AMANPULO.
Hindi makapaniwala si Catherine na parte pa rin ito ng Pilipinas. Ang daming magagandang lugar dito sa bansa, sayang at mga dayuhan lamang ang nakikinabang. Haist, kung hindi lang siguro corrupt ang mga namumuno sa Pilipinas, hindi sana ito nabibilang sa third world country sa dami ng natural resources nito.
Nakakalungkot isiping nabalewala lang lahat ng mga ipinaglaban ng mga bayani nuon.
Pero ang ganda talaga ng Amanpulo. Sarap sana kung kasama niya ang mga friends niya. Pero mas masarap kung marunong siyang lumangoy!
Namangha siya sa ganda at laki ng kuwarto. Inilapag niya ang kanyang mga gamit sakaparang batang ibinagsak niya ang katawan sa ka
Pero ang gulat niya nang sa halip na halik ay kutos ang inabot niya kay Andy. “Ouch, kinutusan mo ko?” Hindi makapaniwalang tanong niya dito. Sa tanang buhay niya ay never pa siyang nakutusan ng kahit na sino. Kahit ang Daddy niya, never siyang kinutusan pagkatapos, sa lalaking ito papakutos siya? Nagpanting ang mga tenga niya, “Anong karapatan mo para kutusan ako?” “Para matauhan ka! Itong isaksak mo sa kukute mo ha? Hinding-hindi kita magugustuhan kahit na kailan kaya huwag mong isiping naiinlab na ako saiyo! Mangilabot ka nga!” “Ah, sa palagay mo,magugustuhan kita?” Galit na sagot niya dito, kinutusan rin niya ito, “Isaksak mo rin ito sa kukute mo ha, huwag kang assuming na lahat ng babae, kagaya
“H-HINDI ha. . .b-bakit naman ako magpapansin saiyo?” todo tanggi niya dito, “Huwag kang assuming ‘no!” “Hindi ako assuming! Nagtataka lang ako, tumatanggi ka pa pero hindi pa ba pagpapansin ‘yang ginagawa mo?” Umiwas siya ng tingin dito, “Hah, pagpapansin ba ang tawag mo sa ginagawa ko? Actually, nag-iingat lang ako. Gusto ko lang ipaalala saiyo na kaibigan ni Papa ang isa sa mga share holder ng Amanpulo k-kaya ayoko lang namang makarating kay Papa na nakikipaglandian ka sa ibang lalaki habang nandito tayo,” pagsisinungaling niya dito. Ang totoo ay hindi naman kakilala ng Papa niya ang me ari ng isla na ito, or isa man sa mga share holders nito. Wala lang talaga siyang maisip na maidahilan kay
“WOW, kaharap ko pala ngayon ang sikat na author ng 101 Ways How Not To Fall Inlove With A Player, ang galing naman. Sayang, di ko dala iyong librong iyon, papa-autograph sana ako saiyo.” Kinikilig na sabi niya. Hindi siya makapaniwalang kaharap niya ang best-selling author na si Mr. J. “Don’t worry, bibigyan kita ng isa pang kopya, with my authograph.”“Talaga?” Hindi pa rin siya makapaniwala. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang ito ang sikat na author na hinahangaan niya. Hindi niya kaagad ito namukhaan, “Tatlong beses kong binasa ang libro mo. Hopefully, maapply ko sa sarili ko.”Star-struck siya. Hindi lang pala ito matalino, napakaguwapo rin. May maikwekwento na naman siya kina Diane.“Pwede bang magpa-picture tayo? At okay lang bang ipost ko sa Instag
HINDI PA nakakalabas ng kuwarto si Andy ay tumatawag na sa phone si Alexa. Fuck. “Hello? Love?” “Fuck you, Andy!” Bulyaw nito sa kanya, “Alalang-alala pa naman ako saiyo, iyon pala nasa Amanpulo ka. . .” “Love, let me explain, okay?” “Why do you have to lie, Andy? Kung hindi pa nagtrending ang post ng hitad na iyon, hindi ko malalamang magkasama kayo dyan sa Amanpulo!” Mangiyak-ngiyak na sabi nito sa kanya. Gusto niyang sakalin si Catherine. Bakit pati siya ay kailangan nitong ipahamak?&n
ASAR na asar si Andy. Hindi man lang nahiya sa Papa niya si Catherine. Ni hindi man lang nag-sorry sa kanya. At hindi nakuntento sa pagpapapicture lang. Nakipag-dinner date pa. Pagkatapos ito pa ang may ganang magalit sa kanya? Sumusobra na talaga ang babaeng iyon! Pagkatapos parang kasalanan pa niya ang lahat? Pinuntahan niya ang kaibigan na saktong nandito rin ngayon sa Amanpulo kasama ng husband nitong German at ng mga pinsan nito. “Si Jeff?” “Nandun sila sa kabila, nag-iinuman. Gusto mo bang sumama sa kanila?”&nbs
“MAY BINABALAK kang masama sakin ‘no?” “Hell no!” Mariing tanggi niya. Ang gulat niya nang damputin nito ang flower vase sa ibabaw ng side table, “Subukan mo lang gawan ako ng masama, malilintikan ka sakin!” Babala nito sa kanya. Napabalikwas siya. Baka mamaya ay sapian na naman ito ng masamang espiritu, maibato pa nito sa akin ang flower vase, mahirap na! “Pwede ba Cathy, ibaba mo yan! Ano bang palagay mo sakin, rapist?” “Bakit, hindi ba?” &ld
“GANDANG-GANDA ka ngang talaga sakin ano?” nakangising sabi nito sa kanya saka tinalikuran na siya, “Tawagin mo na lang ako kapag ready ka ng mag-island hopping. Pupuntahan ko lang si Mr. J para sabihing di ako makakasama sa kanya.” Nakangiwi siya habang sinusundan ito ng tingin, gandang-ganda, napapailing na sambit nito. Pero hindi man niya aminin ay excited siyang mag-island hopping silang dalawa. Pinuntahan na niya ang staff para ipaalam ang binabalak na pag-a-island hopping nilang dalawa. Ilang sandali pa ay nakaready na ang small-yacht na sasakyan nila. Tinawagan niya si Catherine. Napasigaw ito sa tuwa nang makita ang yacht. “Wow, akala ko bangka lang ang sasakyan natin, yacht pala talaga. Ang sosyal,&r
PAGLINGON ni Andy, nakita niya si Alexa na lulan ng yate habang kumakaway sa kanya. “Andy!!!” Parang bigla siyang nagka-anxiety. Huminto ang yacht sa tapat ng yacht nila. “God, I missed you so much. Mabuti na lang nakapagbook rin ako!” Sigaw nito sa kanya saka nawala ang ngiti nang makita si Catherine. Tumayo na siya at bumaba sa yacht patungo sa pangpang para salubungin ito. Ayaw niya ng gulo. Kilala pa naman niya si Alexa kapag nagalit. Pagkababang-pagkababa ni Alexa sa yacht ay patakbo itong lumapit sa kanya at yumakap saka siniil siya ng halik sa mga labi na tila nais ipaalala sa kanya kung sino ito sa buhay niya.&n