“MISS na kita apo, hihintayin kita dito sa house mamayang gabi huh,” sabi ni Lola Meding sa kabilang linya. “Papunta na rin dito ang Mama at Papa mo at gusto ko na kumpleto tayo sa birthday celebration ko ngayon.”Hindi kaagad nakatugon si Tracy sa pag-imporma na iyon ng lola niya sa kinagisnang pamilya. Binuklat niya ang planner na nakapatong sa table niya. Nalungkot siya nang mapansin niyang may schedule pa si Fien mamayang gabi sa isang business partner.“Sige po Lola, hahabol po ako huh, happy birthday po,” bati niya na pilit na pinagtakpan ang totoong nadarama. Bahala na mamayang gabi. Sana nga matapos kaagad ang meeting ni Fien mamaya para makapunta siya ng Sta. Maria.Aabutin din kasi ng dalawang oras ang byahe ang pagpunta sa kinalakihang bayan niya. Ayaw niyang biguin ang kanyang lola sa birthdsy nito, lalo’t naipangako na niya iyon dito.Matamlay na ibinalik niya sa ibabaw ng table niya ang cellphone niya. Muli niyang ibinigay ang atensyon sa harap ng monitor ng computer
“HAPPY birthday Lola,” mangiyak-ngiyak na niyakap ni Tracy si Lola Meding. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na dinala siya ni Fien sa Sta. Maria. Ang akala niya ay sa unexpected business appointment ang punta nila ng asawa.“Salamat naman at nakarating ang mahal kong apo, akala ko ay mamaya ka pa darating,” si Lola Meding na tumugon ng yakap sa kanya. Ramdam niya ang matinding kasiyahan ng matanda na naroon siya sa birthday celebration nito.“Happy birthday po Lola,” bati ni Fien matapos nang kumalas sila sa pagkakayakap sa abuela niya. Ibinigay din ng asawa ang dinaanan nilang gift kanina sa isang shop. “Sana magustuhan n’yo po ang aming regalong ito sa inyo.”Pa-simpleng hinaplos ng Lola niya ang mukha ni Fien. “Nag-abala ka pa hijo, iyong pagpayag mo nga dalhin dito ang aking apo ay isa ng magandang regalo sa akin.”“Anong pagpayag ‘yun?” nagpalipat-lipat ang tingin niya sa asawa at sa lola niya. Napantiskuhan siya sa dalawang ito.“Ang totoo n’yan hija,” sagot ng Lola ni
“A-anong ginagawa mo dito Fien?” tanong ni Tracy sa asawa na naroon din sa sulok ng bakuran na kinaroroonan niya. Hindi niya malaman kung sinadya ba siya nitong sinundan sa nasabing lugar. Kaya pala parang naiba ang boses ng kumakanta ng isang awitin na iniiwasan niyang mapakinggan.Nakalagay pareho ang mga kamay nito sa baywang. Sa mumunting liwanag na galing sa poste ng ilaw, nakikita niya ang blangkong ekpresyon ng mukha nito. “You’re not just my wife my dear, tandaan mo, personal assistant din kita. Nakita kitang umalis sa loob ng bahay, kaya sinundan kita. Malay ko ba kung bigla ka na lang umalis.”Pasimple niyang pinahid ang mga luhang naglandas sa pisngi niya. “At natakot kang iwanan kita, habang ako ay n-nasanay nang iwanan mo. Ganyan ka pa rin Fien, masyado kang mapanakit. Hindi ko alam kung hanggang kailan tayo magiging ganito.”Kitang-kita niya ang pagsasalubong ng kilay nito. At saka lang niya napagtanto ang sinabi niya na itinulak ng bugso ng damdamin niya. Huli na para b
NANGILABOT si Tracy nang palakpakan siya ng board matapos niyang mag-present sa harap ng mga ito. Bakas sa mga mukha nito ang satisfaction na ginawa niya para kay Fien. Nagpipigil ang mapaluha na tinanguan siya ng mga ito.“I am proud of you my dear daughter,” si Rolando na nilapitan siya saka masuyo siyang niyakap. Flattered na napatugon din siya ng ganoong aksyon sa ama niya. Isang patunay na may ibubuga na rin siya sa bagong mundo na mayroon siya.Kasinglambot na malambot na alpombra na nakalutang sa alaapaap ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Sa pagkalas ng yakap sa kanya ng Daddy niya, isa-isa siyang kinamayan ng board. Wala na doon si Fiel dahil biglaan itong umalis sa conference hall para isang mahalagang tawag na natanggap nito.Nang siya na lang ang naiwan sa loob ng hall, niligpit at kinuha na rin niya ang mga gamit niya. At saka lang niya naisipang sipatin ang cellphone niya.Kinabahan siya nang makita ang mahigit one hundred missed call. Galing lang iyon sa iisan
“F-FRANK?” hindi makapaniwalang sambit ni Tracy nang makilala niya ang lalaking lumapit sa kanya sa kainan na pinuntahan nila ni Fien. Isang simpleng t-shirt at pantalon ang suot nito at nangayayat ang katawan ng dating kaibigan. Napatayo siya saka hinarap ito. “Hindi ko alam kung anong kamalasan na naman ang dadalhin mo sa buhay ko.”Bumalatay sa mukha nito ang matinding pagka-guilty. Kahit hindi niya diretsahing tukuyin ang laman ng isip niya, alam niya na alam na alam nito ang dahilan. “Kay tagal kong hinintay ang sandaling ito na magkita tayong muli Tracy.”Mabilis na dumapo sa isang pisngi nito ang isang kamay niya. Nanlisik ang mga mata niya sa pagkakatingin niya dito. Ang sugat sa puso niya na hindi pa naghihilom, ngayo’y muling umaantak. Nagsimulang rumagasa ang mga likido sa bintana ng kaluluwa niya. Ang dapat sana’y matamis na sandali na pagkikita nila ay napalitan ng kapaitan. “Ang sakit-sakit ng ginawa mo sa akin Frank, nagtiwala at itinuring kitang kapatid pero nagawa mon
NAGISING si Tracy na nasa isang silid dulot ng pagtama sa mukha niya nang pumapasok na sinag na araw. Nakahawi na ang kurtina sa may bintana na nagbigay liwanag sa kinaroroonan niya. Alam niya na nasa magandang beach house siya na pag-aari ni Fien sa Pagudpud.Bigla niyang naalala ang asawa, napatingin siya sa kalahating bahagi ng malambot ng kama na kinahihigaan niya. kapansin-pansin na hindi nagalaw ang unan na naroon at maging ang isang kumot na maayos pa ring nakatiklop.Ibig sabihin ay mag-isa siyang natulog sa lumipas na magdamag. Masyado siyang naapektuhan sa mga nangyari at nalaman niya kahapon. Mga katotoahanang nalaman niya kay Frank. May linaw na ang lahat pero hindi pa rin nakakalaya ang puso niya sa sakit na idinulot n’on sa buhay niya.Akmang babangon na sana siya pero bigla siyang natigilan. Napangiwi ang mukha ang mukha niya sa pagsigid ng sakit sa ulo niya. naroong nangaligkig pa ang buong katawan niya nang tinangka niyang alisin ang kumot na nakabalot sa kanya. Napab
I’m sorry Tracy. Patawarin mo ako.Paulit-ulit na naglaro sa pandinig ni Tracy ang mga binitiwang salita na iyon ng asawa. Mga kataga na matagal niyang inasam n asana sabihin nito. Ibig sabihin lang, naniniwala ito sa katotohanan. Nabuksan din ang isipan nito sa sinabi ni Frank.Magsasalita sana siya para tugunin ang paumanhing iyon ni Fien, pero may lamig na sumigid sa kalamnan niya. Ang naging dahilan para mangaligkig na naman ang buong katawan niya. gumalaw-galaw ang ibabaw ng kumot na gamit niya dulot ng nangyayaring iyon sa kanya. Nakagat niya ang ibabang labi.“Are you alright?” nag-aalalang tanong ni Fien sa kanya na napansin ang pangangatal ng mukha niya.“N-ni-l-lamig a-ako,” nanginginig niyang sabi dito.Sinalat nito ang noo niya hanggang sa hinila nito ang laylayan ng kumot niya. nakisukob pala ito ito sa naturang malaking tela at naramdaman niya ang init ng katawan nito.Iginiya nito ang katawan niya papatagilid sa kabilang bahagi ng kama. Hanggang sa naramdaman niya na ma
“THANK you Mr. and Mrs. Chua for entrusting your property to us.” Kinamayan ni Fien ang mag-asawang na parehong nasa kalagitnaan na ang edad. “I am very glad for having a smooth transaction with you.”“Mas maswerte ang inyong kompanya Mr. Montagne,” sabi ni Mr. Chua. “Sa dami ng developer na lumapit sa amin, kayo lang ang nagbigay ng reasonable offer sa aming lupain dito sa Pagudpud.”Bumakas sa mukha ni Fien ang pagka-flatter. “I’m glad to heard that. Kaya nga nang sabihin ninyo na ipagbibili na ninyo agad ang property ninyo, agad kong ipinahanda ang deed of sale and other document.”“We’re planning to stay for good in US,” sabad naman ni Mrs. Chua. “Sabi ko nga dito sa asawa ko, kaysa maging tiwangwang ang lupa namin ay mas mabuti pang ibenta na lang.”Masayang nakikinig at pinagmamasdan ni Tracy ang tatlong tao na magkakausap. Naroon sila sa terrace ng bahay ng mag-asawa kung saan nagka-pirmahan na ng bilihan ng malawak na lupa. Kahit siya ay humanga rin sa magandang spot na nakuha