NANG makalapag na ang eroplano na sinasakyan nila Samantha ay agad agad na silang bumababa. Pagkababa nila ay sinalubong sila ng mga tauhan at iginiya na palabas ng airport kung saan naghihintay ang mga sasakyan nila. Nandoon din ang ibang mga body guard na bantay nila. Habang naglalakad sila palabas ay nagsalita ang anak niya. " Pappy, carry po. " saad ni Emerald kay Vic.Si Vic kasi ang nag akay kay Emerald habang nasa kay Samantha naman si Harold. " Okay, Princess! " saad ni Vic at binuhat na si Emerald. Hawak naman ni Samantha si Harold sa kaliwang kamay. Nasa kanan niya si Vic habang buhat si Emerald. Naka sunod naman ang mga Yaya ng kambal sa kanila kasama yung secretary niya niya na si Teressa. Habang palabas ng airport ay iginiya si Vic at yumapos sa bewang niya ang kamay nito. May mga media na nakatutok sa kanila ang mga camera. Madaming gustong makapanayam sila pero hinarang ito ng mga body guard nila. Lumapit ang ibang body guard at iginiya sila sa nag aatay na kotse.
Maagang nagising si Samantha dahil hindi siya nakatulog ng maayos kagabi sa kakaisip ng mangyayari mamaya sa dinner doon sa mansyon ng magulang ni David. Hiling niya sana na wala doon ang binata baka kung ano ang mangyari kapag nagkaharap sila at ng Asawa nito. Naghanda siya ng agahan para sa mga anak niya. Hindi na siya nagpatulong sa mga kasambahay dahil sana'y na siya na maghanda ng mamakain ng mga anak niya. Namis niya din ang mga itong paglutuan. Kaya ngayon ay babawi siya sa mga Bata dahil sa susunod na araw ay papasok na siya sa company at magiging abala siya sa gaganapin na party. Mayamaya ay bumaba na ang mga Bata kasama nito si Vic. Pasan nito si Emerald sa likod nito habang tawa ng tawa ang anak niya. Si Harold naman ay nauna sa paglalakad ng mga ito. Pagkapasok sa dinning area ay sinalubong niya ang mga ito." Good morning, Bakla! Good morning, Babies! " saad niya sa mga ito. Lumapit sa kanya si Harold. Yumuko naman siya at humalik ito sa pisngi niya. " Good morning, M
Hindi makapagsalita ang lahat sa narinig na tanong ng Bata. Ramdam na ramdam ang katahimikan sa bawat isa. Ayaw naman nila na pangunahan si Samantha sa pagpapakilala sa ama ng mga ito sa kambal. Ayaw din nila na mabigla ang mga bata. " Princess, Mommy will tell you something later. Okay? " saad ni Samantha sa anak. " Hhhmmm... okay po! " saad naman nito sa kanya. " O, Sige na. Let's eat na. Baka gutom na ang mga Bata. " saad ni Drew." Tara na mga apo. Come to Lolo. " saad naman ng Ginoo. Lumapit rito si Emerald habang si Harold ay nadikit sa kay Samantha. Ayaw nitong lumayo sa nanay niya. Alam ni Harold na ang ama nila iyong tinutukoy ni Emerald kanina. Nakita niya kasi ang picture nito sa internet. Nag research siya about rito. Nag salo-salo sila sa hapag kainan. Ang mga Bata lang ang daldal ng daldal lalo na si Emerald na sinabayan naman ng anak ni Drew na babae sa kadaldalan. Habang si David naman ay tahimik lang siya na pinagmamasdan ang mga ina niya. Nasa tapat niya na up
ANG hindi nila alam ay sumunod pala si Harold sa kanila sa garden. Nakita ng Bata kung ano ang mga kaganapan doon. Pagkakita niya na umiiyak si Samantha ay agad na siyang nagsalita. " Stop hurting my Mom. " galit na saad ni Harold. Nasa bungad siya ng pintuan palabas ng garden. Kuyom ang maliliit nitong kamao. Namumula na rin ang tungki ng ilong ilong nito sa pinipigilan na pag iyak. Natahimik at napalingon sila sa kinaroroonan ng Bata. " Baby! Harold! " tawag ni Samantha at nilapitan ang anak. " You always making my Mom cry. I hate you. " saad nito sabay turo sa ama. Niyakap naman ni Samantha ang anak at doon na ito umiyak sa mga balikat niya. " Shhhhh.... stop crying na. Mommy is not hurt. Please stop crying baby. " pag aalo niya dito. Mahirap itong patahanin at pakalmahin kapag ito ang galit. Iyon ang pinagkaiba nito sa kapatid nito. Kapag umiyak na ito ay alam na niya na inilalabas nito ang mga naipon na sama ng loob. Minsan lang itong umiyak. Ayaw nitong may nakakakita
Nang nakarating sila ng Bahay nila kanina ay binuhat nila ni Vic ang mga Bata at ipinanhik sa kwarto niya. Sinabihan siya ni Vic na handa itong makinig sa kanya kapag handa na siyang e kwento ang mga nangyari kanina.Nang makatulog ang mga Bata ay bumaba si Samantha at nagtungo siya sa garden area ng mansyon nila. Umupo siya sa bench na nandoon.Malalim na ang gabi at tahimik na ang buong paligid. Tumingala siya sa langit at tinignan ang bituin na kumikinang sa liwanag. Iniisip niya ang mga nangyari kanina. Hindi niya lubos akalain na may tinatagong hinanakit pala ang panganay niyang anak. Kahit na galit na galit siya noon sa ama ng mga anak niya ay hindi naman niya nanaisin na magtanim ng sama ng loob at galit ang mga Bata sa ama ng mga ito. Ayaw niyang matutunan ng mga anak na magtanim ng galit sa puso ng mga ito. Totoo yung mga sinabi niya kay David kanina. Matagal na niya itong napatawad sa mga nagawa nito sa kanya kahit hindi pa ito humingi ng tawad sa kanya. Sa mga lumipas na
HINDI alam ni David ang mga gagawin niya lalo pa at nakita niya ang galit sa mga mata ng anak niya. Sobrang tagos sa puso lahat ng mga salita ng anak niya sa kanya. Napahagulhol siya lalo ng iyak ng makaalis ang mag ina niya. Sobrang sakit makita na nasasaktan ang mga anak dahil sayo. " Mom/ Dad! Ang Gago ko talaga. Sinaktan ko mga anak ko. Ahhhhhhhhh..." saad ni David at sumigaw ng napakalakas. " Son, calm down. " saad ng Ina niya.Nagwawala na siya sa may garden. Pinagsusuntok niya ang puno na nandoon. " I'm such a asshole. I'm a worthless dad. " galit na saad ni David na patuloy pa din sa pagwawala. " Hon, awatin niyo si David. " utos ng Ginang sa awasa at anak niya. " Mom, hayaan muna natin siya ilabas ang galit at hinanakit niya sa sarili niya. Mainam na yan para makapag isip siya ng tama pagkatapos. " saad ng Kuya Drew niya. " Drew, awatin muna kapatid mo. " utos ng Ginoo sa anak niya. " Okay, fine. " saad ni Drew. Lumapit si Drew Kay David at hinawakan niya ito balikat.
LATE na ng magising si Samantha. Tinignan niya ang mga sa tabi niya at natutulog pa rin ito. Siguro ay napagod ang mga ito sa mga nangyari kahapon. Tumangon siya at hinalikan ang mga pisngi ng mga anak na himbing pa sa pagtulog. " Good morning, My Babies! " saad niya sa mga Bata. Pagkatapos ay tumungo na siya sa banyo para maligo. Ilang minuto ay natapos na siya at nakapagbihis na. Tumambad na siya ng banyo at nadatnan niya ang mga anak na naka upo na sa kama. Kinukusot pa ng mga ito ang mga mata. Marahil kakagising lang ng mga ito. " Good morning! " saad ni Samantha sa mga ito." Good morning, Mom! saad ni Harold habang humihikab pa." Good morning, Mommy! " saad naman ni Emerald habang pumipikit-pikit pa ang mga mata. " Come on let's go downstairs. Magluluto si Mommy ng favorite ninyo. Oh, before that may ayos mo na kayo. Okay? I'll wait for you two at the kitchen. " saad niya sa nga Bata." Okay po, Mommy! " saad ni Emerald. Tumango lang naman si Harold bilang sagot sa Ina. "
Nang matapos ang usapan nila Harold and Samantha ay bumalik na sila sa sala. Naabutan nila si Emerald na kasama ni Yaya Jess. Busy ito sa pagtingin ng mga laman ng paper bags. Isa-isa nitong binuksan ang ma iyon. " Wow, this one is the latest barbie collection. I just saw it last day on the internet. Yehey! I have mine. " tili nitong saad. Lumapit na sila kung saan ito naroroon. Umupo si Harold sa sofa habang titignan ang kapag na masaya. Nilapitan naman ni Samantha si Emerald. " What's that baby? " tanong niya rito. " Mommy, this is the doll I was taking about. Sabi ko sayo may latest doll na ilalabas ang Barbie. I have it na. I super happy. I have many collections na. " masayang saad nito.Ito yung sinasabi ni Emerald sa kanya nanlaruan na gusto nito na idagdag sa collection nito. Order na sana siya nito kaya lang meron na ito ngayon. Ngumiti lang siya sa anak bilang tugon. " Kuya, hindi mo ba gusto yung latest books? Nandyan yung latest book na gusto mo. " tanong nito sa kapa