CHAPTER 46 (PART 2) “Ilipat na natin sa taas sina Kismo. Baka mahulog sila ni Nadia.” “I’ll handle it.” “Sige, isa-isahin mo lang,” aniya nang nilapitan nito ang mga bata. Akmang bubuhatin na nito ang nakatulog ng si Kismo nang may maalala siya. “Nasaan nga pala ang mga gamit ni Kismo.” “In his room.” Pilosopo talaga. “Hindi. Iyong mga dati niyang gamit na kinuha niyo raw sa dati nilang bahay.” “At storage room.” “Pwede ko bang makita?” Sinabi niya rito ang kagustuhan ng bata na tingnan niya kung pwede pa bang maayos ang Ipad nito. “Hindi ako sigurado kung nalagyan ko ba iyon ng SD card. Gusto lang namin na makuha ang kopya ng ibang picture namin.” “Ipapakuha ko.” “Ako na lang.” Nasa kanya-kanyang kwarto na kasi ang mga katulong para sa pagpapahinga ng mga ito sa tanghali. “Ituro mo na lang sa akin kung saan. Panhik mo na si Kismo, babantayan ko muna rito si Nadia habang nasa ta
CHAPTER 47 Pasulyap-sulyap si Castiel kay Joana habang papasok sila sa Almeradez Hotel—Bicol Branch para makipagkita kina Riguel at Pink. May confidential na impormasyon raw na sasabihin ito sa kanila. Ngayon niya rin nalaman na kilala pala ni Pink ang kaibigan ni Nexus. “You okay?” Umiling ito. That was stupid question to ask. Alam naman niyang hindi simula nang pinaalis sila ni Jonelyn sa rehab. Sa halip nakausapin ng babae ang kakambal ay nagtatakbo ito paalis. Humabol naman si Joana at syempre ay humabol rin siya nang masilip niya ang mga ito. Nagkulong si Jonelyn sa kwarto nito at nagsisigaw na umalis na sila. Kahit halos magkakalyo na ang kamay ni Joana kakakatok sa pinto ay talagang matigas ang babae. Nagsisigaw pa nga na ayaw nitong makita ang sariling kapatid kaya walang nagawa ang namamahala sa rehab center kundi makiusap sa kanila na umalis na lang muna. Naiintindihan naman nila iyon dahil n
CHAPTER 48 Sinamahan ulit ni Castiel ang mga bata sa rancho. Gusto na naman daw sumakay ni Nadia sa kabayo nitong si Giselle. Pati si Kismo ay niyaya nitong mag-horse back riding. Mabuti na nga lang at alalay naman talaga ang mga tauhan sa Rancho. Ayaw pa sana siyang iwan ni Castiel dahil matamlay pa rin siya. Ngunit pinilit niya itong samahan ang mga anak nila dahil baka kung mapano ang mga ito. Mataas niyang itinali ang kanyang buhok bago siya umalis sa kama. Hinawi niya ang kurtina para pumasok ang sariwang simoy ng hangin. Ilanga raw na siyang matamlay na pati mga anak niya ay hindi na niya nalalambing. Akala niya dati ay magiging handa na talaga siya na ipagtulakan siya ng kakambal. Mas masakit pala kapag pinagtulakan ka pa rin kahit nag-sorry naman na ito. Mas gugustuhin niya yatang galit ang isalubong nito sa kanya kaysa ganon. Umasa kasi siya na yayakapin siya nito at maghahagulhulan silang dalawa. Dumiretso siya
CHAPTER 49 Matalim agad ang tingin sa kanya nina Lucia at Marcos nang makasalubong nila ang mga ito sa hallway. Gustong rumolyo ng mga mata si Joana dahil hanggang ngayon ay hindi pa yata mais aksak sa kukote ng mga ito na hindi siya madadala sa mga banta. Nang makapasok sila, mabibilang lamang sa kanyang daliri ang naroroon. Tanging tatlong bodyguard at ang abogado ng mga ito ang kasama. Hindi niya pinansin ang tingin ng mga ito nang umupo siya sa pagitan nina Aunt Clara at Castiel. Nang dumating ang judge, nagsitayuan silang lahat. Kapagkuwan ay tuloy-tuloy na ang daloy ng paglilitis. Tumayo siya sa witness stand nang pahintulutan na ng hukom ang abogado. And just like any trial, she took the oath of telling the truth and only the truth. “Maari mo bang sabihin ang nangyari noong,” sinabi nito ang petsa kung kailan sila ikinasal ni Castiel. “Castiel Revamonte and I got married at Parish of St. John th
CHAPTER 50 “What are you doing here?” kasing-lamig ng yelo ang boses ni Castiel nang tanungin niya ang babaeng naabutan niyang pasilip-silip sa loob ng ICU. Kamukhang-kamukha man ni Joana, hindi naman siya nalilito kung sino ang babaeng nagmamay-ari ng buong siya. “C-Castiel…” the woman’s voice is quivering. “You pushed her away. Anong ginagawa mo dito?!” tumaas ang boses niya na ikinapitlag ng babae sa kinatatayuan. Mukhang anghel at kahit sino ay maloloko ng inosente nitong awra. Pero hindi siya. Hindi pa siya nakalilimot sa ginawa nito noon kay Joana. Masyado lang mabait ang asawa niya kaya madali nitong napatawad ang dalawa. Pero kung siya ang tatanungin, aabutin yata ng taon bago siya maka-move on sa nangyari. For Pete’s sake, hindi lang si Joana ang nilagay ng mga ito sa kapahamakan. Pati na rin ang anak nila! Paano na lang kung hindi nakita ng mga tauhan ni Nexus na nagpapalutang-lutang si Joana sa ilog? Ma
CHAPTER 51 “Hindi ba’t sabi ko sa ‘yo, huwag na huwag kang papasok sa loob ng opisina ko?” Napapikit ang batang si Joana nang tila kulog sa lakas ang boses ni Marcos nang bulyawan siya nito. “D-Daddy, may assignment po kasi ako...” She sneaks into her father’s office to look for her assignment on the computer. Ang nag-iisang computer sa loob ng bahay nila. Wala naman siyang cellphone at mas lalong wala siyang pera para makerenta ng computer. Mabuti pa si Jonelyn, pinapahiram ng laptop ng mommy nila kaya malaya itong nakagagawa ng mga take-home worksheet at project. “Anong nakita mo sa computer, ha?!” Malakas siyang napa-igik nang daklutin nito ang kanyang buhok at malakas na hinila iyon. “W-Wala po, Daddy. W-Wala po,” sunod-sunod ang pag-iling niya kahit meron naman. Hindi siya nakapunta sa internet dahil may nakakuha na agad ng atensyon niya pagbukas na pagbukas pa lang ng computer. “Sinun
CHAPTER 52 “One more, Babe. You need energy,” wika ni Castiel habang matyaga siyang sinusubuan ng pagkain na madali lang matunaw.” Ngumanga siya para tanggapin ang huling subo na inuumang ni Castiel kahit pa halos masuka na siya dahil iba ang lasa sa kanyang bibig. Napangiwi na rin si Castiel nang makita ang itsura niyang halos iluwa na ang nasa bibig. “It’s okay, Babe. Babalik rin sa ayos ang panlasa mo.” Inabutan siya nito ng tubig na may sapat lang na dami ayon na rin sa ibinigay na instruction ng kanyang doktor. Ilang araw na simula nang nakalipat sa private room at tuluyan na ngang idineklara ng doktor na safe na siya matapos ang ilang araw na obserbasyon. Kailangan na lang tuluyang maghilom ang mga sugat niya at pwede na siyang ma-discharge sa mga susunod na araw. Inalalayan siya ni Castiel na muling humiga. Todo alaga sa kanya ang lalaki at doon na nga tumitira. “Cast,” tawag niya rito habang ma
CHAPTER 53 “Why do you look like my mom?” inosenteng tanong ni Nadia sa kakambal ni Joana. Nakaluhod ito sa passenger seat na katabi si Kismo. Hindi nakontento sa pasilip-silip kanina kaya hinarap na talaga si Jonelyn sa backseat. Hindi na niya kinailangan ng mahabang pangungumbinse sa babae para sumama sa kanila. Sinabi niya lang na gusto itong makita ni Joana ay agad na pumayag. Ayaw niya sanang gawin ang bagay na iyon kaya lang ay pansin niya sa asawa niya na kahit naiintindihan siya nito ay mabigat ang loob. Ayaw niya pa naman itong ganon. “Same po kayo ng face, eh. But I know you’re not my mom. Warm po ang heart ko kapag si Mommy ang nakikita ko.” “I’m your mom’s twin.” Nang silipin ni Castiel si Jonelyn sa rearview mirror, nakita niya ang maiiyak ng mga mata ng babae kahit pa may maliit na ngiti sa mga labi. “Twin? Sister?” “Yes.” “Wow. I have a brother din po.” Pabibong itinuro