Share

Chapter 43 1st Monthsary! Yay!

NASA kotse na kami ni Avry at on the way kung san man niya ko dadalhin. Sasama nga ata ako kahit sa langit pa.

Knock on the wood... Ayoko pa mamatay no! Char lang yun. Mamaya magkabalikan pa sila ni Xandra pag nagkaroon sila ng reunion sa heaven.

"Love.." Tawag kong bumalin sa kanya. "Hmm?" Sabi lang nito pero ang lakas nanaman ng dating sa'ken. Bwisit!

"Pano mo naging pinsan si Ms. Collins?" Ngumiti siya, marahil na-alala yung ginawang kalandian niya kanina sa'ken.

"Sa mother side. Ate Raffy's my second cousin. Mag-pinsan mga mother namin. Magkapatid mga father nila." Okay pero bakit wala to nung birthday ni mama? Sabagay baka busy.

"Vioz, our middle name." Nanlaki ang mata ko. Kilala kasi ang Vioz pagdating sa mga negosyo. Di lang basta negosyo kundi mga successful talaga.

Pag may narinig kang company name na may kadugtong na Vioz yun na yun. Hindi lang dito sa country pero international din.

"So.. Ah! Ikaw? Oh gosh!" Hindi ko matukoy tukoy ang sasabihin dahil sa pagka-bigla.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status