~//It's how you used to sayI love you and I miss you//~ “Woah, beshy! Ang ganda ng boses ni Sir!” “Aray ko naman!” d***g niya sa paghampas ni Melanie sa kanya. Nilingon niya ito at tiningnan kunwari ng masama. Nakahawak pa si Melanie sa magkabilang-pisngi at ngiting-ngiti. Ganun din si Lorraine na napapakislot pa sa kinauupuan.~//It's how you pretend to love me thenWhen you wandered off the things we've done beforeNow it's too late to turn back anymore//~ Wala ng nagawa si Keirah kundi ang tingnan si Davidson. Nakatingin pala ito sa kanya at hindi sinasadyang nagtama ang mga paningin nila sa isa’t isa. Bahagyang yumuko ang dalaga. Hindi niya magawang salubungin ang malalamlam na titig ni Davidson sa kanya.~//I used to say I love youI used to say I miss youAnd now it's all goneAre we fading away?//~ “Ganyan pala ang feeling kapag hinaharana ng isang gwapong Montevella, ‘no? Hehe.” Kumunot ang noo ni Keirah sa sinabi ni Lorraine. Hindi niya namalayang nakatabi na pala i
Gabi na ng makarating sina Leo at Sofie sa Coron. “KUYA, ang ganda! What if hindi ka sumama? Eh di hindi mo ‘to nakita ang view na ito haha,” turo ni Sofie sa malawak na dagat at mabituin na kalangitan. Parang batang nagpapatianod na lang si Leo sa pagkaka-hila sa kanya ni Sofie. Naniningkit naman ang mga mata niya. Anong view? Wala naman siyang makita kundi kadiliman. Lamig ng hangin, oo. Ramdam pa niya. Nagtagumpay itong isama siya sa Coron dahil wala naman DAW siyang ginagawa. Without her knowing, na patung-patong talaga ang mga pendings niyang gawain. Ginawa pa talaga siyang chaperone. “Guys, we’re here.” Pinagmasdan ni Leo ang Resort na gaganapan ng debut celebration. Halatang pinaghandaan talaga ng sobra. “Sofieee!! Buti nakarating kayo. I thought hindi ka na pupunta eh. Hmmm, who’s that hot guy? Boyfriend mo?” Nakita ni Leo ang pag-ngiwi sa mukha ng pinsan niya. “Hays, Anika, he’s my cousin Leo. Kuya Leo, this is Anika the debutant.” “Oh hi!” ma
KINABUKASAN.. Maagang nagising si Keirah. Alas-kwatro pa lang ay nasa tabing-dagat na siya. Ninanamnam ang lamig ng hangin at maligamgam na tubig-dagat. Nilibot niya ang paningin sa paligid. Walang katao-tao, mga tulog pa siguro. Hindi rin naman natuloy ang activity nila kagabi dahil mga naka-inom na ang mga kasamahan. ‘Mamaya siguro gagawin’ sa isip niya. Huminga ng malalim si Keirah. Inhale, exhale. Mula ng pumasok si Davidson sa VIP House kagabi, hindi na ito nagpakita sa kanya. Hindi nga siya masyadong nakatulog kakaisip sa binata. Gusto na niya itong puntahan sa kwarto nito para alamin kung okay lang ba ito. Natagpuan niya na lamang ang sarili na naglalakad patungo ng VIP House. Huminga muna ng malalim ang dalaga bago katukin ang pinto ng kwarto ni Davidson. Walang sumasagot. “Gising kaya siya?” Naka-ilang katok na siya pero hindi pa rin siya nito pinag-bubuksan. “Baka tulog pa siya, hays namimiss na kita,” bulong niya sa sarili bago tumalik
“NAKAKAINIS! Bakit ganun niya na lang ako tratuhin?! Ano bang mali sa’kin? Yuki, TELL ME!” Ang nananahimik na PA ay nadadamay na sa pagmamaktol ni Cassidy. Pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Davidson sa resort, ay bumalik na lamang siya sa Manila. Ayaw naman na niyang makipag-siksikan pa dahil pinagtabuyan na siya ni Davidson. Isa lang naman ang tumatak sa utak ni Cassidy. Ang sekretarya ng lalake. Hindi siya tanga para hindi maramdaman na may namamagitan sa dalawang ito. “Yuki, aki’na yung rechargeable fan. Bilis!” nababanas niyang utos sa kawawang PA. Kung hindi nga lang yata malaki siya mag-bayad kay Yuki eh baka umalis na ito sa pagtatrabaho sa kanya. “Heto po, Miss Cassidy.” “Yuki, I need you to do something for me,” aniya habang pinapaikot-ikot ang fan sa mukha. Nababanas talaga siya. “Ano po yun, Miss?” “Kalapin mo lahat ng information ng Keirah Gustavo na ‘yan. She stole the man I loved. And now, she’ll pay for what she’ve done,” malalim ang hininga at madi
Pabagsak na sinara ni Keirah ang pintuan ng silid. Humihingal siyang sumulyap kay Davidson. Nasa mukha nito ang pagtataka kung bakit siya mabilis na nakabalik pero walang dala.“What happened?” nakakunot ang noo nitong tanong sa kanya.“Wala, paulan na kaya hindi na ‘ko tumuloy,” pagsisinungaling niya. Total liar na talaga siya. Inayos niya nag sarili at pinilit maging normal ang awra.“Are you sure you’re okay? Hindi ka pa kumakain. Sabi ko naman sayo mag-order na lang tayo,” bumalik ang tingin nito sa cellphone. Tila may ka-text ito.“Yeah, naisip ko din. Mago-order na ‘ko, wait ka lang,” aniya at hinugot ang cellphone sa bulsa saka umorder ng pagkain sa Jóllibéé app. “We’ll wait for fifteen minutes.’“Okay,” tipid nitong sagot na nakatuon pa rin ang pansin sa ka-textmate. Nailang na si Keirah. Humalukipkip siya at pinagmasdan ang seryosong lalake. “Sinong ka-text mo?” diretso niyang tanong na kahit maski siya ay hindi makapaniwala na lalabas yun sa bibig niya.“Ah, just my friend
"YUNG FOODS!!"Natatarantang umalis sa ibabaw ni Davidson si Keirah. Ramdam niya ang pamumula ng kanyang mga pisngi ng tinungo ang pinto.Ngunit hindi ang inaakalang food delivery ang napag-buksan niya. Kundi si Melanie. Humahangos ito at rinig niya ang pagod at kaba nito sa bawat pag-hinga."K-Keirah," nanginginig ang mga kamay nito. Doon niya lang napansin na hawak nito ang kanyang cellphone, naiwan nga pala niya yun nang isugod si Davidson sa hospital."Anong meron? Bakit humahangos ka?" takang-tanong niya."Kanina pa may tumatawag sayo, Yaya mo yata. I answered it. Keirah, ang mama mo-""WHAT?" Nagmamadaling kinuha niya ang cellphone kay Melanie. Twenty missed calls, thirteen messages.Nangangatog ang mga kamay na binuksan niya isa-isa ang messages.'Akira, nsan ka ba na bta ka?''Sumagot ka nmn!''Emergency!''Nagse-seizure ang mommy mo''Sinugod namin siya sa hospital, pro wala, Dead on arrival ang mommy mo!''wla na ang mommy mo akira''pakiusap umuwi ka na' Nabitawan ni Keir
Three Days Later, “Ikaw na ang bahala sa lahat ng schedule ni Ms. Gustavo. I need you for the mean time.” Habang kinakausap si Ms. Rodriguez, hindi makapag-focus si Davidson. Panay ang buntong-hininga niya at paminsan-minsan ay sinusulyapan niya ang cellphone kung may text message na dumadating galing kay Keirah. “You sure you’re okay, Sir?” pansin sa kanya ng HR. “Yeah, nag-aalala lang ako kay Ms. Gustavo,” pasimple niyang sagot. Kahit na gusto niya ng ipagsigawan na namimiss niya na ang presensya ng dalaga.Tumikhim ang kausap. “Ahem, iba na yata ang pag-aalala niyo kay Keirah, Sir. Since we got here ay palagi ng malalim ang iniisip niyo.”He rolled his eyes as he looks at Ms. Rodriguez. Kailan pa ito naging mapag-obserba sa buhay niya? “She’s my secretary. Nahihirapan akong mag-adjust, okay.”“Okay. I’m sorry, Sir. Mauna na po ako,” nag-bow muna ito sa kanya bago umalis.Bumuntong-hininga siya ng makalabas ang HR. Tama naman ito dahil wala talaga sa kumpanya ang isip niya.
"MELANIE?" Pareho silang natigilan. Napatda at tinitigan ang isa't isa. Naunang makabawi si Melanie at sinipat siya. "Ikaw ba talaga yan?" -hinawakan ang baba niya at tinaas- "Gosh, IT'S REALLY YOU! Anong ginagawa mo dito? Don't tell me-" Tumangu-tango si Keirah siya naman panlalaki ng mga mata ni Melanie. "Anak ka ni Mr. Benavidez? Ang Majority Shareholder ng Montevella Corp?!" Alam niya na hindi ito makapaniwala dahil sa reaksyon nito. Bago pa man may makakita sa kanilang dalawa ay hinila na niya ito paakyat sa kanyang silid.-----"Besh, hindi talaga ako makapaniwala! Isa ka pala talagang prinsesa!" kinikilig na sambit ni Melanie. Nabigla pa siya ng mag-dive ito sa queen-sized bed niya."Prinsesa ka diyan?," humalukipkip siya at umupo na lang sa couch dahil okupado lahat ni Melanie ang kama niya."Girl, nasa'yo na ang lahat-""And I ended up with no mother," ngumiti siya ng mapait. "I'm all alone now."Umayos ng upo si Melanie. "Hmm, I'm sorry Keirah. Masyado lang akong na-exci