Share

Chapter Four: Keirah

‘IF I just know na ganito pala kahirap ang maglayas, I shouldn't done this’

Mangiyak-ngiyak na sa sarili si Keirah. Kanina pa sya pinapagalitan ni Mrs. Kim dahil palagi syang palpak sa mga pinapagawa nito.

‘I hate you, Dad! I really, really hate you!’

Sa isip na lamang nagwawala ang dalaga dahil wala naman siyang magawa dahil wala naman nag-utos sa kanya na umalis ng bahay nila.

“Keirah, I need fifty copies of this contracts. Do you know how to xerox? O baka naman pati pagxe-xerox ay hindi mo alam,” masungit na utos na naman ni Mrs. Kim sa kanya.

Lihim ng nakasimangot si Keirah. Halos kauupo lang nya. Wala naman siyang nagawa kundi sundin ang masungit na Head.

Kung hindi lang ito para sa pagtakas nya sa Daddy nya ay wala naman sya sa ganitong lugar. Nasa kwarto lang sana sya at nakahiga habang nakikinig ng musics o nagbabasa ng libro sa private library niya.

Pero hindi eh. Nananahimik ang buhay nya at bigla na lang ginulo ng kanyang ama mula ng sabihin nito na ipapakasal sya sa matandang business partner nito.

Twenty-years old pa lamang si Keirah at nag-aaral ng Architecture. Malayo sa business management ang gusto niya. Tutol ang daddy nya na maging arkitekto sya kaya yon lang naiisip ng dalaga na dahilan para ipakasal siya nito.

Hanggang sa nauwi na silang mag-ama sa pagtatalo. Umalis sya ng bahay at pinalitan ang pangalan nya bilang Keirah Gustavo. She used her grandmother’s last name.

Wala din syang ideya kung sino ang gusto nitong ipakasal sa kanya. At ayaw din nitong sabihin ang tunay na dahilan.

“Ikaw ba si Keirah?”

Napukaw ang lumilipad nyang isipan ng lumapit sa kanya ang isang Marketing staff.

“Oo ako nga, bakit?” sagot niya sa babaeng nagpakilalang Melanie.

“Kanina pa kasi hinihintay ni Mrs. Kim yung mga pina-photo copy nya. Tapos na ba?”

“H-ha? Ganun ba? Teka lang,” nagmamadaling tinipon ni Keirah ang mga kontratang xinerox nya. “Tapos na”

Tinulungan naman sya ni Melanie na dalhin ang mga kontrata. Habang naglalakad patungong office ni Mrs. Kim ay nakikipag-kwentuhan ito sa kanya.

“So, ikaw pala ang bagong secretary ni Mrs. Kim? Okay ka lang ba?” simula nito.

“Okay lang naman,” matipid nyang sagot.

“Alam mo ba, isang secretary lang ang tumagal sa kanya ng tatlong buwan?” mahinang bulong ni Melanie sa kanya. Halatang ayaw nitong may makarinig sa sinabi.

“Talaga? Bakit naman?” curious nyang tanong.

“Nagtanong ka pa ‘te! Hindi mo ba nahahalata yong ginagawa nya sayo?”

Natawa sya sa sagot ni Melanie. Gusto pa yata nitong siraan si Mrs. Kim sa kanya.

“Bakit mo ba naisipang pumasok dito sa Montevella?”

“Hmm, may sakit kasi tatay ko”, ‘sakit sa negosyo’ gusto nya yon idugtong sa sinabi nya at buti na lang napigil niya ang bibig.

“Ahh. Pero sana magtagal ka, Keirah. Kahit na masungit si Mrs. Kim, may gwapo naman tayong CEO,” nabigla siya ng tumingala ito sa ere at tila nag-ilusyon. “Hays, kung si Mr. Montevella lang ang makikita ko araw-araw, hindi na ‘ko tatamarin magtrabaho”

“Mr. Montevella?” ulit niyang tanong sa nagi-ilusyong kasama.

“Oo, hindi mo pa ba sya nakikita? Sabagay, malimit lang naman yon lumabas. Takot yatang ma-exposed ang gwapong mukha, ang matangos na ilong, ang mapuputing balat na mas makinis pa sa mukha ko, ang-”

“Oras ng trabaho pero nag dadaldalan kayo,” isang malamig na boses ang gumulat sa kanilang dalawa.

Sabay silang napalingon ni Melanie sa likuran. Nanlaki ang mga mata ni Melanie ng mapagtanto kung sino ang nagsalita.

“K-kanina ka pa po ba dyan, sir?”

“Hindi naman. Do’n lang sa gwapong CEO ang narinig ko,” sarkastikong sagot nito, na ikinapula ng mga pisngi ni Melanie.

Namukhaan ni Keirah ang lalake. Dalawang beses nya na itong nakaka-enkwentro ngayong araw pero hindi nya pa ito nakikilala. Ginawa nya nalang paraan ang pagyuko para bumati sa gwapong lalaking nasa harapan.

“Keirah, bumati ka kay Mr-”

“Bumalik na kayo sa trabaho,” putol nito kay Melanie. “Ayoko ng may pakalat-kalat sa hallway”

Walang nagawa si Melanie kundi ang iwan sya. Nagpapaalam na tingin na lamang ang ipinukol nito sa kanya bago tuluyang umalis.

Naiwan si Keirah na nakatanga sa lalake. Hindi nya namalayang pinagmamasdan nya na pala ito.

“Miss, do you want to say something?” ang malamig na boses ng lalaki ay nakakapag paigtad sa kanya.

“H-hm? Ahm sorry po, maiwan ko na po kayo,” nagmamadaling umalis si Keirah. Nakahinga siya ng maluwag nang makarating sa Marketing Head’s Office.

“Bakit ang tagal mo? Nasayang na ang oras ko sa paghihintay!” nakasimangot na si Mrs. Kim pagbalik niya sa office nito.

“Sorry po Mrs. Kim,” hingi nya ng paumanhin sabay lapag ng mga contracts sa table nito.

Masama ang tingin na binalingan siya nito. “Sa susunod ayaw ko ng matagal, okay. Ayusin mo ang trabaho mo!”

Napangiwi si Keirah sa sinabi nito. Mukhang ngayon ay alam nya na kung bakit walang nagtatagal na sekretarya dito. Sa tingin nya ay hindi naman ito matandang dalaga, o sadyang masungit lang talaga ito.

‘Kaya mo ‘to, Keirah!’ pagpapalakas nya ng loob sa sarili at hindi na ininda ang sermon ng Head.

“Kabago-bago mo may attitude ka na? Hindi mo pinapansin ang mga sinasabi ko!” dugtong pa nito na ikinasinghap niya. Naririnig naman niya ito ayaw niya lang sumagot.

“Pasensya na po ulit,”

Magti-tyaga nalang syang magtrabaho sa kumpanyang ito kaysa bumalik sa bahay nila. Mas matitiis nya pa ang kasungitan ng Head kaysa ang pamimilit ng Daddy nyang magpakasal sya.

Nagulat si Keirah ng biglang tumayo si Mrs. Kim at nakatingin sa pintuan. Maski sya ay napalingon na din sa pinto at nakita nya ang pagpasok ng lalaking kanina lang ay sumita sa kanila ni Melanie.

“M-Mr Montevella?” natataranta na bumati ito sa lalake.

Hindi mapigilan ni Keirah ang mapasinghap habang nanlalaki ang mga mata. Ito ba ang gwapong CEO na sinasabi sa kanya ni Melanie?

“Keirah, ano pang hinihintay mo? You should greet Mr. Montevella!”

“O-opo, h-hello po Mr. Montevella,” hiyang-hiya si Keirah at nagkakanda utal pa sya sa pagbati dito. Hindi nya naman alam na ito pala ang CEO ng Montevella. Akala nya ordinaryo lang din itong Senior, o kaya naman ay Supervisor.

‘Kaya pala sobra nalang ang pagba-blush ni Melanie kanina’

“Mrs. Kim, I know it’s hard for you to train our new employees. But you should take it easy at bawasan mo din ang kasungitan mo. Napapansin kong wala ng nagtatagal sa Department mo”

Natigilan si Keirah sa deretsong sinabi ni Mr. Montevella kay Mrs. Kim. Nakita naman nya ang pagkatakot sa mukha ng Head.

“Sir, I’m just building their respects to our company,” depensa ni Mrs. Kim.

“Respect? How would you expect a respects from them kung ikaw mismo ay walang respeto sa mga tao mo?” seryoso ngunit parang kakain ng buhay ang mga titig nito kay Mrs. Kim. “Naririnig ko ang pagsinghal mo kay Ms. Gustavo, which is wrong. She’s just a new employee and willing to know our regulations. So bigyan mo naman sya ng tamang pagtrato”

Hindi na nakapag-salita si Mrs. Kim at nanatili nalang na nakayuko. Pansin din ni Keirah na nanginginig ito sa bawat salitang pinupukol ng CEO.

“I’m sorry, sir. Hindi na mauulit,” tanging nasambit na lang nito.

“Dapat lang Mrs. Kim, dahil kapag naulit pa ito kahit kaninong empleyado ng Montevella Corp., I won’t hesitate to fire you!”

Pagkasabi no’n ay wala ng lingon-lingon lumabas ng office ni Mrs. Kim si Mr. Montevella.

Nanginginig ang katawan na napaupo na lang si Mrs. Kim sa swivel chair nito. Hindi siguro nito inaasahan ang mga sasabihin sa kanya ni Mr. Montevella.

Habang si Keirah ay naiwang nakatulala sa pintuang nilabasan ni Mr. Montevella. Aaminin nya sa sarili na kahit sya ay ninerbyos sa mga sinabi nito.

Lalapitan nya sana si Mrs. Kim pero bigla itong tumayo. Sukbit ang bag, ay lumabas ito ng office.

‘Gosh, what do I do now? Mukhang kasalanan ko pa yata ang nangyari huhu’

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status