Papungas-pungas na lumabas si Camilla sa kaniyang kwarto ng umagang iyon. Pasado alas nueve na siya nagising, tuwing walang pasok ay nakagawian niya nang tanghali kung bumangon. Ngunit pakiramdam niya ay nanghihina pa siya sa sobrang antok malamang ay dahil sa sobrang pagtulog. Natigilan siya nang maamoy ang isang napakabangong ulam na nanggagaling sa kusina. Malamang ay may niluluto na naman ang lalaki para sa agahan nila. Naisip niyang maswerte pa rin siya dahil magaling na cook si Damon kaya lagi siyang busog. Bumaba siya sa hagdan at dumiretso sa kusina, inaasahan niyang makikita si Athena kasama ng lalaki ngunit wala ito. Tanging si Damon lang na abala sa ginagawa. Agad siyang pumwesto sa lamesa kung saan may nakatakip na pagkain. Natakam siya nang makita ang chicken sandwich na ginawa ng lalaki." Uy! Sakto gutom na ko!" Aniya sabay subo ng malaki sa sandwich na hawak.Nilingon niya ang lalaki na abala sa ginagawa ng biglang napatungayaw ito." Shit!" taranta itong lumapit sa h
HINDI napigilan ni Camilla ang maluha habang hatid ng tanaw ang papalayong kaibigan. Kasama ang nobyong si Mico ay hinatid nila si Athena sa airport papuntang Canada. Muli itong lumingon sa kanila,alam niyang umaasa pa rin itong makikita man lang sa huling sandali ang nobyong si Damon. Maya-maya ay kumaway ito at muling tumalikod. Nagawang tiisin ni Damon ang kaibigan sa hindi nito paghatid dahil masama pa rin ang loob nito sa pag-alis ni Athena. Maging siya man ay masama pa rin ang loob kaya naiintindihan niya ang lalaki.Tuluyan na itong nawala sa paningin nila kaya lalo siyang nanlumo,wala na ang bestfriend niya. Naramdaman niya ang paghawak ni Mico sa kaniyang kamay." Tara na,babe," anito.Hindi niya pa rin mapigilan ang hindi mainggit para sa kaibigan. Matutupad na kasi ang mga pangarap nito samantalang siya ay kailangan pang maghintay ng dalawang taon para makamit ang pangarap. Inakbayan siya ng nobyo at inaya nang umalis.Sa isang restaurant sila tumuloy para kumain, si Mico n
PAGOD ang katawan ay naisipan ni Camilla na magpahinga sandali sa isang bakanteng upuan na nasa tapat lang ng building kung saan siya nanggaling. Ilang araw na rin siyang naghahanap ng trabaho ngunit palaging nasa waiting list lang siya at maghihintay ng tawag. Sa ngayon ay galing siya sa job fair na isinagawa sa building na iyon. Front desk officer ang in-apply-an niya sa ngayon pero pangarap niya talaga ang maging isang manager ng isang resto. Nakasimangot siya ng tunggain niya ang bote ng mineral water dahil sa inis ng maalala ang mahabang pila kanina. Ngayon niya lang na-realize na ang hirap pala maghanap ng trabaho,bukod sa may experience ang priority nila ay kailangan pang maghintay ng matagal at wala pang kasiguraduhan kung makukuha mo ang trabaho. Napatingin siya sa wristwatch na nasa kaniyang bisig, tanghali na kaya pala kanina pa nagrereklamo ang tiyan niya. Naisipan niyang maglakad-lakad para maghanap ng makakainan nang isang kotse ang huminto sa harapan niya. Napahinto
UNTI-unting gumaan ang loob ni Camilla para kay Damon. Napansin niya kasi ang pagsisikap nito para sa hinaharap kasama si Athena. Ang dating alaskador, playboy at mayabang na Damon ngayon ay nagseseryoso na sa buhay, hindi na ito mapang-asar gaya ng dati kaya naman nagiging palagay na siya kasama ito. " Kung hindi pa umalis si Athena hindi pa magseseryoso sa buhay," aniya.Tanaw niya ito habang kausap ang isang lalaki na nagmamay-ari ng commercial building na kinaroroonan nila. Balak kasi nilang magrent muna ng space para sa kanilang resto dahil hindi sapat ang kanilang capital para magpatayo ng sariling building. Nagpasya na rin siyang lumapit sa dalawa para marinig niya ang usapan." Okay, next meet natin i will show more details and the contract for signing," anang lalaki. Inilahad nito ang kamay kay Damon na tinanggap naman nito." Okay sir, we're looking forward to meeting you again." " Thank you very much, sir!"" Oh, by the way this is my wife."Awtomatikong napataas ang
NANG makabawi sa pagkabigla ay agad na iniwas ni Camilla ang tingin sa katawan ni Damon. " Um, ano- kasi. A-akala ko hindi ka umuwi."Hindi niya alam kung bakit nauutal siya,nakaramdam siya ng kakaibang sensasyon ng mga oras na iyon. Pumunta ito sa harap niya habang pinapatuyo ng tuwalya ang buhok. Nanlaki ang mata niya sa ganda ng katawan nito, nasamyo pa niya ang mabangong amoy nito. Unang pagkakataon na makakita siya ng katawan ng lalaki in person at ganoon pala ang pakiramdam kapag nasa harap na mismo" Late na ako nakauwi at take note hindi ako uminom gaya ng bilin mo."" Ah, b-buti naman," aniya at akmang lalabas na." Teka, ano nga bang kaylangan mo at pumasok ka dito sa kwarto ko?" pigil nito sa kaniya habang hawak siya sa braso.Agad niyang binawi ang braso sa pagkakahawak nito." Sinabi ko na 'di ba? Akala ko hindi ka umuwi, kulit mo!"singhal niya at mabilis na lumabas ng kwarto." Ang aga mo na namang magsungit, meron ka ba ngayon, ha?" narinig niyang pahabol na wika nit
MARAHANG tinulak ni Camilla ang nobyong si Mico matapos siya siilin ng halik nito. Mukhang nakakalimutan yata ng binata na wala na sila sa resort at nasa harap na sila ng bahay na tinutuluyan nila ni Damon. " Babe, naman nandito na tayo sa bahay, umayos ka nga," saway niya sa nobyo." Why? There was no one around," nangingiting tugon ng lalaki." Mabuti na iyong nag iingat."Pagkasabi noon ay bumaba na siya ng kotse kasunod ng binata. Hinatid siya nito sa loob at naabutan nilang nasa balkonahe si Damon at nakatanaw sa kanila." Oh, Damon nandito ka na pala?"" Oo, kanina pa, mukhang ginabi kayo,ah?" pang-uusisa ni Damon." Siguro naman walang masama doon 'di ba?" Walang kangiti-ngiting tugon naman ni Mico.Natawa ng pagak si Damon. " Of course, ang importante naihatid mo siya."" So, okay lang sa'yo na halos araw-araw akong pumupunta dito para sunduin at ihatid siya?" paniniyak ni Mico." Oo naman!" Agad na tugon ni Damon.Lumapit si Mico kay Damon para makipagkamay." Salamat, du
NANGINGITI na tila kinikilig ang mga nakamasid sa kanila ang mga nasa paligid. Bakas sa mukha ng nga ito ang pagkainggit sa ka sweet-an na pinapakita ni Damon sa kaniya. Ramdam pa niya ang mainit na kamay na humahawak sa paa niya." Okay, bagay sa'yo, nagustuhan mo ba?" anito na tila hindi pansin ang mga umuusyoso sa kanila.Sino ba naman ang hindi kikiligin sa eksena nila, isang gwapo at macho ang nakaluhod sa harap niya habang isinusuot ang sandals sa paa niya. Hindi kaagad siya nakaimik pati siya ay na shock din sa ginawa ng binata. Nang makabawi sa pagkabigla ay mabilis siyang tumayo at inayos ang sarili, ang bilis ng kabog ng dibdib niya." Iyan na ba ang pipiliin mo? Okay, wait me here babayaran ko lang." " Oo, sige bahala ka." Napalinga siya sa paligid, nangingiti pa rin ang mga saleslady habang nakatanaw sa kanila." Okay, back to work tapos na ang palabas," pabulong niyang wika.Nang makabalik ang lalaki ay inaya na siya nito paalis, nagpatiuna pa siya sa paglalakad dahi
HINDI napigilan ni Camilla na pagmasdan si Damon habang abala sa pagluluto kaharap ang Ina. Tahimik siyang nakaupo lang sa lamesa habang naaamoy na ang mabango nitong niluluto ngunit hindi talaga doon nakatuon ang kaniyang atensyon, kundi sa lalaki. Sa di malamang dahilan ay kung bakit bigla ay napukaw ang kaniyang atensyon sa taglay na kakisigan nito. At kailan pa siya humanga sa isang lalaking may hawak na sandok habang nakasuot ng apron? Hindi niya mapigil ang lihim na matawa dahil sa naisip. Hindi niya maintindihan ang nangyayari sa kaniya. " Halika, Camilla. Tikman mo ang luto ng asawa mo, ang sarap!" untag sa kaniya ni Mrs. Villaruiz.Sumilay ang ngiti sa labi ng lalaki kaya lumitaw ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. Napilitan siyang tumayo para lumapit sa dalawa. " Alam mo, iha? Itong si Damon ko mula pa pagkabata genious na pagdating sa pagluluto kaya sabi ko noon napakswerte ng mapapangasawa niya," anang matanda." Mom,sobrang papuri na iyan, ah?" nangingit