[MBI-SIX]
LYKA'S POVDAYS gone by unnoticeable. Heto ako ngayon sa loob ng bahay. Kinakabahan ako kasi makikita ko na 'yong mapapangasawa ko. Ang sabi kasi ni Tita Helen, susunduin ako ni Kyran tapos sa ibang kotse daw sila sasakay. "Be your self anak," sabi sa akin ni Mommy. Mommy na kasi dapat ang itawag ko kay Tita Helen kasi nga si Kyla na ako 'di ba? Ngumiti lang ako. "Sis, dapat 'di ka kunwari ma-atract sa kanya, kunwari deadma ka sa kagwapuhan niya," tawang-tawang bulong sa akin ni Kyla pagkatapos ay umalis na sa harap ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Ma'am nandito na po si Sir Kyran," bungad sa amin ng katulong. Agad kong pinakalma ang sarili ko at umayos ng upo. Dumating naman bigla iyong isang lalaki na parang Butler niya kasunod ay... pesti! Ang guwapo! Isa nga siyang Adones. Halos pigilin ko ang paghinga ko."Hello Mrs. Willson," bati nito. Pati boses parang vocalist ng isang banda. "You should start calling me Mommy," nakangiting wika ni Mommy Helen. "Of course! Hello Kyla nice meeting you, finally," baling niya sa akin. Nakangiti siya pero parang pilit na pilit. Ngumiti na lang ako ng sobrang lapad kahit na nanginginig na ang mga tuhod ko at sobrang pawis na din ng mga kamay ko. "Nice to meet you too Kyran," bati ko. "So shall we?" yaya niya. Tumango lang ako at ngumiti pagkatapos ay inabot niya ang kamay ko at inalalayan ako palabas ng bahay. Para akong napaso sa pagdantay ng kamay niya sa akin. Ngayon ko lang din na-experience iyong ganitong pakiramdam. Tagaktak pawis ko men! Sumakay kaming dalawa sa Limousine at magkaharap kami ngayon. Habang nasa biyahe kami'y ang lagkit ng titig niya na ani mo'y parang kakatayin niya ako. Hindi ako nagpatalo sa kaba ko at sinalubong siya ng tingin. Parang nag-uusap kami nang mata sa mata. Ang maamo niyang mukha kanina ay napalitan ng isang mabangis na Lion. Mukhang nagpapanggap lang siyang masaya sa paningin ng iba. Napagawi ang tingin ko sa gilid niya, ang bintana. "Stop the car," madiin kong sabi. Takang-taka naman siyang napatitig sa akin pero pinahinto niya ang sasakyan. "Wait a second," sabi ko. Maarte akong lumabas ng Limousine at tumawid sa kabilang kalasada. "Mike!" tawag ko pa."Ate!" tuwang-tuwa niyang sabi nang makita ako. Niyakap naman niya ako bigla at 'di ko alintana ang pagkadungis niya. "Anong ginagawa mo dito sa kalye ha?" nag-aalala kong tanong. "Lumipat na kasi kami ni nanay ate simula nang umalis ka." Napabuntong-hininga ako at kumuha ng sampung libo sa pitaka ko. "Umuwi ka na, ito number ko, nagbago na kasi ako ng phone. Tawagan mo ko kapag may kailangan ka pero 'wag mo ipaalam kay nanay na nagkita tayo." Tumango naman siya sa bilin ko. "Ba-bye ate," paalam niya at hinalikan ako sa pisngi pagkatapos ay tumakbo na siya palayo sa akin. Bigla namang may namalimos sa akin at ang dami nila. "Oh ayan isang libo paghatian niyo yan ah!" "Opo ate!" Ngumiti lang ako at tumawid na at bumalik sa pagpasok sa sasakyan. Kitang-kita ko sa mukha niya ang sobrang pagtataka. Nagkibit-balikat lang ako at sa labas ibinaling ang tingin ko. KYRAN'S POV I looked at her puzzledly. Habang pinagmamasdan ko siya kanina ay para bang balewala lang sa kanya na makisalimuha sa mga batang kalye. Pansin ko ring matulungin siya at mahilig sa mga bata. Mukhang kumuha talaga si Mama ng babaeng papasa sa standard ko. Well, hindi ko pa naman nababasa ang information tungkol sa kanya, maybe later. UMUNA akong lumabas at hinawakan ang kamay niya. I've noticed that her hand was so sweat, I think she's too nervous. When I hold her hand so tight, she didn't react and gave the visitors a wide smile. I pretend to smile too. Naglakad kami papuntang gitna at naupo sa mesa. I act as gentleman as I could be. The party started and I'm getting bored. "Let's call the couple for our first dance," the emcee announced. I stood up and held her hand. Pumwesto kami sa gitna and we started to dance slowly hanggang sa nagsayaw na din iyong iba. AFTER an hour, the party was over and all of them greeted us, congratulated us for our wedding. But my fiancee are just smiling and not even talking, even me, she's not talking to me. I find her so weird and interesting. Matapos ang party, we decided to go home early. Wala rin kaming imikan sa loob ng sasakyan. Nang makarating kami sa bahay nila ay naging gentleman pa rin ako at pinagbuksan siya ng pinto ng sasakyan. "Nice meeting you again Kyran, see you in the wedding," she said and gave me a peek kiss on my left cheek. Napakunot noo na lang ako. See you in the wedding too?[MBI-SEVEN]LYKA'S POV PATAKBO akong pumasok sa loob ng bahay nang mapansin kong nakaalis na si Kyran. Pakshet! Parang sinaniban ako kanina kaya 'di na ako nakapagpigil na halikan siya. Buti at naging maayos 'yong engagement. Sobrang kaba at tense 'yong feeling ko kanina kaya ni katiting na salita ay wala akong masabi. "Bakit ba!" angal ko. Bigla kasi akong binatukan ng aking pinsan."Kanina ka pa tulala 'te! Anong nangyari?" Ngumiti ako ng sobrang lapad. "Naka-score ako!" impit na tili ko. "Hala siya! Mukhang nagugustuhan mo na maging ako ah," aniya habang kumakain ng chicharon. "Hindi rin, ang sungit niya kaya, ewan ko ba do'n," sagot ko. Halata naman kasing nagpapanggap lang siya kanina. Pumasok na ako sa kuwarto ko at nagbihis. "Handa ka na sa wedding?" tanong niya sa akin bigla. "Kinakabahan ako Kyla," walang gatol kong sabi. Paano kapag nabuko ako, e 'di patay ako, 'di lang ako, pati na ang pamilya ng pinsan ko. "Natural 'yan 'te! Lalo na pagdating sa honeymoon!" Nan
[MBI-EIGHT]LYKA'S POVNANG makarating kami sa reception ay wala pa rin kaming imikan. Sabi ko na sa inyo eh, halimaw nga siya. Tinatamad na rin ako pero pinipilit ko lang umaktong masaya. Nagsayaw din kami pero sandali lang hanggang sa matapos na 'yong programme. I bid my goodbyes to Tita Helen and Tito Steffan. Sa sulok naman ng event hall ay nakita ko si Kyla. She mouthed me a word saying 'thank you and good luck'. Nginitian ko lamang siya ngunit ang totoo'y gusto ko nang sumigaw at mag-hysterical. Sumakay kami sa Limousine at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Ito na ba 'yong Honeymoon? Oh my! 'Wag naman sana! AFTER an hour ay nakarating kami sa Davao airport. Inalalayan niya pa akong makalabas ng sasakyan at inakay papunta sa eroplanong nasa harapan namin. I think it was his private plane! Sa loob ng eroplano ay wala pa din kaming imikan. Ayaw ko din naman kasing magsimula ng conversation dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ang gusto ko lang ngay
[MBI-NINE]KYRAN'S POV PAAKYAT na sana ako sa kuwarto ni Ashley nang makasalubong ko ang mga katulong niya. "Why are you here? You're supposed to be in Ashley's room," taka kong tanong. "Iyong asawa niyo po kasi Master Kyran, nagpresinta po na siya na ang magpapatulog sa anak niyo," paliwanag no'ng isa. Agad akong umakyat sa kuwarto at binuksan 'yong pinto. Sinilip ko siya sa loob. She's holding my daughter while humming and that thing works. Ashley is sleeping in her shoulder. I was amazed, dati ay halos isang oras pa siyang isinasayaw at kinakantahan para makatulog lang but this woman is different. She's doing it so easily. Well, I guess Mom did very well. Hinayaan ko na lang siya at pumasok na sa kuwarto namin. Yeah? We're going to sleep in one bed even if I don't like the idea.I should pretend that we are happilly married to each other para walang masabi ang mga tauhan ko dito sa bahay. After I fix myself ay nahiga na ako and close my eyes but I am not going to sleep yet, I
[MBI-TEN]LYKA'S POV Oy! Narinig ko 'yon! Malakas akong napatawa. Bahala siya sa buhay niya. Talagang sinadya kong asarin siya kanina. Totoo naman kasing hindi ako mahilig sa gatas kaya kape palagi iniinom ko. Eh ayaw akong bigyan ng kape kaya hinaluan ko na lang 'yong gatas ko. Naglakad na ako pabalik sa kuwarto ko habang iniinom 'yong kape ko nang biglang dumating 'yong Butler ni Kyran. "Lady Kyla?" tawag niya sa akin. "Cut the Lady, ma'am na lang Jeffrey, puwede ba?" sabi ko. Tumango naman siya. "Inutusan ako—" Sinenyasan ko siyang tumigil kaya napahinto naman siya. "Narinig ko siya kaya 'di mo na kailangang ulitin," sabi ko. "Pagpasensiyahan niyo na po siya ma'am Kyla." Umiling ako. "Ano ba ang mga ayaw niya?" curious ko namang tanong. Tinitigan naman niya ako ng mabuti. "Ayaw niya po 'yong ganyang pananamit, it should be proper and a lady like you should stop drinking coffee, it should be a milk," paliwanag niya. Ganoon? Ugh! Lyka baka nakakalimutan mong si
[MBI-ELEVEN]KYRAN'S POV I WAS sitting on my swivel chair and busy checking my emails on my laptop when my Butler Jeffrey speak. "Kumusta po ang pamamasyal ninyo Master Kyran?" Napatigil ako sa pagtipa ng keyboard at napabuntong-hininga. "At first maganda pero mukhang mali yata na sumaglit ako sa tindahan ni Donna," sagot ko. "May masama bang nangyari?" Umiling ako. Napatayo ako at napasandal sa bintana. "Donna can't still get over with me and Kyla noticed that Donna still likes me," I said. "Mukhang observant din po ang bago niyong asawa Master Kyran." Tumango lang ako sa sinabi niya. Lumabas na ako ng opisina ko at umakyat sa kuwarto namin. Pagbukas ko ng pinto'y naabutan ko siyang nakikipaglaro sa anak ko. She's a perfect mother figure for my daughter. Did she? Lumapit ako at umupo sa kama. Lumapit naman sa akin ang anak ko. "How's my baby girl?" I said. Ashley just smiled at me. "Ma—ma..." Ashley suddenly utter. So my daughter have her new favorite. Kinuha
[MBI-TWELVE]KYRAN'S POV "KUMUSTA po si ma'am Kyla, Master Kyran?" Salubong nilang lahat sa akin. "She's fine," matipid kong sagot. "Did Donna gave me something?" tanong ko. "Ay opo," sagot no'ng isa kong katulong. "Then throw it or maybe eat it," utos ko at tuluyan nang pumasok sa opisina ko. "Master Kyran we have a problem," bungad sa akin bigla ng Butler ko. "Spill it," sagot ko at umupo sa sofa. "Alam na ni Hailey na nagpakasal kayo ulit." "So what if she'll know? Besides, I am already married again, so she can't do anything," I said. "What if she'll do stupid things para magkasira kayo ng asawa niyo, gaya na lang noong dati." Nasapo ko ang batok ko sa sinabi niya. Jeffrey is right. "Then you'll keep on eye on her and do everything to take care of my wife, specially my daughter," utos ko. Yumuko naman siya at lumabas na ng opisina ko. Lagi na lang talaga siyang sakit sa ulo ko. Kaya nga ayaw na ayaw kong ipaalam sa media ang pag-aasawa ko ulit dahil talagang
[MBI-THIRTEEN]HAILEY'S POVPINAHIRAN ko agad ang mga luha ko sa pisngi. Buwesit! Mautak ka talaga Kyran! Pinaghahampas ko 'yong manibela. Bakit 'di ko man lang nalaman agad, eh 'di sana'y napigilan ko 'yong kasal. Dapat ako 'yon eh! "Ugh!" Iyak ako nang iyak sa loob ng sasakyan ko. Mahal na mahal ko siya pero bakit ba ayaw ng tadhana na maging kami. Ilang taon akong naghintay sa kanya noon pero inagaw lang siya ng pesti kong pinsang si Emily! Gumawa pa ako ng paraan para mapaghiwalay sila. Siniraan ko si Kyran sa pinsan ko kaya dinibdib 'yon ni Emily. Hindi ko din naman sinasadyang mamatay siya sa panganganak kay Ashley. Aksidente 'yon pero aminado ako na nawalan ako ng malaking tinik sa buhay ko. Ilang buwan din akong naghintay ulit pero mababalewala lang iyon ulit dahil sa babaeng 'yon. No way! Hindi ko na papayagang mangyari 'yon. Sawang-sawa na akong maghintay! Sawang-sawa na akong masaktan! Kung kinakailangang kumapit ako sa patalim ay gagawin ko, mawala lang sa landas ko an
[MBI-FOURTEEN]LYKA'S POV NAKASUNOD lang ako sa likuran ni Kyran. Grabe! Sobrang kinabahan ako ng todo kanina. Ang akala ko'y madadatnan ako ng Mama niya sa ganoong ayos, malamang bad shot ako kapag nagkataon. Ang Kyla na kilala niya kasi ay isang sopistikado at mapili sa mga damit at glamuroso. Hello? Lyka Willson kaya ako, malamang kabaligtaran ako ng pinsan ko. Lalo na 'yong mga gusto ko at ayaw niya. Sumalubong kaagad si Mommy Vina sa amin paglabas. "Hi love birds," masaya niyang bati. Lumapit ako agad pero with poise na naglakad kahit masakit 'yong paa ko dahil sa taas ng heels ko. "Hello Mommy Vina. How's your trip?" nakangiti kong salubong sa kanya. Buti na lang may baon akong english dahil kung hindi ay talagang patay ako. "So good Kyla," nakangiti niyang sagot. I was flush for a moment. "Well, me and my wife can see that Mom," wika ni Kyran sabay yapos sa baywang ko. Langya! Nagmukha akong timang dahil sa gulat. Pinilit kong maging kalmado kahit na naiilang ak