Narrator: Dumating ang oras ng pagsundo ni Stefano kay Zyaire sa airport.. Mahimbing pang natutulog si Yanah sa kanyang tabi. Hindi niya ito natiis at nagpalipas ng gabi sa bahay ng dalaga. Masayang masaya naman si Mang Demyo ng malamang buntis na ang anak at inaasahan na nito ang kasal ni Yanah at Stefano. Walang kamalay malay ang matanda sa kung anung totoo sa ipinagbubuntis ni Yanah. "Boo..Aalis ka na?!" pumupungay pa ang mga mata niyang tanung kay Stefano.. "Can't you stay a little bit more?" paglalambing nito. Tanging ang manipis na kumot ang nagsisilbing takip ng kanilang hubad na katawan. "Maaga ang lapag ni Don Zyaire Yanah.. I have to go.." formal na sagot nito.. "Hindi kita maihahatid ngayong araw kaya mag taxi ka na lang muna.." "Masusundo mo ba ako pag out ko?" malamyos nitong tanong at kumapit pa sa leeg ni Stefano, isinandal ang ulo sa dibdib ng binata. "Yeah.. Susunduin kita.." determinadong tugon nito. Humalik si Stefano sa noo ni Yanah saka bumangon para magbihi
"Kanina pa akong nag aantay... Sana naman nagmemessage ka, boo.. Ang bilis naman ata at bukas na agad?!" "Ayaw mo ba? kaya ako nalate dahil inasikaso ko na lahat ng kailangan.. After kong mahatid si Don Zyaire sa mansion, nagpaalam ako sa kanya.." " Paano ang susuutin ko?!" irita kong tanung sa kanya.. Mukhang mabilisang kasal to ah.. Bakit biglaan naman ata ang gusto niya. Hindi ba kami sa simbahan ikakasal? O sa beach gaya ng gusto ng karamihan ng mga babae? Gaya ng gusto ko...."We will buy today yung simple lang muna Yanah.. Sa bahay magaganap ang kasal.. Tayo lang.. Ikaw, ako at si itay.." " What?! ganun mo ko balak pakasalan?" simangot kong saad. Hindi sa maarte ako pero kasal ito.. Isang beses lang to sa buong buhay namin mga babae tapos gusto niyang madaliin??" Alam ko gusto mo ng engrandeng kasal baby girl.. We will do that but for now I just want us to get married as soon as possible sa huwes.." " Dahil ba to kay Zyaire?? Nagmamadali ka dahil andito si Zyaire?" naiinis
[Lyresh POV] "Lyresh!" Unang salitang narinig ko ngayong araw matapos kong magmukmok ng kwarto. Sa wakas at nakita ko rin siya. Sandaling huminto ang lahat pati na rin ata ang utak ko. Hindi ako gumagalaw matapos kong buksan ang pinto at iluwa siya nito. "Wifey! Oh bakit ka umiiyak kung kailan andito na ko sa harapan mo?" masuyong saad niya ng tumulo ang luha ko. I miss him so much. Niyakap niya ako, dahil dun mas lalo akong naging emosyonal. Damang dama ko ang pangungulila sa kanya. I hugged him back. Kumalas siya, hinaplos ako sa mukha, nakita ko ang palipat lipat na tingin ng mga mata sa buong mukha ko. Panaginip lang ba to? Andito talaga siya? Parang kahapon lang pinapauwi ko pa lang siya. Ang bilis naman niyang nakabalik. "Wife... Hindi mo ba ako papapasukin?" tila nakikiusap ang boses nito.. Agad siyang umupo sa sofa at sumandal rito. Oh shit napagod ata siya sa byahe.. " Paano kang nakabalik agad?" malamlam kong tanong. " I use my own plane.." tipid nitong sagot.. Mul
Narrator"Good morning!" bati ni Zyaire ng makita sa kusina si Lyresh na abalang nag aahin ng umagahan. " Good morning, hubby! Nakatulog ka ba ng mahikbing?" tugon ng dalaga saka lumapit at ginawaran ng halik ang binata.. Kakawala na sana si Lyresh sa labi nito pero muli siyang hinatak pabalik ni Zyaire.. " I want more.. Don't go away.. Hmmm.. Ahmm.. Namiss ko ang pagtawag mo sakin ng hubby.." " Good morning, LOVE BIRDS..!" bati ng mama ni Lyresh.. Abot tenga ang ngiti ng matanda. Hindi maikakailang masaya ito sa nasaksihang halikan ng dalawa. Ibig sabihin ay may balikan ng naganap at hindi na niya kailangan pang mag alala.. [Lyresh POV]Hindi ako makapaniwala na ikakasal kami uli ni Zyaire. Hindi maalis sa isip ko kung paanu niya akong yayain ng kasal kagabi. Naging mainit ang pagtatalik naming yon. Parang nabuhos ang lahat ng kasabikan namin sa isa't isa.. Ang matagal kong pinigilan na damdamin ko para sa kanya sumabog lahat.. That was damn great. " We're getting married ma!" m
[Lyresh POV]Sinundan ko si Amber sa pagpasok niya sa opisina ni Zyaire. Ilan sandali pa lamang akong nalilingat nakapulupot na agad ito sa leeg ni Zyaire. Pinagmasdan ko lang sila at ng magtama ang mga mata namin ni Zyaire, nagitlag siya at mabilis na winaksi si Amber. Nakita ko ang paggalaw ng adams apple niya sabay hawak sa kanyang kurbata na tila inaayos ito. Akma akong tatalikod at lalayasan sila pero maagap si Zyaire sa paghatak sa bewang ko. Sa ginawa niyang yun, napasandal ang magkabilang kamay ko sa dibdib niya. Kulang na lang maghalikan kami."Mukhang nag eenjoy ka!" taas kilay kong sambit. "What's the meaning of this, Zyaire?" halos sabay kaming bumalin kay Amber na nanlilisik ang mga mata. Ano mang oras ay tila manunugod siya. Hindi pa din inaalis ni Zyaire ang pagkakayapos sakin. "Lyresh is my wife, Amber. Where having a baby." Bagsak ang mga takong niyang nilisan ang silid. Muling tumingin sa akin si Zyaire. Hinarang ko ang palad ko ng akma niya akong hahalikan. "Wif
Narrator"Yanah! Ano tong mga designs na sinubmit mo sakin?? Hindi ito ang inaasahan ko sayo, Yanah! Ayusin mo ang mga ito! I need it by next week.. Revise it all." galit na pahayag ni Tuval. Naiwang yamot si Yanah at maluha luha. Wala siya sa sarili nitong mga nagdaang araw dahil sa nangyayari sa kanila ni Stefano. Pagkauwi ng bahay ni Yanah nakaramdam ito ng lungkot at panlulumo. Pinagmasdan ang paligid. Wala ang kanyang asawa at tahimik ang lahat. Mag isa siya sa malaking bahay na to. Tumulo ang luha niya, huminga siya ng malalim at pinahid ang mga ito. Pilit niyang tinatatagan ang kalooban dahil baka makasama sa baby. [Yanah POV]Ilan beses kong tinawagan ngayong araw si Stefano pero wala siyang sinagot ni isa sa mga to. Nag iisip ako kung abala lang ba siya sa trabaho niya o may ibang babaeng kasama? O baka naglalasing nanaman. Hindi ko lubos maisip kung bakit bigla na lang siyang nagbago. Nag iba at naging masama ang trato sakin. Anu bang masama ang nagawa ko? Bakit ngayon si
[Lyresh POV]Nang yayain ako ng kasal uli ni Zyaire ay hindi na ako nagdalawang isip at binigay ang matamis kong oo. Akala ko naman matatagalan pa ito at nung sinabi niyang next week ay hindi agad ako naniwala.As in next week masyadong mabilis yun para sa preparation lalo na kung gusto niya engrande pero hindi ako binigo kung gaanu siya kayaman at kaimpluwensyang tao para sa loob ng isang linggo maganap ang araw na ito. Parang kailan lang sinukatan ako tapos ngayon isusuot ko na ang mala gintong wedding gown. Hindi lingid sa kaalaman ko kung ganu siya kapalad pero hindi pa din talaga ako makapaniwala sa lahat ng to. Ikakasal ako sa isang tulad ni Zyaire Torricelli, isa sa pinaka batang billionaire at may pinaka magandang mukha.Sinong babaeng hindi maiinggit sa karangyaang matatamasa ko bilang asawa niya pero ang hindi nila alam higit pa rito ang pinagpapasalamat at ikinatataba ng puso ko. Walang iba kundi si Zyaire mismo. Wala akong pakialam sa buong pag mamay ari niya basta siya s
[Lyresh POV]Nauna akong dumating, isang bagay na pinagtataka ko. Hindi bat lalaki ang dapat na nag aantay sa araw ng kasal? Pero bakit mag iisang oras na wala pa din si Zyaire. Ang mga tao lalo na ang mga nasa media ay nagsisimula ng magkagulo. Ang payapa kong isip ay nag iiba na rin. May masama bang nangyari kay Zyaire? Is he dumping me in the middle of this extravagant wedding? Hindi na ako mapakali. Sa puntong nauna akong dumating ay isang malaking katanungan na. Lumipas pa ang sumunod na isang oras, dalawa hanggang tatlong oras na ang lumilipas. Nagsimulang dumugin na ako ng mga reporters at hindi ko alam ang gagawin. Pinalibutan ako ng mga tauhan ni Zyaire at minabuting iuwi na ng Mansion. Ayokong umuwi. Gusto kong antayin ang pagdating ni Zyaire. Alam kong dadating siya! Hindi pwedeng hindi. Hindi ngayon kung kailan naging maayos na ang lahat. Parang isang panaginip at nagising akong umiiyak. "Tara na ho ma'am Lyresh. Mabuti pang sa Mansion na ho kayo tumuloy. Masama po an