to discuss? Ano na naman kaya ang gusto nitong pag-usapan?Kaninang umaga ay tumawag ito at madalian ang utos sa kaniya na umuwi sa Hacienda dahil umano upang pag-usapan ang isang business agenda.Matanda na ang kaniyang ama at matagal ng retired sa pagiging Big Boss ng kompaniya. Kaya naman bilang panganay sa tatlong magkakapatid, siya ang sumunod sa yapak ng mga magulang sa pagpapatakbo sa kanilang mga negosyo.At sa pagkakaalam niya ay smooth sailing naman ang lahat ng kabuhayan nila, kaya naman hindi niya alam kung para saan ang meeting nila ng kaniyang ama sa hacienda.Ang sumunod na pag-ring ng kaniyang cellphone ang nagpabalik sa lumilipad na diwa ni Jared. Nabasa niya ang pangalan ni Ching sa screen kaya agad niyang sinagot ang tawag."Hi!" Masiglang bati nito sa kaniya."Hello, sweetie." Sagot niya. "Napatawag ka?""Yeah. I just want to remind you about our movie night later. Also to ask to bri--" Hindi na nito naituloy ang sasabihin ng magsalita siya."I'm sorry, sweetie, but I need to cancel our movie night. Dad asked me to go home now and I'm already leaving in less than ten minutes." Sabi niya. He used his most apologetic tone as he said those words. Not wanting to make her feel disappointed."Ah ganun ba?" Halata ang paglungkot sa boses nito ng muling magsalita makalipas ang ilang sandali."I'm really sorry, sweetie. Promise babawi ako next time. Urgent kasi ang tawag ni Dad kaya hindi ko rin nasabi sayo ng mas maaga.""It's okay. I know you're always busy kaya naiintindihan ko." Pilit nitong pinasigla ang boses. "Then, I will call the girls instead and hang out with them.""Yeah sure, sweetie. Just enjoy the night.""Okay. Ikaw naman, ingat sa biyahe." Sabi nito ng walang anu-ano'y putulin na ang tawag.Napabuntong-hininga na lamang si Jared dahil sa ginawa ng kaniyang girlfriend. Pero imbes na mainis ay naiintindihan naman niya kung bakit ganon ang naging reaksiyon nito. Malamang talaga ay magtampo ito dahil sa biglaang pagkakansela ng date night nila."Sir?" Sumilip sa awang ng pinto si Red. "Everything's ready.""Let's go."Balik na ulit sa pagkaseryoso ang ekspresyon ng mukha niya.--------"Manang!" Tawag ni Melissa sa kanilang mayordoma habang bumababa ng hagdan.Lumabas naman ito sa kusina upang salubungin siya."Señorita Melissa..." Sagot nito habang nakatingala sa pagbaba niya."Manang, ilang beses ko bang sasabihin sayo na Melissa na lang itawag niya sa akin? hindi na pwede yang Señorita." Reklamo niya nang magkaharap na sila."Eh, Pasensya ka na, Anak, kasi nasanay lang ako na tawagin kang Señorita." nangingiting sabi nito na nagdulot ng pagkakunot sa gilid ng kanyang mga mata. "May kailangan ka ba?""Oo nga pala, hindi ko kasi mahanap si Martin. Itatanong ko sana kung nasaan si papa?"As if on cue, bigla naman pumasok ng kabahayan si Martin. Nagmamadali ito."Oh, heto na pala ang kapatid mo." Sabi ni Manang Ningning ng makalapit na sa kanila ang lalaki. "Maiwan ko na muna kayo." Anito saka tumalikod na.Hinarap niya ang kararating lamang na si Martin."San ka ba nanggaling? Kanina pa kita tinatawagan pero hindi kita makontak." Aniya."Sorry, Ate. Wala kasing signal sa bakahan." Sabi nito. "Inasikaso ko pa kasi ang mga dumating na mga equipments pati yung dumating na mga stocks para sa mga alaga natin." Paliwanag nito."Equipments? Para saan ang mga equipments? At saka bakit di mo sinabi sa akin na mamimili ka pala ng mga stocks? Eh 'di sana nasamahan kita at nadagdagan ko rin ng konti ang budget mo.""Hindi naman ako umalis, Ate. Inasikaso ko lang yung mga iyon kasi may mga nag-deliver dito kanina kaya agad akong pumunta sa bakahan kasi doon nila ilalagay yung mga equipments.""Eh sinong bumili ng mga iyon?" Takang tanong niya dito."Actually, Ate, nagulat nga ako eh kasi bigla na lang dumating dito yung katiwala sa bakahan tsaka sa rancho na may mga dumating daw ng mga traktora at mga makinarya.""Hindi kaya ang Papa ang bumili ng mga yon? Pero san naman siya kukuha ng pera? Ang sabi mo nalulugi na ang asyenda at tanging ang pagbebenta na lang ng mga hayop ang pinagkukunan ng budget." Kunot-noong tanong niya.Sabay pa silang nagulat ng biglang magsalita si Don Roberto sa itaas ng hagdan."Oo tama ka sa sinabi mo Melissa. Ako nga ang bumili ng mga equipments at mga stocks para sa bakahan at sa buong asyenda." Ang sabi pa nito habang bumababa ng hagdan.For the first time sa loob ng isang linggong pananatili niya sa Hacienda, ngayon lamang siya kinausap ng kanyang ama.At katulad ng dati napaka seryoso parin ng mukha nito. Maging ang pagsasalita at pagtingin sa kanya ay tila tao lamang siyang naliligaw sa asyenda."Seryoso po kayo, Papa? San naman po kayo kukuha ng ganun kalaking halaga para bumili ng mga ganung pangangailangan? Halos wala na po tayong mga alagang baka at baboy, pati ang mga kabayo ay ilang piraso na lang din ngunit nang tinanong ko ang katiwala, wala naman daw pong pumuntang mga buyer ng mga hayop. Isa pa..." Ani Martin. Huminto ito at saglit na sumulyap sa mukha ni Melissa bago muling humarap sa kanilang ama. "Kahit naman siguro ibenta natin ang lahat ng hayop sa asyenda ay hindi pa rin iyon aabot sa halaga ng mga dumating na kagamitan ang lahat ng mapagbibilhan."Napaangat ang isang sulok ng labi ni Roberto dahil sa sinabi ng anak."Let's say na nagawan ko na agad ng paraan ang napipintong pagkalugi ng asyenda ng dumating ang kapatid mo." Makahulugang sabi nito. Pagkuwa'y bumuntong hininga at tumingin kay Melissa."Ano pong ibig niyong sabi--" Naputol ang sasabihin ni Melissa ng ikumpas ni Roberto ang kamay sa harapan niya. Senyales na pinapatigil siya nito sa ano mang gusto niyang sabihin at itanong."Martin, tawagin mo si Manang Ningning at may sasabihin ako sa kanyang isang mahalagang bagay." Yun lang at tuloy-tuloy na ito ng lakad patungo sa patio.Hindi maiwasan ni Melissa na maikuyom ang kanyang palad dahil sa naging akto ng ama. Wala pa rin itong ipinagbago, isang tau-tauhan pa rin ang tingin nito sa kanya.The whole family was silent as they are having breakfast that morning.Naroon ang tatlong anak nina Soledad at Artemio na pare-parehong hindi alam ang dahilan ng pagpapatawag ng kanilang ama. Tahimik lamang si Jared habang nakikiramdam pa rin sa bawat kilos ng kanyang ama. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang kaide-ideya kung ano ba ang gusto nitong sabihin sa tawag kahapon. "Dad, pwede po'ng magtanong? Bakit niyo po kami pinatawag ng biglaan?" Hindi nakatiis na tanong ni Joseph sa ama. Tahimik na dinampot ni Artemio ang tasa ng kape at saka hinigop ang laman niyon. Kapagdaka'y tumikhim at humarap sa anak na nagtatanong. "May sorpresa kasi akong inihanda para sa kuya Jared niyo." Pa-umpisa nito. "Alam kong kilala niyo na ang mag-anak na dela Vega, lalo ka na Joseph dahil kababata at ka Schoolmate mo si Martin. At minsan na ring naging parte ng pamilya natin ang kapatid niyang si Melissa dahil ex-wife siya ng kuya Jared niyo."
Makulay at maliwanag ang buong kapaligiran ng mansion ng mga Dela Vega. Ang bawat sulok ay napapalamutian ng mga naggagandahang mga dekorasyon at nagpapahiwatig na isang malaking kasiyahan ang nakatandang idaos pagsapit ng gabi. Ngunit kabaligtaran niyon ang ekspresyon sa mukha ni Melissa. "Ate." Boses iyon ni Martin na nasa kaniyang likuran. Ipinatong nito ang kamay sa kaniyang balikat. "Are you alright?" Tanong nito. "Yeah. I'm alright." Walang kabuhay-buhay na sagot niya. "Where have you been? Tayong dalawa na nga lang ang normal sa pamilyanh 'to, bihira pa tayong magkita." Humarap siya dito.Binawi nito ang kamay saka siya tuluyang niyakap. "For some reason, I want to hate you, Ate." "Bakit naman?" "Hindi ka dapat pumayag sa gusto ni Dad. You have all the rights to refuse."Kumalas siya sa pagkakayakap ng kapatid at humarap dito na may pilit na ngiti. "As much as I wanted to, I can'
"I could say you never changed at all." Narinig niyang sabi ni Jared mula sa kaniyang likuran. Alam niyang palapit ito sa kaniya kaya naman dumampot siya ng isa pang wine glass sa mesa upang ibigay dito. "Do you think so?" She smirked at him. Not really thinking about showing him some filters. "Yeah." He gave her the same reaction. Inabot niya rito ang hawak na wine. Tumango naman ito saka iyon tinanggap. "Well. You too.""Do you think so?" Ulit nito sa tanong niya kanina. "Absolutely."Naglakad siya patungo sa sulok na hindi masyadong maingay. Sumunod naman ito kaya nahinuha niyang gusto nitong makipag-usap pa. Perhaps, confronting her? Just like the old times. "If you are going to confront me about this nonsense crap. I'm not the one you should talk with." Seryosong sabi niya. "I know." Sagot nito ng huminto na sila sa paglalakad. "I just wanted to ask how have you been? It's been a long time since huli tayong magkita.""As you can see, I'm doing fine.""Being dragged into t
Nang makarating sa kuwadra ay napansin ni Melissa na nanatiling nakasunod sa kaniya si Jared bagaman may sapat na distansiya ang layo nito sa kaniya. Marahil ay napagod na rin ito sa pang-aasar sa kaniya. "Magandang hapon po, señorita Melissa." Bati sa kaniya ni Mang Tomas."Magandang hapon din po, Mang Tomas." Ganting bati niya. Nang makita kung sino ang taong nasa likod niya ay bahagyang iniyukod ng matanda ang ulo nito bilang pagbati. "Sir Jared." Sabi nito. "Kumusta po ang mga kabayo?" Agaw niya sa atensyon ng matanda. "Okay naman, señorita. Mangilan-ngilan na lang ang mga kabayo pero narito pa naman ang pinaka-magaganda." Sagot ng matanda. "Pwede bang makita?"Ngumiti ang matanda saka nagpatiuna na sa pagpasok sa loob ng kuwadra. Totoo ngang iilan na lang ang mga kabayo ngunit malulusog naman ang mga ito. Napabuntong-hininga siya ng makita ang kalagayan ng buong kuwadra. Noon ay okupado ang lahat ng kulungan niyon ngunit ngayon ay iilan na lang ang naiwan. Naalala niya t
Nakita niya si Jared sa gilid ng sapa. Natatandaan niya pa na tanging sila lamang ni Jared ang pwedeng pumunta sa sapa'ng iyon. Since highschool ay naging paborito na nilang tambayan ang gilid ng sapa na nasa pagitan ng asyenda Dela Vega at asyenda Aguirre. Nagpagawa pa sila ng tree house sa puno ng mangga at doon sila laging nagpupunta kapag walang pasok sa eskuwela. Ngunit iba ang araw na iyon. Hindi na isang binatilyong Jared ang naroon at hindi na rin isang dalagitang Melissa ang anyo niya. Isang nagdadalang-taong Melissa ang ngayon ay nakaharap sa Asawa niyang si Jared. Tandang-tanda niya ang araw na ito. Ito ang araw na nagbigay bangungot sa buhay niya. Bagaman nakangiti ang kaniyang asawa, alam niyang hindi iyon para sa kaniya. Lumingon siya sa kaniyang likuran at totoo nga ang kaniyang hinala. Isang babae ang naroon. Si Aurelia. Ang anak ng katiwala ng Asyenda Aguirre. Lumapit ito kay Jared na tila ba walang ibang taong naroon. At tulad ng parehong eksena, Kitang-kita n
"Bakit kanda-haba yang nguso mo diyan? Pati noo mo 'di na yata tatablan ng plantsa dahil sa kunot." Biro ni Isang kay Martin ng makita siya ng dalaga sa terasa. "Huwag mo muna akong kausapin, please lang. Wala ako sa mood makipag-usap." Seryosong sabi ng binata. "Ay taray... Leave me alone ang peg." Biro pa nito. "So, may problema ka nga? Pwede mo naman i-share sa akin kung mabigat na, di ba?""Pwede ba, Isang? Just leave me alone. I want to be alone." Inis na sabi niya."Okay." Itinaas pa nito ang dalawang kamay. "Ang sa akin lang naman nandito lang ako kung kailangan mo ng kau-""Leave. Now." He cuts her off. Isabella just shrugged her shoulders and leave. As much as Martin want her to stay beside him, he would rather not tell her. It was his family's personal issue and he didn't want her to see how stressed out he was right now. Although they are best friends since young, showing her how vulnerable his situation is was the least thing he wanted to do. Idagdag pa ang nakakayamot
Sabado. Alas dos ng hapon ay tumulak na sila ni Martin papunta sa bahay ng mga biyenan ng kanilang ate Madeline. Kulang isang oras din ang biyahe kaya naman ang pick-up truck ni Martin ang sinakyan nila. Hindi na sila nag-abalang sabihan pa ang kanilang ama tungkol sa okasyon. Alam naman nilang wala rin silang mapapala kapag sinabi nila iyon dito. "Excited na akong makita ulit si ate Madeline. Ang tagal na rin kasi naming hindi nagkita." Ani Isang na naka-upo sa backseat. Katabi nito ang mga pasalubong at mga regalo nila para sa daratnang mag-anak. "Mukha ngang excited ka. Di ka nga nakapag-ayos eh." Biro ni Martin na sumulyap pa sa rear-view mirror. "Anong hindi? 'Di mo ba nakikita? Nag-ayos ako 'no?" Ngumuso pa ang dalaga. "Ah, nag-ayos ka na pala sa lagay na yan? Akala ko kasi nangudngod ka habang nagpo-floorwax dahil sa pula ng mukha mo." Ani Martin na hindi na napigilan ang pagtawa. Pati si Melissa ay tuluyan na ring napatawa dahil sa sinabi ni Martin. Totoo kasing napasobr
Actually, mukhang mabait naman si Richard. Iyon ang nasa isip ni Melissa habang kausap niya ang binata. Napag-alaman niya mula kay Madeline na anak si Richard ng may-ari ng Rancho Fuentes na siya ring pinagta-trabahuan ng biyenan ng kaniyang ate Madeline. Kahit na alam na niyang may sinasabi sa buhay ang binata, hindi naman niya ito kinakikitaan ng ano mang bahid ng ere sa pagkilos at pagsasalita. "Balita ko, may pasayaw si Mang Gener para sa mga dalaga at binata maya-maya." He said out of the blue. "Really? I thinks it's cool." Inilibot niya ang paningin upang hanapin si Martin. At hindi naman siya nabigo. Nakita niya itong nakikipag-kuwentuhan ilang mga dalaga doon. Gusto niya sa itong tawagin at paalalahanan para sa kanilang pag-uwi. "Yeah. So, are you gonna wait for it?" Ibinalik niya ang atensyon sa kausap. "Ha?" "Sabi ko, maghihintay ka ba hanggang mamaya?" Ngumiti muna siya bago umiling. "Naku, baka hindi na. Gabi na rin kasi kaya kailangan na naming umuwi." "Ganon ba