Share

Kabanata XI: Ang mga Makapangyarihan

Sa patuloy na pagsulong at paglaki ng bayan ng San Lorenzo, hindi kataka-takang lumitaw ang mga taong maghahari-harian at hahawak ng renda ng kapangyarihan. 

Sinu-sino ba ang mga ito? 

Si Don Lorenzo, masasabing pinakamayaman sa San Lorenzo. Kanya ang pinakamalawak na lupain. Siya ang takbuhan ng mga taong nagigipit. May mababang-loob at hindi mahilig sa kapangyarihan. Siya ay iginagalang at hindi naman kinatatakutan. Sa kabila nito, siya ay hindi kabilang sa makapangyarihan ng San Lorenzo.

Si Gobernador Gregorio ay mayaman din. Nagkukusa nang sumasalubong sa kanya ang mga may utang at sila ay nagreregalo ng kung anu-ano sa hangad na magpalakas kay Goberanador Gregorio. Pinakamasarap na prutas ang inihahandog sa kanya. Kapag may nagustuhan si Gobernador Gregorio kahit ang magilas na kabayo, siya ay hindi nagdadalawang salita, tiyak na maipagkakaloob sa kanya. Sa kabila ng lahat, kung siya'y nakatalikod, siya ay pinagtatawanan at kung tawagin ay Sakristan Gregorio. Hindi rin siya kabilang sa makapangyarihan sa San Lorenzo.

Ang gobernadorsilyo o kapitan, magandang pakinggan ang posisyong ito. Ngunit halos ay walang katumbas na puwersa ang taguring ito. Ang kapitan, sa halip na mag-utos, kadalasa'y siyang nauutusan. Hindi siya nagagalit sa sinuman pero madalas siyanf kinagagalitan. Hindi rin naman siya binibigyan ng kapangyarihang makapagpasya ng mga nakatataas sa kanya. Obligasyon niyang sundin ang lahat ng utos ng Alkalde Mayor at gawin ang lahat ng ipinagagawa sa kanya. Sa ganitong mga kadahilanan, imposibleng maging isa siya sa makapangyarihan sa San Lorenzo.

Dalawa ang tanging maituturing na makapangyarihan sa San Lorenzo.

Isa rito si Padre Pedro, ang kasalukuyang kura. Siya ay isang Franciscano, tahimik at walang kibo. Payat, palaisip at kahit bata pa ay masasakitin na. Masigasig siya sa pagtupad sa kanyang tungkulin. Maingat sa kanyang mga kilos dahil ayaw niyang mabatikan ang malinis niyang pangalan. Iba-ibang siya kay Padre Ignacio, kapag may nagkakasala sa kanyang nasasakupan, madalas multa ang parusa. Samantalang kay Padre Ignacio, binibilangan ng palo ng tungkod o suntok. Mahinay siyang magpasiya samantalang si Padre Ignacio ay mapusok. Madalas ay nag-aayuno at hindi kumakain si Padre Pedro kaya payat at putlain siya. Sa kabilang dako naman magana at mahilig sa mga masasarap na pagkain si Padre Ignacio.

Ang isa pang makapangyarihan ay si Don Vito. Sinasabing may sariling kamalasan at ito'y pag-aasawa. Isang may edad na Pilipina ang kanyang asawa, kilala sa pangalang Doña Evelyn. Ayon kay Don Vito, ang pakikisama sa kanyang misis ay isang impyerno. Mas malimit ang mga araw ng pag-aaway ng mag-asawang ito kaysa mga araw ng pagkakasundo. 

Karaniwan lang sa kanila ang bugbugan. Madalas ay naghahambalusan sila at naghahagaran sa kalye.

Dahil siguro sa kabiguan sa pag-aasawa, maraming ibang bagay ang napagbabalingan ni Don Vito. Madalas siyang nag-iinom o kaya'y inuutusan ang kanyang mga nasasakupang guwardiya sibil na magsanay sa gitna ng nagababagang araw samatalang siya'y nasa lilim. 

Ang madalas niyang pagbuntunan ng galit ay ang kurang si Padre Pedro. At nasisiyahan siyang siraan ang kura sa kapwa Kastila.

"Pupunta ba kayo sa kumbento ng kurang mukhang patay na langaw? Mag-iingat kayo. Lalo na kung paiinumin kayo ng tsokolate. Pero hindi ko naman tiyak kung hahainan kayo ng tsokolate."

"Bakit po?" itatanong ng kausap.

"Kung bibigyan nga kayo ng tsokolate, makiramdam kayo. Pag tinawag ng kura ang kanyang utusan at sinabi: 'Hoy, magtimpla ka ng isang tasang tsokolate, e.' Pag ganito ang narinig ninyo, huwag kayong matakot at huwag aalis. Pero pag ganito ang utos: 'Hoy, magtimpla ka ng isang tsokolate, a' Kaagad ay umalis na kayo."

"Bakit Don Vito? Nanlalason ba ang kura?"

"Hindi naman ganoon"

"E, bakit po?"

Nagpaliwanag si Don Vito, "Pag sinabing tsokolate, e...... ibig sabihin ay malapot, pag sinabing tsokolate, a...... ibig sabihin malabnaw!"

Nakaisip naman ng ganti ang kura. Oras na makita niyang nasa loob na ng simbahan si Don Vito, uutusan ang mga sakristan na isarado ang pinto, aakyatnna ang pari sa pulpito at magsesermon ng napakahaba, halos antukin na pati ang mga santo. 

Paglabas ng simbahan, magmumura si Don Vito at ang kura, akala mo ay kay sarao ng kanilang pagmamahalan. Nagkakamay sila, nagbabatian at tila gusto pang magyakap sa pananabik sa isa't isa. 

Silang dalawa mapagkunwari ang mga makapangyarihan ng San Lorenzo.

-kapangyarihan mong taglay huwag mong paglaruan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status