XAVIER WESLEYThe happiness I'm feeling right now is beyond my expectations. Kahit malaki ang ipinagbago ni Jude ay masaya akong bumalik na sila sa bahay. Nakakapanibago lang because Janina is very bossy and untamable. Malayo sa submissive wife ko noon.Naiilang din ako sa maraming security personnels na kasama namin sa bahay. May mga pagkakataon na nakalulungkot kasi umaalis sila ni Jude at hindi nila ako isinasama. Nang tinanong ko ang isa sa mga guards ni Janina ang sabi niya ay umuuwi raw ang sa penthouse nito. Until now, I don't have any idea how rich she is and where she got her fortune. After Janina's assistance, Montefona Electronics Company and our other assets are performing well. Dad came back as the chairman of the company and I retained my position as the CEO. Maayos na rin kaming nagbibigay paunti-unti ng aming partial payment sa aming loan sa Villasanta Group of Companies. One time, naisipan kong tanungin si Janina tungkol sa kung paano niya nalaman o nakuha ang mga a
JANINA MARIESimula nang bumalik kami ni Jude sa bahay ni Xavier ay bumuti ang ugali ng aking anak. Although may mga pagkakataon pa rin na salbahe siya pero madali siyang napapasunod ni Xavier. At dahil sa mga sinasabi ni Tommy kaya inutusan ko ang mga pinagkakatiwalaan kong tauhan na kunan si Jake ng buhok habang nasa isang sikat na parlor ito. Gagamitin namin iyon para sa hair follicle DNA test.Si Althea ay hindi makapaniwala sa naging pasya ko pero hindi niya ako kinontra. Sa halip ay pinursige pa niya ako na gawin ang aking plano para malaman daw namin ang totoo. Kahit duda siya kay Tommy ay gusto niyang bigyan din ito ng pagkakataon na patunayan ang mga sinasabi nito pero panay naman ang banta niya. "Kapag iyan si Tommy nagsisinungaling, ipasusunog ko talaga ang bahay niya," wika ni Althea habang kumakain kami ng merienda. "Paano kung nagsasabi siya ng totoo?" "Papatayin ko si Jake. Gagö na iyon, akala mo isang anghel pero uwak pala." "Bakit naging uwak naman, Althea?""Mait
JANINA MARIEHindi mapakali si Xavier. Gusto na niyang bumalik ng Cavite para harapin si Jake pero pinipigilan ko siya. Mahirap sumugod sa lugar ng kalaban na walang dalang armas. Alam ko rin na pwedeng mabaliktad ang sitwasyon kung magpapadalos-dalos kami ng mga galaw. “I can't believe it. Ang tagal kong hinanap ang necklace ko. Iyong dress mo... I still have it. Naiwan mo iyon sa villa na tinuluyan ni Jake noon. Honestly, I don't know kung paano akong napasok roon. All I remember was may isang taong sumabay sa akin noon at binigyan ako ng alak. I felt dizzy and my vision became blurry.”“Hindi ako nakasuot ng dress noon,” sabi ko na tila nawalan ng pag-asa.“I’m sorry. Maikling short at white tops pala iyon.”Parang hindi ko na kailangan pa ng DNA test para patunayan na si Xavier nga ang ama ni Jude. Hawak pa rin pala niya ang damit ko noon. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kailangan pa ni Jake na akuin ang aking anak. Habang nag-uusap kami ni Xavier ay tinanaw ko si Ju
JANINA MARIEHabang nasa byahe pabalik ng Cavite ay hawak ni Xavier ang mga kamay ko. Mas pinili namin ang by land travel kaysa ang mag-chopper dahil masama ang panahon. Si Jude ay iniwan muna namin sa Baler kasama si Nanay Elsa. Hindi ko man gustong mapalayo sa aking anak pero para maiiwas lang siya kay Jake kaya napagdesisyunan namin na ganoon. Tahimik lang si Xavier habang nasa byahe kami. Alam kong iniisip niya ang tawag na natanggap niya mula kay Rhian. May sakit daw kasi si Yna at nasa hospital ito. Bilang ama, kailangan ni Xavier na puntahan ang anak niya at tingnan ang sitwasyon nito. Hindi ko gustong sumama pero siya na mismo ang humiling na sumama ako dahil ayaw n'ya raw na bigyan ng dahilan si Rhian para umasa pa. Nang dumating kami sa hospital, isang ina na pusturang-pustura ang inabutan namin. Para siyang walang anak na nakakabitan ng mga aparato. Hindi kasi mababakas sa mukha niya ang pag-aalala. Mataray niya kaming hinarap. Hindi nakalusot sa mapanuring mata ni Rhian
JANINA MARIEMatagal bago ako nakapagsalita. Daig ko pa ang ipinako sa couch na nasa living room ng bahay namin. Si Xavier ay umiiyak habang mahigpit akong yakap. Although ramdam ko nang siya nga ang ama ni Jude at umasa ako roon pero iba pa rin pala kapag nasa harapan na ang katotohanan. Ninety-nine point nine percent ang probability of fraternity nina Jude at Xavier habang zero naman ang kina Jude at Jake.“They will pay for this. Kakasuhan ko sila,” matapang na sabi ni Xavier.Nararamdaman ko ang galit niya. All along ay naniniwala kami pareho sa isang kasinungalingan at pati anak namin ay muntik pang malason ni Jake ang isip. Mabuti na lang talaga at naging matapang si Tommy kahit na alam niyang posibleng hindi ko siya paniwalaan. Wala na ang tagalaboratoryo pero nanatili pa rin kami ni Xavier sa living room. Panay ang tawag niya sa mga hindi ko kilalang tao at puro imbestigahan ang narinig ko sa kaniyang mga salita. “Iyong bracelet mo…” turan ni Xavier after niyang ibaba ang te
JANINA MARIEKasabay nang pagkawala ni Rhian ay pagkawala rin ni Tommy. Marahil ay nakita ng ex ko na parating ang mga magulang ni Xavier kaya hindi niya ako pinaganti kay Rhian at sa halip ay ang pagiging salbahe lang ng babaeng feeling entitled ang nakita ng mga biyenan ko.Medyo natakot pa ako noong una sa mga magulang ni Xavier dahil akala ko ay sa akin sila nagagalit subalit hindi naman pala. Kahit na kasi mas mayaman na ako sa pamilya nila ay mataas pa rin ang respeto ko sa kanila. Samantala, tuwang-tuwa ang mag-asawang Montefona nang nalaman nilang apo nila si Jude. Ang mommy ni Xavier ay panay ang kwento sa akin habang hinihintay namin ang laboratory test na isinasagawa sa aking asawa. Ang biyenan kong lalaki naman ay palakad-lakad na parang supervisor ng hospital. "I told your son, Levy, to avoid any Admerson, but his rebellious mind led him to disobey me, which is why he is now in pain.""Stop blaming him, Kurt. He's friendly and vulnerable. We have to understand our son
JANINA MARIEPanay ang tawa ni Xavier habang hinahalikan niya ako sa pisngi at nakayakap naman siya sa akin mula sa likuran. Nakatambay kami sa cottage at tinatanaw namin ang mga magulang niya habang masayang nakikipaglaro kay Jude sa hindi kalayuan. “Masyado ka yatang praning para isipin na nadukot ang anak natin,” biro sa akin ni Xavier. Isang araw na niya akong inaasar dahil buong akala ko ay kung sino na ang dumukot sa aking anak, iyon pala ay dinala lang ito ni Nanay Elsa sa dulo ng isla para manghingi ng mga sariwang isda sa mga mangingisda. Hindi ko talaga pinapayagan na pumunta roon ang anak ko dahil sa takot na baka malunod siya. Malalim kasi ang dagat sa parte na iyon at madalas ay malakas ang alon doon. Naintindihan ko na natakot ang katulong kaya ganoon na lang ang hitsura niya nang sinabi niyang wala ang anak namin. "Hey, Loves, don't tell me na hanggang ngayon ay balak mo pa rin mag-hysterical at ipatawag ang buong platoon ng mga bodyguards mo para lang hanapin ang
XAVIER WESLEY Everyone in the party whispered to each other. I wasn't shocked kasi alam ko na ang lahat. The host in the said party, my highschool friend, is one of Rhian's love interests. He is also one of Jake's abandoned business partners. I attended the party para makita ko talaga kung paano nina Jake at Rhian ilubog ang mga sarili nila sa kumunoy ng kahihiyan. I was informed kasi beforehand na gaganti ang kaibigan ko. Isa ako sa mga lihim na nagbigay sa kaniya ng mga impormasyon para matagumpay niyang maisagawa ang plano. Habang patuloy na naghahanap ng mga evidences ang isa kong kaibigan na imbestigador at maging ang mga pulis, gusto ko munang paglaruan ang dalawang tao na dati ay halos pag-alayan ko ng buhay pero at the end ay trinaydor lang pala ako. Habang lumalalim ang gabi, lalo kaming hindi tinitigilan ng ex ko at ng bestfriend ko. They were mocking me and they were telling lies about me. Subalit lingid sa kanilang kaalaman, ang lahat ng nasa party na iyon ay mga taon