-=Gabby's Point of View=-
Bigla akong naalimpungatan nang magising ako kinabukasan sa pagsigaw ni Jayden, isa pa naman sa mga ayaw ko ay iyong naiistorbo ang tulog ko kaya naman iritable ako ng akyatin ito sa second floor.
"Ano na naman?!" mataray kong tanong dito ngunit biglang nawala ang antok ko nang makita kong pawisan ito at parang may dinaramdam. "Ok ka lang ba?" bigla ang pagsalakay ng pag-aalala sa akin sa nakikita kong paghihirap nito.
"No I'm not ok! I need to go to the bathroom." ang naiinis nitong sinabi at saka ko lang nagets kung anong kailangan nitong gawin kaya naman nilagay ko sa malapit nito ang susi na kaya nitong abutin at para masiguradong hindi ito makakalabas ay nilock ko na din ang pinto nito.
Hinayaan ko itong gugulin ang oras nito sa banyo at ako naman ay nagdecide nang maghanda ng almusal para sa amin ngunit bigla akong natigilan ng makita kong umiilaw ang phone ko which means may message, dali dali ko iyong kinuha at sakto naman na si Ate Mel na ang nagtext kaya dali dali kong dinial ang number nito at ilang sandali lang ay finally ay narinig ko na ding nagring ang phone nito, ilang sandali lang ay narinig ko na din ang boses nito and the relief that I felt is too much for me.
"What the hell Ate Mel! Nasaan ka na ba? Hindi mo ba alam na sobra mo akong pinag-alala!" sunod sunod kong sinabi dito at imbes na mabothered ay nagawa pa ako nitong tawanan na para bang wala itong problema.
"Miss you too little sis, nandito ako sa Laguna, sorry kung napag-alala kita." ang sinabi nito.
"I'm just glad na ok ka, at tungkol naman........" ngunit bigla iyong naputol ng may marinig akong boses ng lalaki sa kabilang line.
"Sandali lang Aidan kausap ko si Gabby." ang narinig kong sinabi nito hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pangalan na sinabi nito.
"Sino yang kasama mo?" kinakabahan kong tanong dito.
"Si Aidan iyong boyfriend ko, akala ko talaga niloko niya ako pero hindi naman pala kasama ko siya ngayon sa bahay." dinig na dinig ko ang saya sa boses nito na kabaliktaran naman sa nararamdaman ko ng mga oras na iyon.
"Akala ko Jayden ang pangalan ng boyfriend mo?" nananantiya kong tanong dito.
"Jayden? Of course not Aidan Andrada ang pangalan ng boyfriend ko." ang sagot nito at parang pinagsakluban ng langit at lupa ang pakiramdam ko ng mga oras na iyon.
Nakumpirma ang hinala ko, maling tao nga ang nakidnap ko, hindi na din ito nagtagal at nagpaalam na din itong ibaba na ang tawag ko.
Pakiramdam ko biglang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko sa nalaman ko, isang malaking pagkakamali ang nagawa ko at ang masama sa isang makapangyarihan tao.
Iniisip ko pa lang kung ano bang dapat kong gawin ng marinig ko ang pagtawag nito sa akin na ibig sabihin ay tapos na ito sa business niya.
Nag-isip na akong magmakaawa dito ngunit habang papalapit ay parang mas lalong dinadaga ang dibdib ko kaya naman isang desisyon ang nabuo ko, duwag na kung duwag pero hindi ko talaga kaya itong pakiharapan kaya nang matapos ang sulat ko ay dali dali akong lumabas at hinayaan ko na lang ang kotse nito doon para magamit nito samantalang ako ay nagtrike na lang papuntang bayan kung saan naman ako sasakay ng bus papuntang pa Manila.
"I'm really sorry Jayden for my stupidity." ang namutawi sa mga labi ko habang umaandar ang bus, umaasa na lang ako na huwag na kaming magkita ng taong iyon at sana ay kalimutan na lang niya ang nangyari.
-=Jayden's POV=-
"What's taking her so long?" sa loob loob ko kasi bigla akong nakaisip ng plano paano matatakasan ang captor ko at iyon ang gamitin ang element of surprise, ngayong wala na akong posas ay maari ko nang magamit ang lakas ko, kanina pa nga ako naghihintay na buksan nito ang pinto para naman mahawakan ko siya ngunit hanggang ngayon ay hindi pa din ito umaakyat.
I tried to turn the knob of the door and to my delight ay nalaman kong naiwan pala nitong bukas ang pinto kaya naman isang confident na ngiti ang nasa mga labi ko dahil sigurado akong magugulat ito kapag nakita ako nitong nakakalakad ng malaya sa bahay ngunit sa pagtataka ko ay hindi ko makita is Andrea or whatever her name is pero malakas ang kutob kong hindi Andrea ang pangalan nito.
"Where could she be?" sa loob loob ko dahil ni anino nito ay hindi ko makita malabo namang bigla na lang itong mawawala ng ganoon ganoon na lang, nalibot ko na ang buong paligid ngunit hindi ko pa din ito makita, I was about to go back to my room ng isang puting papel ang nakita ko sa isang mesa sa labas.
"Jayden" ang nakasulat sa naturang papel kaya naman agad ko iyong dinampot at binasa ang laman non at hindi ako makapaniwala sa nabasa ko.
Ayon kasi sa sulat nito ay nakausap na nito ang Ate nito at nagkamali lang daw ito, isang honest mistake na labis niyang hihingi ng tawad.
"An honest mistake eh........ a mistake that cause me a multi million dollards worth of account dahil sa pagkakamaling iyon." I muttered through my teeth, marahas kong nilamukos ang papel na iyon, hindi ako basta basta nagpapatawad, I'm a businessman after all and I will make sure that Andrea or whatever her name is will pay, big time.
Agad akong lumabas ng bahay at sumakay nang kotse ko, mabuti naman at may decency siyang iwanan ang kotse ko lalo na't masyado nang maraming atraso ang dinulot sa akin ng pagkakamali nito.
Agad kong kinapa ang cellphone ko na nasa loob ng comparment ng kotse ko at kitang kita ko ang number of missed calls mula sa mga tauhan ko.
"Hello Amy, can you try to contact the secretary of Mr. Amed and try to reschedule my appointment with his boss." utos ko dito at ilang sandali nga lang ay bumalik na ito sa kabilang linya.
"I'm sorry Mr. Andrada ngunit ayaw na kayong kausapin ni Mr. Amed, sinayang niyo lang daw ang oras niya." ang sagot ko nito, bigla ko tuloy naisabunot ang kamay ko sa buhok ko sa frustration na nararamdaman ko dahil alam ko namang malabong mangyari ang gusto ko, gusto ko lang subukan pero malakas naman ang hinala kong hindi na papayag na makipagkita pa sa akin ang businessman na iyon, nag-iwan lang ako ng ilang mga instructions dito at agad ko ding tinapos ang tawag na iyon, sunod kong tinawagan ay si Arman.
"Arman, I want you to investigate a woman named Andrea Crisostomo, or tried to investigate someone named Melchora Crisostomo." ang sinabi ko dito, naisipan kong ipaimbestiga ang pangalan ng ate nito dahil malakas ang hinala kong hindi Andrea ang pangalan ng babaeng iyon.
"Lintik lang ang walang ganti." seryoso kong bulong habang abala ako sa pagdadrive kung iniisip niya kasing matatapos lang sa pagsosorry ang nagawa niya sa akin ay nagkakamali siya, I will make sure that she will really pay.
-=Gabby's Point of View=-"Hoy Gabby! Ok ka lang ba?" nagulat na lang ako ng bigla akong kalabitin ng matalik kong kaibigan na si Regina na katrabaho ko din sa bangkong pinagtatrabahuan ko."Ano ka ba naman Reg? Huwag ka kayang manggulat!" asar kong sinabi dito."Kasi naman ikaw itong nag-aya sa akin tapos tutungangaan mo lang pala ako." ang naiiling nitong sinabi sa akin, at matapos non ay ininom na nito ang Mocha Frap na inorder nito.Nasa Starbucks kasi kami ngayon sa SM San Lazaro, next monday pa kasi ang pasok ko since ang nirequest kong leave ay hanggang Sabado kaya naman imbes na magmukmok ay naisipan kong ayain ito."Kamusta na kaya siya?" bulong ko sa sarili ko ngunit sa gulat ko ay bigla na lang itong nagsalita."Kamusta sino?" nagulat na lang ako na narinig nito ang nasa isip ko, kaya naman agad akong napatingin dito, naisip ko tuloy na baka may kamag-anak nito si Professor X ng X-men."Iyong totoo Regina, mind reader ka ba?" naguguluhan kong tanong dito dahil paano naman m
-=Jayden's Point of View=-Jayden Andrada never forgets! Hinding hindi ko makakalimutan ang ginawang pang-iisa sa akin ng babaeng iyon, anong akala niya basta ko na pa lang papalagpasin ang ginawa nito, I lost a multi million dollar account because of her stupidity!Kaya naman pagkarating na pagkarating ko pa lang sa opisina ay agad kong hinarap si Arman na siyang nautusan ko para mag-imbestiga kay Andrea Crisostomo ngunit saka ko lang nalaman na hindi naman pala iyon ang tunay na pangalan ng babaeng iyon kung hindi Gabrielle Crisostomo kapatid ng isang modelo na si Melchora Crisostomo, tahimik ako habang pinagmamasdan ang mga larawan na binigay sa akin ni Arman.Trust Arman to provide results in a short period of time kaya naman dinagdagan ko pa ang binayad ko dito."Amy, I don't want to be disturb." ang sinabi ko sa secretary ng pindutin ko ang intercom sa loob ng opisina ko.Agad kong dinampot ang larawan ni Gabrielle Crisostomo, ibang iba ang itsura nito kumpara nang gabing una k
-=Gabby's Point of View=-"Please, let me go." pagmamakaawa ko dito habang nakatingin sa nakakatakot nitong mukha.Oo nga guwapo pa din ito, pero sa pinakikita nitong reaksyon ngayon ay mas lalong nanunuot ang takot sa dibdib ko.Hindi ko alam kung paanong nangyari pero nakatali ako ngayon sa higaan katulad nang mga nasa ospital, habang walang suot.Mas lalo akong natakot nang makita ko ang nakakapangilabot na ngiti na gumuhit sa mga labi nito.Who would have thought that a gorgeus face can turned into a monster, I know I deserved his revenge after what I did to him, but this is going to far."Anong gagawin mo diyan." biglang nagtayuan ang lahat ng balahibo sa buong katawan ko nang makita ko ang hawak nito."Tingin mo para saan ba ang gamit ng kutsilyo?" he said dangerously, pilit akong pumipiglas sa pagkakatali ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ako makawala."Huwag!" sigaw ko nang nakita kong iumang na nito ang kutsilyo sa akin.Agad akong napabangon, at agad napahawak sa dibdib k
-=Gabby's Point of View=-I opened my eyes and what I saw confuses me, lalo na't hindi pamilyar sa akin ang kisameng bumungad sa akin, I tried to stand up, ngunit agad din akong napaupo ng maramdaman ko ang bahagyang pananakit ng ulo ko, dahan-dahan ay pinilit kong alalahanin ang nangyari, at agad naman nanglaki ang mga mata ko ng maalala ko ang mga nangyari.Sakay ako ng van patungo sa hotel kung saan ako may reservation, dalawa lang kaming nakasakay sa van na iyon, ako at ang driver nang makaramdam ako ng uhaw kaya naman nagdecide akong bumili ng tubig, at pagkainom ko non ay ilang sandali lang ay nakaramdam agad ako ng pagkahilo hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay."Nakidnap ako ng Abu Sayyaf!" sa loob loob ko, habang paikot ikot na naglalakad sa loob ng kuwartong iyon, kahit nagpapanic ay hindi ko maiwasang hindi mapansin ang disenyo ng kuwartong iyon, halos doble ng sukat ng kuwartong ito ang bahay na tinitirhan namin ni Mel, may kulay iyong lush green, na masarap sa pa
-=Jayden's Point of View=-Hindi ko maiwasang hindi mangiti nang marinig ko ang sinabi nito, never pa akong nagbitaw ng isang salita na hindi nagkakatotoo, and I will make sure that Gabrielle Crisostomo will be mine.Hindi ko alam kung anong meron ang babaeng iyon, but eversince I laid my eyes on her ay hindi na siya nawala sa isip ko, just thinking about her bring so much lust in me na ngayon lang nangyari, I can already feel my friend reacting just by thinking about Gabby."Shit!' sa loob loob ko nang makabalik na ako bahay, minabuti kong dumiretso sa kuwarto para makapaligo, alam ko naman kasing hindi ko agad makukuha si Gabby, pero katulad nang sinabi ko ay hindi ko ito titigilan hanggang sumang-ayon ito, I want her to wanton as much as she can, which brought so much excitement inside me.Agad akong nagtanggal ng lahat ng suot ko at agad akong dumiretso sa banyo kung saan dumadaloy ang malakas na buhos ng tubig sa shower, bahagyang nabawasan ang nag-iinit kong pakiramdam habang na
-=Gabby's Point of View=-"Argghh!" galit na galit ako sa lalaking iyon, sa galit ko ay napagdiskitahan ko tuloy ang unan na nasa kama ko, sunod sunod ko iyong sinuntok hanggang makaramdam ako ng pagkahapo.Nanghihina naman akong napahiga, I thought I can put some sense in him pero sa nangyayayari ay mukhang wala nang makakapagbago sa isip nito.Hindi pa din ako makapaniwala na binili nito ng ganoon ganoon lang ang bangkong pinagtatrabahuan ko, pero hindi na dapat siguro ako magtaka lalo na't isang siyang bilyonaryo.Isa pa pala sa mga problemang kailangan kong harapin, since si Jayden na ang may-ari ng pinagtatrabahuan ko ay kailangan ko nang maghanap ng bagong trabaho, pero sa ngayon mas kailangan kong magfocus kung paano matatakasan ang hinayupak na lalaking iyon.Hindi ko talaga alam kung ano bang nakita sa akin ng taong iyon para isipin na papayag akong makipag do sa kanya, pero aminin ko man o hindi ay nakakaramdaman ako ng pag-iinit ng katawan kapag naalala ko ang nakita ko sa
-=Gabby's Point of View=-"Hays." ang naibulalas ko habang nakatingin sa malawak na dagat, dapithapon non, isang linggo na ang nakakalipas simula nang kidnappin ako ni Jayden, pero hanggang ngayon wala akong mahanap na paraan para matakasan ito, sinubukan kong hanapin kung saan nito tinago ang cellphone ko, pero hindi din iyon makita, may hinala akong wala iyon sa islang ito.Magmula nang mahuli ako ni Jayden na sinubukan gamitin ang cellphone niya, ay nagbago bigla ang ugali nito, naging malamig ang pakikitungo nito sa akin na tila ba pilit nilalayo ang sarili niya sa akin, alam kong dapat akong matuwa lalo na't nalilito pa din ako sa nararamdaman ko dito, pero aminin ko man o hindi ay nasasaktan din ako, hindi ko alam pero namimiss ko ang mga panunukso niya sa akin na hindi tama.Isang malalim na paghinga ang ginawa ko habang patuloy na nakatingin sa kawalan, ngunit agad natuon ang atensyon ko nang mapansin ako sa malayo, bigla akong nabuhayan ng loob ng unti-unting lumalapit ang ba
-=Jayden's Point of View=-Hindi ako makapaniwala habang nakatingin sa determinadong ekspresyon sa mukha nito, hindi ko kasi akalain na dahil sa ginawa ko ay papayag na itong ibigay ang sarili.I should be happy right? Pero bakit ganoon parang malayong malayo ang nararamdaman ko sa emosyong iyon, dahil ang totoo ay kinakain ng guilt ang dibdib ko at isang emosyon na hindi ko akalain na mararamdaman ko sa pagsasakatuparan ko ng plano ko at iyon ay lungkot, lungkot dahil hindi sa ganitong paraan ko gustong makuha ang babaeng nagpagulo sa isip ko.Gusto kong humingi ng tawad sa ginawa ko, ngunit imbes na gawin ko iyon ay isang marahan ang naitugon ko dito.Alam kong mali ang ginawa ko dito lalo na't labis na takot ang dinulot non kay Gabby, pero hindi ko alam kung paano ko iyon sisimulan."Just give me a day para maghanda." narinig kong sinabi dito, sandali kasing nawala sa isip ko na kaharap ko ito ngayon.Sumang-ayon na lang ako sa gusto nito, hindi na din naman ito nagtagal at agad na