“ANDY. . .pasensya ka na kung nasira ko ang relasyon ninyo ni Alexa,” mangiyak ngiyak na sabi ni Catherine kay Andy. Alam niya kung gaano nito kamahal si Alexa at malamang ay siya ang sinisisi ngayon nito. Siya ang sumira sa relasyon ng dalawa. Kaya siguro ngayon lang ito nagpakita sa kanya. Marahil ay dinamdam ng labis ang break up with Alexa. “Pero pwede mo naman siyang balikan. Explain mo na tuloy na iyong pagpa-file natin ng annulment. Malaya na kayong magsama pagkatapos nito,” patuloy na sabi niya. Hindi umiimik si Andy. “Kung gusto mo kakausapin ko sya. Ayokong masira ang relastionship nyo. . .” “Pwede ba Cathy, pakinggan mo muna ako?” Waring naiiritang sabi nito sa kanya, natahimik siya. “Actually, ako ang nag-initiate ng break up,” panimula nito, mas lalo siyang nagulat. Alam niya kung gaano nito kamahal si Alexa kaya bakit ito makikipaghiwalay ditto? “Pero bakit?” “Narealize ko kasi I wa
“MARK ANDRIAN?” Tanong ni Dianne, “Isinunod mo sa pangalan ni Mak?” Gulat na sabi nito. Napatingn sa kanya si Andy, “Mark ang pangalan ni Mak at ni hindi mo man lang sinabi sa akin?” Inis na tanong nito. “Ha? Bakit parang kasalanan ko na naman eh kayong magkapatid ang nakaisip ng Mark?” Tanong ni Cathy dito. “Hindi mo sinabing Mark pala ang pangalan ng lalaking iyon!” Yamot na sagot nito sa kanya, “Andrian na lang ang ipapangalan natin sa bata!” Pagkasabi niyon ay mabilis na itong lumabas. Nagkatinginan sila ni Dianne. “Ano na naming problema ng lalaking iyon? Kagabi excited pa siyang pangalanan ng Mark Andrian ang baby?” Napapailing na sabi niya habang sinusundan itio ng tingin. “Nagseselos siya talaga kay Mak,” nakangiting bulong sa kanya ni Dianne, “Hindi ba sabi mo break na sila ni Alexa? Baka na-fall in love na siya saiyo?” “Imposible ang sinasabi mong ‘yan. Ako ang huling babaeng magfo-fall in l
Hindi ako nanaginip lang, sabi ni Catherine sa sarili habang nakatingin sa natutulog na si Andy. Nangingilid ang kanyang mga luha habang tinititigan niya ito. Bahagya pa niyang hinaplos ang mukha nito. Alam niyang pagkatapos ng nangyari sa kanila, balik na naman sila sa dati. Ano pa bang inaasahan niya? Of course iyong namagitan sa kanila ay wala namang ibig sabihin kay Andy. Sex. No more. No less. Masakit, pero hindi naman niya pwedeng ipilit ang sarili niya sa taong ayaw naman sa kanya. Namula ang mukha niya nang magmulat ito ng mga mata at mahuli siyang nakatitig dito. Mabilis siyang umiwas ng tingin. Ngunit ang gulat niya nang kabigin siya nito at yakapin ng mahigpit. May iba na bang ibig sabihin ang gesture nito sakin? Cathy, huwag kang umasa. Alam mo naman ang mga lalaki, gagawin ang lahat, makaiskor lang! Paalala niya sa sarili habang napapalunok. Hindi na niya maalala kung nakail
“HINDI KA BA TALAGA MAKAPAGHINTAY? Atat na atat ka na talagang makipaghiwalay?” Asar na sita ni Andy kay Catherine nang dumating ito sa bahay, “Hindi na ba magkanda-ugaga si Mak na madala ka sa Canada kaya nagmamadali ka, ha?” “Ibinibigay ko lang kung ano ang gusto mo, Andy!” Yamot na sagot niya dito, “Para hindi na ako nahihirapan pang maghintay saiyo araw-araw. P-para hindi na ko umaasa pa.” “Umaasa?” “Oo. Tatlong araw kang hindi sumipot, ni ha, ni ho wala kang pasabi, ano sa palagay moa ng nararamdaman ko, ha Andy?” Punong-puno ng hinanakit na sambulat niya rito. Bago man lang sila maghiwalay ang masabi niay rito ang lahat ng gusto niyang sabihin. Para at least, makikipaghiwalay siya na walang kinikimkim na mga sama ng loob. “God, Andy, alam mo ba iyong pakiramdam na naghihintay, ha? Sa bawat pagbukas ng gate, umaasa akong ikaw iyong darating. Pero three days? Ni hindi mo man lang ako tinawagan para sabihing hindi ka
“MAGPALIT KA, sa fancy restaurant tayo pupunta, hindi sa fastfood chain!” Sita ni Andy kay Cathy nang makitang naka-maong at putting tshiirts lang siya. Napasimangot siya, mag-uusap lang kami, kailangan pang sa mamahaling restaurant pa, hindi ba pwedeng dito na lang kami mag-usap sa bahay? As if magandang salita ang maririnig ko sa kanya. Pero hindi na siya nagprotesta pa, sa halip ay tahimik na nagpalit na lamang siya ng damit. Isang off shoulder na floral green dress ang isinuot niya. Naglagay rin siya ng manipis na make-up saka makailang beses na sinipat ang sarili sa salamin. Kinulang lang talaga ako sa height eh, pero kung beauty ang pag-uusapan, bah lalaban ako! Lumabas siya ng kuwarto at pinuntahan si Manang Terry, “Madali lang daw po kami. Kayo na muna ang bahala sa baby.” Sabi niya sa matanda saka humalik sa mga kamay ng anak. Paglabas niya ng salas ay inabutan niya si Andy, ang guwapo-guwapo nito sa suot niton
“NGAYON, NAIINTINDIHAN na kita, Daddy,” masayang-masayang sabi ni Catherine habang pinagmamasdan ang larawan ng ama. Medyo masalimuot ang naging umpisa nila ni Andy, ngunit tama pa rin ang kanyang ama nang sabihin nito sa kanya na nakikita niya si Andy na mamahalin siya ng husto. At kay Andy lamang magiging kampante ang kalooban nito. Hindi niya alam kung papaanong natiyak ng Daddy niya na magiging okay rin sila ni Andy. Sadya sigurong matalas ang pakiramdam ng mga magulang. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga sinabi sa kanya ni Andy. Parang kelan lang ay para silang mga aso’t pusa na palaging nag-aaway. Ngayon ay biglang nagpropose ito ng pag-ibig sa kanya. Wow, akala niya ay sa pelikula lang may ganitong love story. Posible rin pala sa totoong buhay. “Nasa labas ang mga kaibigan mo, siguro ipinamalita mo na kagad sa kanila iyong tungkol satin ‘no? Ipinagyayabang mo siguro ang gwapo mong asawa, ha?”
“MABUTI naman nakapag-usap kayo ng maayos ni Mak. So, tanggap na nya na hindi mo kayang pahindian ang kaguwapuhan kong ito?” Sabi ni Andy habang dahan-dahang kinakalas ang butunes ng suot niyang pajama top. “Kailangan bang hubarin mo ‘yan habang nag-uusap tayo?” Napapangisi niyang tanong dito, kahit ang totoo nanabik na rin siya sa susunod nitong gagawin. Dios mio, inaara-araw na yata nila ang paglalab making. “Ayaw mo?” Nanunukso ang mga matang tanong nito sa kanya. Pilya ang ngiting pinakawalan niya, “Kaya mo akong tikisin?” Mapanuksong tanong niya rito. May naglaro sa isip niya kaya bumangon siya at bahagyang ibinaba ang suot saka pinagdikit ang mga balikat para lumitaw ang cleavage niya. Bumangon rin si Andy, hinubad ang suot na shorts. Namula ang mga pisngi niya nang tumambad ang nakabukol nitong hinaharap sa suot nitong underwear, “Eh eto, kaya mo rin bang tikisin?” Mapanukso ring tanong nito sa kanya. Napabungisngi
“DID WE HEAR IT RIGHT? You two are getting married? Because the last time we talked, gusto ninyong ipa-annul ninyo ang kasal ninyo?” Gulat na tanong ni Facundo kina Catherine at Andy nang bisitahin nilang mag-asawa ang mga ito sa bahay. “Yes, Papa, you heard it right. Loud and clear, we are getting married, again. This time church wedding na,” masayang balita ni Andy sa kanilang mag-asawa. “Omy God!”Bulalas ni Ana, niyakap sila nitong dalawa, “I’m glad, finally hindi na kayo maghihiwalay.” Tinapik ni Facundo ang balikat ni Andy saka niyakap ito ng mahigpit. “I’m am so happy for you. Mabuti naman natauhan ka na.” Sabi niya rito saka yumakap rin kay Catherine, “Iha, salamat naman at napatino mo rin itong isang ito,” pabirong sabi niya rito. Natawa ang dalawa sa kanya.` “But seriously, yan talaga ang gusto naming mangyari sa inyo. Ang makitang nagkakasundo kayo at nagmamahalan.” “Naku, at sa kabila ng lahat, naging ma