Share

Is this Love (Part 5)

"Bakit ka nalang biglang umalis after niyo magkiss ni Jaspher?" nagtatakang tanong ni Skyler.

Nagulat ito ng mapansin na umiiyak ang kaibigan. Mabilis na yumakap si Nathan sa kanya.

"Ano bang nangyari. May sinabi ba siyang hindi maganda sayo? Or hindi mo nagustuhan yung kiss?"

"Nakita ko si Jaspher sa alaala ko. Baka siya yung boyfriend ko 2 years ago. Paano kung siya nga yun?"

"Kung ganon hindi ba dapat mas mabuting kausapin niyo yung isa't isa? Kung totoo nga na siya yung boyfriend mo noon. Dapat magtulungan kayo na maibalik yung memory mo at malaman kung anong nangyari sainyo before"

"Natatakot ako. What if hindi pala maganda yung mga nangyari dati. What if mas magiging magulo lang ang lahat kapag naalala ko sila" mababakas sa mukha ni Nathan ang pagkalito. Nakaramdam ng awa si Sky para sa bestfriend niya.

"I know. Pero kailangan mong magdecide. Hindi pwedeng habang buhay magpapanggap ka nalang na okay ang lahat kahit hindi. Kahit alam mo sa sarili mo na may mga bagay kang dapat alamin" hinawakan niya ang kamay ng kaibigan. "pag-isipan mo. Kapag may desisyon ka na pwede mo kong sabihan."

"Kapag ba nakapagdecide ako na alamin yung mga nangyari saken before sasamahan mo ko?" it sounds selfish. Pero sangayon kay skyler siya humuhugot ng lakas ng loob. Siguro dahil alam niyang matapang lagi si Sky at masasandalan niya sa kahit anong oras. Kaya gusto niya kasama niya ang kaibigan kung sakaling makabuo siya ng desisyon.

"Oo naman. Kailan ba kita iniwan."

"Salamat Sky. Napakabuti mong kaibigan"

Ngumiti si Sky at kinuha ang panyo niya. Pinunasan niya ang mga luha ni Nathan. "Naalala mo nung senior high. May naging crush ako sa schoolmate naten. Pero dahil ayaw niya sa mga gay kinulong niya ako sa storage at sinunog yun. Ikaw ang nagligtas saken at nagsumbong sa kanya sa mga teachers. Simula noon pinangako ko na sa sarili ko na sasamahan kita sa kahit anong journey mo."

"Grabe naman kase yung ginawa niya nun sayo"

"Pero okay na din na nangyari yun kase may nakilala akong isang Nathan sa buhay ko" at niyakap niya ang kanyang bestfriend.

Natigilan sila ng biglang lumapit si Zidane sa kanila. "Anong ginagawa niyo dito?" nakatingin ito kay Sky. Hindi alam ni Sky kung bakit pero pakiramdam niya wala sa mood si Zidane. Wala siyang pakealam. Inis din naman siya dito.

"May pinag-uusapan lang kami" tipid na sagot ni Sky.

"Nang kayo lang dalawa dito? Saka ang dilim sa lugar na ito"

"May masama ba na dito namen gustong mag-usap?"

Siniko ni Nathan si Sky pero hindi niya pinansin ito.

Although naiinis si Zidane, sinusubukan niyang kalmahin ang sarili. "Patapos na yung party, umuwi na tayo" napataas ang kilay ni Nathan. "I mean sumabay na kayo saken. Late na din kase"

"Hindi na. Ihahatid ko pa si Nathan sa kanila" pagsusungit nito. Umiiwas ng tingin si Sky. Naiinis pa din siya dahil sa nakita niya kanina. Hinila niya si Nathan at mabilis silang naglakad palayo sa teacher nila.

Pero hinawakan ni Zidane ang kamay ni Sky. Hinila niya ito papunta ng parking kaya wala na din sila nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

"Bitawan mo nga ako?" naiinis na sabi ni Sky pero hindi din siya gumagawa ng effort para alisin ang kamay ni Zidane.

"Ayoko nga"

"Bakit ba ang kulit mo?!"

"Delikado na sa daan kapag ganitong oras. Concern lang ako sa inyo. Nathan"

"Yes po sir?" nagtatakang tanong nito. Pakiramdam niya ang weird ng ikinikilos ng dalawa.

"Saken yung pulang kotse. Sumakay ka na sa  backseat"

"hah?"

"Narinig mo yung sinabi ko diba? Sakay sa kotse" medyo nakakatakot na ang boses nito ngayon compare sa kanina. Kaya sumunod nalang siya. Mula sa loob pinagmamasdan niya ang dalawa. Nakahawak pa din ito sa braso ni Skyler.

"Ano ba talagang ginagawa niyong dalawa dun sa sulok na kayong dalawa lang?"

What?! Iniisip ba niyang may gagawin kaming hindi maganda. "Ano bang iniisip mong ginagawa namen?"

"Kaya nga tinatanong ko eh"

"Sinagot na kita kanina.Well, obviously hindi ka naniniwala kase may iba kang iniisip" sabay bawi nito ng braso niya. "Saka wala pa kaming nagagawa kahit may gusto kaming gawin, dumating ka bigla eh" alam niyang maiinis lalo si Zidane sa sinabi niya.

"Sky!"

"Uuwi pa ba tayo? O mag-aaway nalang tayo dito?" hindi na niya hinintay na magresponse si Zidane at pumasok na din sa kotse.

Naiilang si Nathan dahil parang hindi okay ang dalawa. Tahimik lang na nagda-drive si Zidane habang nakatingin lang sa labas si Skyler. Ano kaya ang pinag-aawayan ng dalawang ito kanina?

****

Pagdating sa apartment, didiretso sana ng kwarto si Skyler pero pinigilan siya ni Zidane.

"Hindi pa tayo tapos."

"Hah hindi pa ba? Ano pa bang gusto mong pag-usapan naten? Gusto mo ba ikwento ko muna ng detalyado sayo sa kung paano namen yun ginagawa ni Nathan at saan kami natapos bago ka dumating?" sarcastic na tanong nito.

"Bakit ba ganiyan ka umasta?"

"Ikaw ang dapat tinatanong ko niyan. Sinabi ko na sayo na nag-uusap lang kami pero ikaw yung nag-iisip ng masama diyan. Ganiyan ka ba ka-atat na may maisumbong sa mama ko"

"Hindi yun ang nakita ko." bago kase siya lumapit sa dalawa nakita niyang sobrang lapit ng mga mukha nila sa isa't isa habang pinupunasan ni Skyler ang mga luha ni Nathan.

"Grabe ka. Parang yun lang pinag-iisipan mo ko ng masama. Bakit? May narinig ka ba saken na reklamo ko sa inyo ni miss Lily? Diba lagi kayong magkasama? Isinayaw mo pa siya. Nagtanong ba ko sayo? Hindi naman hah!"

"Bakit naman napasok si Miss Lily?"

"Bakit hindi? Hindi ako pwedeng magtanong ng about sainyo? Pero Yung samen ni Nathan lagi kang tanong ng tanong na para bang nagseselos ka"

"Nagseselos nga ako" pareho silang natigilan sa sinabi ni Zidane. Basta lang yun lumabas sa bibig niya. Ngayon hindi niya alam kung paano babawiin ang sinabi niya.

"What?"

"I also want to have a moment with you dun sa party pero hindi pwede diba" kinuha niya yung cellphone niya at nagplay ng isang love song.

"Can I have this dance" sabay alok ng kamay niya kay Skyler.

Yung kaninang inis na nararamdaman si Sky ay napalitan ng excitement. Hindi nila pwedeng isayaw ang isa't isa sa party kanina dahil teacher at student sila. Kagaya ng panghihinayang na nararamdaman ni Sky ganon din ang panghihinayang ni Zidane. Kaya ngayon na nasa bahay na sila gusto niyang maisayaw ito.

Iniabot ni Sky ang kamay niya which is sign din para kay Zidane na ilagay ang isa pa niyang kamay sa bewang nito. Hindi nawawala ang titig nila sa isa't isa habang sumasayaw.

Tama nga. Hindi pa tapos ang gabing ito. We can still have this moment. I wonder, alin ba ang mas maingay? Yung music sa cellphone ni Zidane o yung tibok ng puso ko?

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status