Share

Chapter 41

Dahan dahang iminulat ni Lauren ang kaniyang mga mata. Mabibigat at malalalim na paghinga ang kaniyang pinakawalan, at pilit niyang sinanay ang kaniyang paningin sa dilim na kaniyang pinaggisingan.

“D-Damien?” nanghihinang tawag niya. Nang igalaw niya ang kaniyang mga kamay, doon niya lamang naramdaman ang mahigpit na pagkakatali ng lubid roon at pati na rin sa kaniyang mga paa. Napagtanto niya rin na nasa isang malawak na kwarto siya dahil nag-echo ang kaniyang boses sa mga dingding. “Damien!” tawag niyang muli, ngunit ang katahimikan ng paligid ang tanging sumagot sa kaniya.

Napatalon siya sa gulat nang magbukas ang pinto sa kaniyang harap. Sumuot sa siwang ang liwanag na nagmumula sa labas na sa kaniyang pagkakatanaw ay isang bakanteng lote. Tatlong lalaki ang pumasok ngunit isa lamang ang lumapit sa kaniya. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nahaharangan ng katawan nito ang liwanag.

 

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status