“ANO pong ibig ninyong sabihin ninyo Ma’am?” hindi napigilang tanong ni Tracy sa babaeng biglang lumapit sa kanya sa counter, kung saan naroon si Fien.Ngumiti ang babae pero makahulugan ang tingin sa kanilang dalawa ng binata. “Pasensya na kayong dalawa huh, isa akong manghuhula, ako nga pala si Madam Aura. Nang makita ko kayong dalawa ay may vibes na akong naramdaman sa inyo at huwag kayo mag-alaa, libre naman ang aking hula sa inyo.” Napatawa ito.Naaliw na nagkatinginan sila ng nobyo. Bigla siyang inakbayan ni Fien. “Pero magaling kayo Madam, nahulaan ninyo na magksintahan kami ng magandang may-ari ng Zenai.”Kunwa’y tsiniko niya ito pero naroon ang pamumula ng pisngi niya. “At salamat po sa inyo Madam Aura. Sana nagustuhan n’yo po ang in-order n’yong food dito sa resto.”“Oo naman Miss,” anito saka nagbigay na ng bayad nito. “Anyway, pakatatag kayong dalawa huh. Mapaglaro lang ang tadhana sa inyong dalawa, sana huwag mawala ang pagmamahalan ninyo sa isa’t isa para kayo pa rin sa
“OKAY ka na ba Tracy?” tanong ni Frank sa kanya matapos nitong ihimpil ang kotse sa harap ng tinutuluyan niyang apartment. Inihatid na siya pauwi nito matapos na isara niya ang restaurant sa gabing iyon.Inalis niya ang tingin sa screen ng hawak na cellphone saka tumingin sa kaibigan. “I will be alright Frank, you know me, strong yata ako,” may mapait na ngiting sumilay sa labi niya.“But you’re not strong enough my friend,” concern na sabi nito. “Huwag mong ipilit sarili mo ‘yan. Remember I’m one call away kung kailangan mo ako.”“Isa sa lesson na natutunan ko sa buhay ko, kahit na nasasaktan na ako o inaapakan ako, kailagang ipakita ko na malakas ako,” isang mabilis na sulyap ang ginawa niya sa cellphone niya dahil kanina pa siya may hinihintay na message doon. Biglang balik ng tingin niya sa binatang kaibigan. “Ayokong na maging duwag, kailangan ko pa ring ilaban ang aking sarili.”Tumango ito na puno na simpatya ang bakas sa mukha nito. “I am always here for you, lagi mo akong kar
TILA nag-slow motion ang tingin ni Tracy sa paligid ng kanyang apartment. Lumabas sa banyo si Fien na bagong paligo ito, tanging isang bath towel na puti ang nakatali sa may beywang nito. Na-magneto na naman ang mga mata niya sa nakahantad na katawan ng binata. Tall, lean but muscular. May mga mumunting patak ng tubig na malayang dumadaloy sa malapad na dibdid nito na naglalandas sa flat stomach nito at pababa pa nang pababa.Hindi niya napigilan ang sarili. Namalayan na lang niya na kaharap na niya ang nobyo. Biglang nagtama ang kanilang mga mata. There was flame of desire while staring at each other. Dahil hanggang balikat lang siya nito, kusang yumukod ang ulo nito para salubungin ang naghihintay niyang mga labi.“Are you alright, Tracy?”Bigla siyang napapitlag nang may pumisil na kamay sa baba niya. hiyang-hiya na hinamig niya ang sarili at napagtanto niya na nakaawang pa ang labi niya sa bahagyang pagkatingala kay Fien.‘Imagination lang pala ang lahat, napaka-makasalanan ng isi
NAKITA ni Tracy ang nobyo na nakatayo sa labas ng kotse nito. Nag-park muna ito sa gilid ng kalsada. Napalingon ito sa likuran nito at nakita siyang humahangos papalapit dito.“Thanks God Fien, you’re safe,” sinalubong niya ito ng yakap. Sobra ang pag-aalala niya dahil akala niya ay kasama ito sa nadamay sa naturang aksidente. Hindi maiwasang maging exaggerated siya.Tinapik-tapik nito ang likod niya saka marahang kumalas ng yakap sa kanya. “Actually muntikan na, mabuti na lang at hindi agad ako nakasunod sa kotseng nabangga ng truck.”Nang pagmasdan nila ng nobyo ang dalawang sasakyan, wasak ang tagiliran ng kotse. Nanatiling nakatigil ang mga ito sa kalsada na nagdulot ng traffic sa bahaging iyon ng Sta. Maria. Swerte naman na nakaiwas sa naturang aksidente ang lalaking pinakamamahal niya.“Grabe, pinakaba pa rin ako doon huh,” sa wakas ay nagawa niyang huminga nang maluwag. “Akala ko ay mawawala ka na agad sa buhay ko.”“You’re crazy my dear.” Naiiling na nangingiting pinisil pa ni
NAALIMPUNGATAN si Tracy at naramdaman niya ang bahagyang pagkirot ng ulo niya. Napagtanto niya na naroon na siya sa kuwarto niya sa apartment at nakahiga siya sa kama. Hindi na niya maalala kung paano siya nakauwi. Ang huli niyang natatandaan ay nasa party siya ng mga magulang ni Fien para sa wedding anniversary ng mga ito.Bigla siyang napabalikwas nang maalala ang nobyo. Ang cellphone niya kaagad ang naisip niyang kuhain pero hindi niya makita. Sa pagpaling niya sa kaliwang bahagi niya ay natigilan siya. Bumadha sa mukha niya ang matinding pagtataka.“A-anong nangyari?” laking-gulat niya nang mapansin niyang hindi siya nag-iisa sa kama. May katabi siyang isang lalaki at nakahubad ito. Nakatambad ang malapad nitong likod. Bigla niyang nasipat ang sarili, lalo pa siyang nagulat nang makitang wala siyang suot na saplot. Tanging kumot ang nakabalot sa kahubdan niya at ka-share niya ang katabi.Nagulantang siya sa mga sandaling iyon. She was shocking and confusing at the same time.Eksak
TWO YEARS AND HALF LATER.Bakas man sa mukha ni Tracy ang pagkapagod pero masaya pa ring binuksan niya ang gate. Muli niya iyong ini-lock pagkapasok sa loob ng bakuran saka naglakad patungo sa bahay. May backpack na nakasakbit sa kanya na laging dala-dala niya sa pagpasok sa trabaho. “Kumusta ang aking magandang apo?” pagsalubong sa kanya ng Lola Meding niya na naghihintay sa kanya sa may pinto.Pagkalapit dito, kaagad siyang nagmano at niyakap ang matandang babae. “Ayos naman po Lola, nagagamay ko na rin po ang trabaho ko sa Celeste.”“Mabuti naman apo,” tinapik-tapik nito ang likod niya. “Masaya ako na nagbabalik ka na sa reyalidad. Nagbalik na nga ang dating Tracy na mahal na mahal ko.”Flattered na kumalas siya ng yakap sa Lola niya. “Kayo po ang malaking dahilan Lola kung bakit nakabangon po ako sa buhay. Kung wala po kayo, baka matagal na akong sumuko.”“Mahalaga ka sa akin bilang ang aking totoong apo, Tracy. Wala akong pakialam kung wala kang dugong Alcantara,” nakangiting sa
ANG mukha ni Mena na pagkakilala ni Aling Onang sa kanya at ng dating artista na si Maristella Alonzo, ay iisa. Kumurap-kurap ang mga mata ni Tracy habang namamasdan ang mga litratong ipinadala sa kanya. Nagpadagdag ng isipin sa kanya ngayong gabi.Tumipa siyang muli ng mensahe sa messaging apps na gamit niya: Dating artista ito ah, bakit tinawag ng iyong Lola Onang na Mena siya?Kumabog ang dibdid niya nang makita niya ang paggalawa ng tatlong maliliit na tuldok sa part ng ka-chat niya. Hindi na siya makapaghintay sa magiging reply nito.Ibinangon niya ang katawan mula sa pagkakahiga saka naupo na lang sa kama. Nahigit pa niya ang paghinga nang dumating na ang hinihintay niyang reply.‘I’m sorry Miss, wala nang maaala ang Lola ko kung bakit Mena ang tawag niya d’yan sa nasa picture. Tama ka nga, sikat na artista po siya noong araw at huling nasabi ng Lola ko ay idolo daw po n’ya yan.’Gumuho ang mga mumunting hint niya para sana sa pagtuklas sa totoong pagkatao niya. Tinanggap na lan
NAGPALINGA-LINGA ang tingin ni Tracy sa labas ng Celeste. May pilit na hinahanap ang mga mata niya sa unang palapag ng mall. Maya’t maya ang tingin niya sa bawat taong nagdaraan. Naroon na naman ang desperasyon sa kilos niya ng mga sandaling iyon.‘Kailangang makita ko siya,’ sa pagpaling ng tingin niya sa kaliwang direksyon, napako ang tingin niya sa likod ng isang lalaking naglalakad. Halatang coat and tie ang suot nito. mababanaag ang aral na kilos sa paghakbang ng paa. May kasabay ito sa paglalakad na isang babae na marahil ay assistant nito.Nagkakutob siya. Sinundan niya ang dalawang nilalang na umagaw ng atensyon niya. Hindi siya maaaring magkamali. Binilisan pa niya ang paghakbang ng mga paa niya. kailangang maabutan niya ang mga ito.Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib niya habang papalapit siya sa mga ito. ‘It’s now or never.’“Fi-” ngunit biglang lumingon sa kanya ang lalaking sinundan niya. napatigil ito saglit sa paglalakad.“Is there something wrong, Miss? Sinusunda