Share

Genie's Dream

Kinuha ko ang plorera at inayos ko ang mga bulaklak roon. Ngunit bigla akong nakaramdam ng pananakit ng aking dibdib. Habang ako ay unti unting nanghihina at napahandusay sa sahig, nakita ko ang babaeng papalapit sa akin. Naka-arm folded siya at suot ang napakaganda niyang kimono. Hindi ako makahinga napahawak ako sa aking leeg at halos tumirik na ang aking mata.

"Umeepekto na ba? Yan ang nababagay sa isang katulad mo. Hinding hindi mo ako mapapalitan sa puso ng Heneral. Ako parin ang kanyang patuloy na mamahalin."

"Hindi-totoo-yan..Ako-ang-kanyang-mahal..tu-tulong-gan-mo-ko..hi-inndi a-kooo ma-ka-hinga.."

"May lason ang tsaa na binigay ko sayo. Sa tulong niyan mawawala kana pati ang anak mo. Ang bunga ng inyong pagtataksil."

"Hin-di..maa-aari.."

"Lahat maaring mangyari lalo na kung dito kaniya itatago..dito kung saan kami nagsama. Ngunit mga taksil..taksil kayo dahil wala kayong ibang inisip kundi ang inyong mga sarili."

Siya ay umalis. Maya-maya ay may isa pang dumating, Ang Heneral
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status