TAPOS na ang klase ko at si Avry may training pa hanggang 7 kaya dumiretso na ako sa kanya. Pagdating ko pa lang nagsalubong na agad ang mga kilay ko. The nerve of that girl! Sinadya kong lumapit ng hindi nila namamalayan. Ang landi. "Wifey. You are here." Akala mo naka kita ng multo. Ang katabi naman niyang babae nakita kong ngumisi. Parehas silang naka pang swimsuit so I guess swimmer din tong higad na to. "Ahm, Wifey si Hillary.." Pagpapakilala niya. "Hillary this is-" "Yeah, I know her. Who would not?" Putol niya agad kay Avry. Bwisit na higad na to. "She's the Ice Queen, the granddaughter of the owner, the untouchable, smartass Ice Queen Samson." The way she said those lines tunog may tinutumbok. Problema niya. "And my girlfriend and future wife." Dugtong ni Avry dahilan para magwala ang mga butterflies sa tummy ko. Maghabulan ang mga animal sa dibdib ko. Pero hindi. May kasalanan ka pa sakin. Dahil wala pang 6 malamang hindi pa sila tapos sa training kaya naupo na lang
PHYSICAL EDUCATION II, last subject namin at sobrang sakit pa din talaga ng puson ko, first day ng menstruation ko. Ngayon lang ulit ako sinakitan ng sobra."Bestie ano? Kaya pa? Sabi naman kasi sayo mag pa excuse ka na eh." Alalang-alala si Rafa. Ganitong ganito kasi siya kapag meron. Kaya laging may dala si Kerara na gamot. Ayoko naman uminom dahil ngayon lang naman to nangyari. Nandito kami ngayon sa Auditorium, nasa may unang hilera ng upuan. Habang yung iba nasa stage nagpa-practice ng step nila. Wala pa naman yung Prof namin. "Hey.. Are you okay?" Nagsalubong agad ang kilay ko. "Ginagawa mo dito?" Inis na tanong ko kay Rain. "Makiki sit in. Masama? Kung may problema ka sa Prof mo sabihin." Inirapan pa ako. Pasalamat siya wala akong lakas sabayan siya. Ang hirap kasing di pasukan tong PE lalo at on going ang practice namin ng sayaw. Rigodon pa man din ang napunta samin. "Wifey.." Dumating na sa wakas ang girlfriend ko. Kagaya nung first sem, classmate ko ulit siya sa PE II
GRABE.. ang bilis lang ng panahon. Hindi ko man lang namalayang nasa 2nd-year college na kami ni Avry at ng mga kaibigan ko. Ang daming nangyari na hindi nyu talaga mai-imagine. Isa na doon ang pagiging official mag girlfriend ni Allie at Rain. So hilarious to think na sila pala ang end game. Sinong makapag-sasabi hindi ba? But I'm happy for them. Naging kaibigan na nga din namin sila. "Smiling alone again, Bestie." Binalingan ko lang siya ng mas malawak na ngiti. Why not? Sobrang saya ko lang talaga kasi everything's completely, smoothly doing fine. "Lubos-lubusin mo na yan, Ice baka hindi ka na maka ngiti the following days." Naupo si Kera sa tabi ko at si Rafa sa harap ko. Andito kami ngayon sa natatorium, nanunuod kay Avry sa training niya. "Can you get to the point, Kerara? What are you blabbing about?" Bigla tuloy nag shift yung good mood ko. Malapit na kasi 1st Anniversary namin ni Avry at pinagha-handaan ko yun tapos sisirain nila ang araw ko. "It's Xander, Bestie." Nan
DUMAAN ang ilang araw na hindi ko pa din nakakausap si Xander. Dahil doon hindi rin nawawala ang pangamba ko na baka isang araw bigla na lang makipag hiwalay sa akin si Avry. Sa kabila ng lahat mas minabuti kong paglaanan ng pansin ang nalalapit na anniversary namin ni Avry. Free cut namin lahat na sinamantala naman ng mga coaches sa iba't ibang sports/varsity para itrain ang mga manlalaro nila. Sinamantala ko ang pagkakataon, tinipon ko ang mga kaibigan ko habang abala si Avry sa preparation para sa swimming tournament niya. "So, guys anu nga?" Pinasadahan ko silang lahat ng tingin. Naka Indian sit kami dito sa quadrangle. Good thing malilim, may sakit ata si haring araw. "Stop gawking at her, Baby!" Banta ni Allie kay Rain. Napatingin tuloy kaming lahat sa direksyun nila. "Allie.. Baby.. I'm not. You are so paranoid. How many times should I tell you that I'd moved on? Hindi ko nga alam kung anong nakita ko diyan kay Ice. Ni ayaw magpahalik noon." Mahaba habang paliwanag nito s
WALANG humpay ang pag agos ng luha ko habang hinahagilap ng buong pagkatao ko si Avry. Wala akong pakialam sa mga taong nakakakita sa kahinaan ko. Ilang beses ko na siyang tinatawagan pero hindi pa din siya sumasagot. Hindi ko na alam ang gagawin at iisipin. Parang nauupos na kandila ang pakiramdam ko. Pagod na ang katawan ko dahil halos malibot ko ang kabuuan nitong University ay hindi ko pa din nakikita si Avry. Wala sa sariling napaupo ako kung saan man ako nakatayo. Dumukdok ang mukha ko sa mga kamay na nasa magkadikit na tuhod ko. Humagulgol akong hindi alintana ang mga student na magdaan. "Bestie!" "Ice!" Rinig ko ang patakbong lapit nila. Mas lalo lang akong naiyak ng yakapin nila akong dalawa. "Pull yourself together, Bestie." Inakay ako patayo ni Rafa. Hindi tumigil ang paghikbi ko. "Ano bang nangyari? Tara.." Alo ni Kera. Marahan akong sumusunod sa di ko malaman kung saan nila ko balak dalhin. Nasa magkabilang braso ko lang ang dalawa. Lutang pa din ang isip ko at t
"Bakit ka pa pumasok? Ang init mo, Bestie." Kinapa nito noo ko. Pagdating ko pa lang. "Mukha ko pa lang.. halata na ba talaga?" Naitanong ko tuloy. Kagabi pa ako nilalagnat gawa ng pagka-babad ko sa ulan pero hindi ko ramdam ang pananakit ng katawan ko bagkus nanunuot ang sakit sa puso ko. Gusto ko na lang mawala yung sakit pansamantala para magawa ko ang dapat gawin. Meron pa akong tungkulin. Iyon ang pagiging mabuting anak at mangyayari lang yun kung hindi ako magpapabaya sa pag-aaral ko. Kaya.. Kaya naman heto pinilit kong pumasok. Kakayanin kong pagsabayin ang lahat habang dumadaing ang kalooban ko. "Bakit ka naman nilagnat? Isang araw pa lang kayong hindi okay." Si Kera na expert sa mga ganitong bagay. "Nakita nyu ba si Avry?" Blangko ang mukhang tanong ko. Imbis sagutin sila. "Pwede bang sarili mo muna? Huh? Uminom ka na ba ng gamot? Kumain ka ba bago umalis sa inyo?" Pangangaral at usisa sakin ni Kera. Hindi ko siya sinagot. Nilabas ko ang phone ko para tignan kung may
"You know the exact feeling now when you really fall in love.. huh.." Napatingin ako kay Kera. We are here at the Cafeteria, having our lunch but I'm just hilariously playing with my food. "It's different, Kera. Avry didn't cheat. I'm the one at fault." Tumikhim muna to bago muling nagsalita. "Does not what I mean." Sagot niya."What do you mean then?" Bwelta ko. Nasa plate pa din ang tingin ko. Para akong moving creature without a soul. Zombie perhaps..."It's really hard to just let go whatever the reason was when you are deeply in love with that person."Nakuha ko ang point niya. Sa lahat ng past relationship ko nagloko man sila or hindi, after break up at isang bagsakang iyak ay ang bilis kong maka-move forward. Ang tapang ko pagdating sa bagay na yun. But now with Avry....Mapapakanta na lang siguro ako ng Ere sa sobrang sakit.. Nakakaputang ina! Not because she abandoned me but the feeling was like... Ayokong mabuhay sa isang mundong walang kami. I did everything para map
"You know what.. It's time for you to have a new one." Sabay lapag ng hawak niyang Smirnoff sa table. After ng klase dumiretso kami dito sa hideout. Sinama na namin si Rain at Allie, tutal hindi na sila iba sa amin. Pero syempre damay na sila sa monthly rent. Mabuti na lang dahil ekis na si Xander samin. Malaki ang bayarin kung ako, si Rafa at Kera lang maghahati-hati. Hindi naman dapat damay si Rafa at Kera sa galit ko kay Xander o sa kasalanan nito sakin kaya lang sabi ng dalawa, malaki daw pinagbago ni Xander. Ang gago na daw talaga. Parang ibang tao. Malayo sa Xander na nakilala namin. Sinubukan nilang intindihin si Xander dahil nga broken-hearted pero pinagtatabuyan daw talaga sila nito. Palagay ko ayaw ni Xander magkaroon ng kahit anong magpapa alala sa kanya sa akin. "You know me, Bestie. I don't just jump into a relationship after one." Sagot ko sa kanya sabay tungga sa alak na hawak ko. Si Kera at ang mag jowa busy sa paglalaro ng billiards. Ilan sandali, lumapit ang m