Share

Chapter 150

PERFECT MISTAKE 36

“Mommy!”

Awtomatiko ang pag-silip ni Rosemarie para tingnan ang anak na inutusan niyang pagbuksan ang kung sino mang nasa front door.

Abot-tainga ang ngiting lumingon ito sa kanya, ang mga mata ay halos magkislapan sa tuwa. “May suitor po ikaw.”

“Papasukin mo na ang Uncle Thor mo,” aniya at muling binalikan ang nilulutong pananghalian.

Narinig niya na naman ang madaldal na si Celine at ang pamilyar na boses na papalapit sa kinaroroonan niya.

Hindi muna niya nilingon si Thor dahil busy siya sa paghihiwa ng mga patatas na ilalagay sa kalderetang niluluto.

“Mommy, may dala po ang manliligaw mo.” Narinig niya ang pagtakbo ni Celine palapit sa kanya. Nang bahagya niyang nilingon ang anak, bumulaga sa kanya ang three stem pink roses na walang tinik.

“Bigay po ni Daddy,” hagikhik ni Celine na parang maligayang-maligaya sa nakikita.

Awtomatiko ang pag-angat ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status