CHAPTER 25 Ang driver ng mga Revamonte ang sumundo kay Clara kinabukasan na lihim na ipinagpasalamat ni Joana. Baka madagdagan na naman ang pagkatorete ng utak niya sa pangh ahalik ni Castiel at talagang nanadya pa na puntahan siya. Oo, kumbinsido na si Joana na siya nga ang pinuntahan ng cowboy kagabi. Ang sabi ni Auntie Clara ay tinawagan na raw nito si Cast bago pa man sila kumain at malinaw na umoo si Castiel dahil may lakad din daw ito. “Mama Lola, visit again po,” ngungoy ni Nadia habang mahigpit ang yakap sa matandang dalagang Revamonte. “Oo naman, apo ko. Papasyal din kita, Hane. Gusto mo ba iyon?” “Yes. Layk ko rin iyong horse. Sakay tayo ng horse.” Daldalan nang daldalan ang maglola hanggang sa kotseng nakaparada sa harap ng bahay. Ipinakilala sa kanya ni Auntie Clara si Mang Toti na driver ng pamilya ngunit kay Castiel nakatoka. Naalala niya ang lalaking tantya niya ay nasa trenta y singko pa lamang an
CHAPTER 26 “My ball!” sigaw ng bata nang agawin niya ang bola mula rito. Pumadyak ito ng dalawang beses at nagsasalubong ang mga kilay na tiningala siya. “No!” iling niya at nanlalaki pa ang mga mata. “This is already mine. This ball can cause accident. Nasaan ang mga magulang mo? Irereklamo kita.” “Give it back.” Sa halip na makinig ay sinugod siya ng bata. Kumapit ito sa kanyang binti at tumalon-talon na para bang maabot nito ang hawak-hawak niya. Bubuwit naman! “No, hey. Get off.” Pilit niyang binaklas ang pagkakahawak nito sa kanyang binti. “Aw, f-ck!” Napangiwi siya nang tumalon ito paapak sa kanyang mga paa. “Susumbong kita sa mommy ko!” “Kahit isumbong mo pa ako sa daddy mo.” Sira-ulo talaga si Revamonte. Pati bata, pinapatulan. “I’ll kick his ass for raising a kid like you.” Pumamewang siya sa prustrasyon. Ngunit natigilan nang makitang kumurba ang bibig ng bata at namasa ang mga ma
CHAPTER 27 Napahiya si Joana nang mapansing pinagtitinginan na siya ng mga iba pang kumakain sa restaurant ng Almeradez Hotel. Kahit ang dalawa niyang kasama ay napanganga sa pinagsasabi ni Castiel. “I never knew that you will be this low, Joana. May balak ka ba talagang manira ng pamilya?” “Nagkakamali po yata kayo, Sir,” hindi na nakatiis ang arkitektong kasama niya sa mesa. “Joana is here for—” “Of course, kasabwat kayo para hindi mahalata ng legal na asawa.” Binalingan siya nito ng matalim na tingin. “Do you know who’s that man? May dalawang anak iyon. Hindi ka man lang ba nakokonsenysa sa sinisira mong pamilya? Desperada ka na rin ba—” Napatayo siya sabay saboy ng tubig sa mukha ng lalaki. Napapikit ito at nanigas ang mga panga. Matatakot na sana siya sa nakakasugat nitong matalim na tingin kung hindi lang napuno ang pasenysa niya. How dare him insult her like that? Hindi lang yata si Jonelyn ang gold-digger
CHAPTER 28 Iyak pa rin nang iyak si Kismo kahit napainom niya na ito ng tubig sa kusina ng mala-palasyo sa ganda na penthouse ni Castiel. Nasa kandungan niya na ang bata nang maupo siya sa living room. Yakap na yakap pa rin sa kanya na para bang mawawala siya kapag lumayo ito sa kanya ng kahit kaunti. Nang bumalik si Castiel ay matalim agad na tingin ang isinalubong nito sa kanya. Iresponsable ang walanghiya. Talagang nagdala pa ng babae sa bahay nito na nanakit sa pamangkin niya. Hindi naman siya nito pinansin bagkus ay lumuhod ito sa harapan niya at sinilip ang mukha ng bata na nakasubsubsob sa dibd ib niya. “Hey, Kid. You okay?” “Sa tingin mo?” she snapped at him and caressed Kismo’s left ear. Namumula na dahil sa pagkakahila ng bruhang babaeng iyon. Pinadugo niya rin sana ang bibig at hindi lang ilong nito ang nagregla dahil sa suntok niya, “O-Okay pu aku, Tito Cast. Dito na Mama ko eh,” mabait na
CHAPTER 29 “Tell me, sino ang ina ng batang ‘yon?” “Anak ni Auntie Andeng na panganay,” paghahabi niya ng kasinungalingan. Kumiling na naman ang ulo ni Castiel habang hindi siya tinatantanan ng titig nito. Tinatantya yata kung nagsasabi siya ng totoo. Napahawak siya sa laylayan ng suot na t-shirt dahil pakiramdam niya ay binabasa nito ang utak niya. “You better be telling the truth, Joana.” Hindi siya gumawa ng reaksyon sa pagbabanta nito. “Saan mo siya nakita?”“Naglalaro siya sa gitna ng kalsada. I bought ice cream for her when she started crying like a baby. Naughty kid!” “Anong ice cream?” Umusok yata ang ilong niya nang malamang kumain na naman ang bulilit na iyon ng matamis. Pinagbawalan niya na dahil kinain nito ang buong cake kahapon at nakaubos rin ng limang Toblerone. “Chocolate ice cream with donut toppings.” “Bakit mo binigyan? Hindi mo ba alam na masama iyon sa bata?!” Kukuruti
CHAPTER 30 “The Ralvan Banks is ready to sign contract with us,” kunot ang noo ni Castiel habang nakikipag-usap sa ama. “I’m busy.” Masakit na nga ang ulo niya at tanghali na nagising, dumagdag pa kanyang ama. Nangungulit na naman kasi itong umuwi raw muna siya sa rancho at isama si Kismo. Sa dami ng ipinapagawa nito sa kanya sa kompanya, naisip pa talaga nitong may oras pa siya para isingit ang kagustuhan ng ina. “Sabihin mo na lang kay Mommy na pumunta siya dito sa siyudad.” “You used to love the ranch, Kid. Totoo yata ang sinasabi ni Clara na ayaw mo ritong bumalik dahil sa anak ng mga Interino. I did good in accepting that arrange marriage with them.” “You left the whole company in my hand, what do you expect? Just retired already.” “Get married and have kids first.” “I have Kismo, my little boy.” “I want more and get yourself a wife, Castiel. Hindi ka na bumabata.” Pumitik
CHAPTER 31 “Wow, a big brother!” sigaw ni Nadia nang lumabas si Kismo sa classroom kasama ang mga kaklase nito. Agad itong tumakbo sa bench na kinaroroonan nila habang sumisigaw ng ‘Mama’. Yumakap si Kismo sa kanyang binti, nagtaas ng kamay para yumuko siya at mahalikan siya nito sa pisngi. “Mama, miss agad kita.” Kapagkuwan ay napatingin ito sa kay Nadia na nakahawak pa rin sa kamay niya. Malaki ang ngiti ng baby niya habang nakatingin sa kuya nito. “Mama, sino po siya?” “Hi, I’m Nadia. Pretty ako, di ba? Like mommy.” Inunahan na naman siya ng anak niya sa kadaldalan nito. Namimilog ang mga mata ni Kismo nang muling ibinaling ang tingin sa kanya. “May baby ka pong iba?” “That’s okay. Share naman tayo ng mommy hehe.” Mahina niyang pinisil ang pisngi ni Kismo at iniluhod ang isang tuhod sa carpet para magpantay sila. Mukhang hindi pa man ay nag-iisip na ito na dahil may anak na
CHAPTER 32 Malinaw na spoiled ni Castiel si Kismo. Kahit anong ituro ng bata ay binibili nito at kasingliwanag ng ilaw ng chandelier sa tindahan ng mga sapatos na na pinasukan nila na balak ding gawin nito iyon kay Nadia. “Kuya, may gusto ka pa ba?” tanong nito kay Kismo matapos isukat ng bata ang nagustuhang rubber shoes. May family day program daw sina Kismo sa susunod na linggo kaya binilhan ni Castiel ng sapatos na mas komportable na makakapanakbo ito kung saan-saan para sa activity. “Wala na po, Tito Cast. Thank you.” “Princess Love, you like something?” baling naman nito kay Nadia na mabait na nakaupo sa tabi ni Kismo. Nakangising itinuro nito ang kiddie boots na kulay pink. “Beautiful po, want. Mommy, want ko po buy mo.” Tumaas ang kilay niya sa tonong bossy ni Nadia. Kahit kailan talaga ang anak niyang ito ang sarap kutusan. Tumayo si Castiel mula sa pagkakaluhod nito sa harap ni Kismo. “Let’