“Saan ba talaga tayo pupunta?” Tanong ko nang tumingala ako sa kanya. Kagaya kanina, wala akong nakuhang sagot, nakakainis na.
Binitawan niya ang kamay ko at pinulupot sa baywang ko ang free hand niya. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon kaya nakatitig lamang ako sa kanya. Kakaiba rin ang galawan ng lalaking ito.
“Kumapit ka sa damit ko.” Utos niya ngunit hindi ko ginawa....kaso wrong move dahil biglaang huminto iyong tren, dahilan para ma-out of balance ako. Mabuti na lang ay nakaalalay ang kamay ni Thunder sa likuran ko.
“Ayaw kasi makinig eh.” Iritang reklamo niya, ngumuso lang ako at hindi na kumibo.
Maya-maya lang ay bumaba na kami ng tren. Hindi ako pamilyar sa lugar kaya wala akong ideya kung saan ba talaga kami pupunta not until makita
Rain’s POVHindi ako mapakali, hindi ko alam kung bakit.“Beb, kanina ka pa paikot-ikot, nahihilo ako sa’yo. What’s going on?” Tanong ni Ayesha at ngumiti lang ako ng pilit. Thursday na ngayon at bukas na namin isasagawa iyong oplan: patalsikin ang keen’s org.“Hindi ka pa ba papasok? Mauuna na ako.” Hinawakan ni Ayesha ang balikat ko at dahil doon ay naalala ko ang pinag-usapan namin ni Liam.“Ah Beb. Galit ka ba kay Liam? Gusto mo bang i-set up ko kayong dalawa para magkausap kayo?” Tanong ko pero mabilis siyang umiling. Mukhang nasaktan talaga siya dahil doon sa sinabi sa kanya ni Liam.“Ayoko muna siyang kausapin,” Tumango na lang ako at sabay kaming lumabas ng dorm. Nakabalik na rin pala si Tymee. Medyo okay na siya, muntik ko nang makalimutan na robust nga pala siya kaya malakas siya at hindi basta-basta napanghihinaan.“Tymee. Sabay na tayong pumasok.” Aya ko at agad naman niya kaming sinabayan sa paglalakad ni Ayesha.“Ah Beb...Si Ty
Para akong binugbog sa sakit ng buong katawan ko. Halos hindi ko maigalaw ang kahit anong parte ng katawan ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Maliwanag. Nasa keen’s lab pa rin ba ako?“Gising na siya.” sabi ng pamilyar na boses.“Rain. Si Tymee ‘to. Anong nararamdaman mo?” Tanong niya pero may isang tao ang bigla na lang pumasok sa isipan ko.“S-si Thunder?” Tanong ko at para bang nagkaroon ako bigla ng lakas dahil nagawa kong makabangon. Naluha ako nang maalala ko kung paano niyang sinalo ang bala na dapat ay para sa akin.“Si Thunder nasaan?” Tanong ko ulit dahil hindi nila ako sinagot. Tanging si Matthew at Tymee lang ang kasama ko rito sa loob ng kwarto.“Alam kong hindi ka maniniwala pero.... wala na siya.” para bang huminto ang pagtibok ng puso ko matapos iyong marinig kay Matthew.“Baluga!” Nanggigigil na sabi ni Tymee habang sinasabunutan nito si Matthew. “Nagbibiro lang siya. Kakatapos lang matanggal ng bala sa braso niya kaya
Hindi na kami magtatagal pa rito sa hospital kaya hinantay ko lang ang pagdating ni Ayesha bago bumalik sa academy. Okay naman na ako at sa braso lang naman ang tama ng bala kay Thunder kaya oa naman kung mag i-stay pa kami rito ng dalawang araw gaya ng gusto niya.“Monday na tayo bumalik.” pagpupumilit ni Thunder habang nandito siya sa kwarto kung saan ako naka-admit. Mabuti na lang at hindi kami nagkasakit ng maulanan kami kahapon, nakapagpalit kasi kami agad ng damit dahil may dala palang extra si Tymee.“Bakit monday pa kung pwede naman ngayon? Tsaka, inaayos na ni Jasper yung bill natin.”“Tss. Oo nga pala. Bukas na yung kasal ni Jiro. ‘Di ba katapusan na ng buwan bukas?” Tanong niya at napaisip ako bigla.Kamusta na kaya siya? Bigla na lang kasi siyang umuwi kahapon. Hindi ko tuloy maiwasang mapabuntong hininga.. Lumapit ako sa bintana at doon nagpahangin.“Iniisip mo ba siya?” Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Thunder mula sa likuran. Hinawak
“I hope this will be the last.”“I hope this will be the last.”“Hey, napansin kong kanina ka pa tulala. May problema ba?” Tanong ni Thunder nang lapitan niya ako. Narito na kami ngayon sa reception at kakatapos lang namin kumain.Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ng daddy niya kanina, obvious naman na ayaw niya sa akin.“Baka nanghihinayang siya kasi hindi niya nasalo yung bulaklak.” natatawang sabi ni Matthew at sinamaan ko lang ito ng tingin. Sana narito sa Tymee para naman makita ko kung paano niyang saktan si Matthew sa mga oras na ito.“Gusto mo bang mag lakad-lakad muna sa tabing dagat?” Tanong ulit ni Thunder at tumango na lamang ako. Ayokong sabihin sa kanya ang nangyari kanina. Sure kasi ako na iba ang magiging reaksyon niya roon, ayokong gawin niya ulit ang ginawa niyang pagsigaw sa daddy niya noon.“Tell me, what’s bothering you?” hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami sa tabing dagat. May nakita
Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong lumayo sa amin ang grupo ni Jin. Hindi ko naman gugustuhing mapagitna na naman sa isang gulo kaya mabuti na lang ay marunong silang makaramdam.“Liam. Salamat ah.” sabi ko nang umalis ako sa likuran niya. Tulad ng dati, ginulo lang niya ang buhok ko at nag ngitian.“Hey hey.” tawag ni Thunder nang akbayan niya si Liam na akala mo’y close silang dalawa. Wow. Kailan pa siya naging fc?“So totoo nga. Kayo na.” sabi pa ni Liam nang alisin niya ang braso ni Thunder sa balikat niya habang nakatingin sa akin. Nagtaka naman ako, paano niya nalaman? Bati na ba sila ni Ayesha?“May nakapost sa bulletin.” nanlaki na lang ang mata ko sa sinabi niyang iyon, magaling pa rin siyang bumasa base sa ekspresyon. Hindi na ako nagtanong pa at dali daling tumakbo papunta sa pinakamalapit na bulletin board.“Insolent’s Thunder Cross and Keen’s Rain Celvero. Confirmed to be dating.”Napahawak na lang ako sa ulo ko nang mabasa iyo
Matthew’s POVKanina pa ako hindi mapakali sa kinauupuan, mabuti na lang at natanggap ko na ang message na hinihintay. Mabilis akong lumabas ng cafeteria at hindi na nag abalang magpaalam pa kila Rain.“Seryoso ka ba talaga? Nakausap mo na ba sila?” Tanong ni Tymee nang salubungin niya ako sa harap ng main building. Pinakiusapan ko siyang samahan ako sa leader ng insolent. Gusto ko kasing itanong kung pwede akong magpaconvert bilang amiable. Alam kong tumanggi na si Thunder dito pero susubukan ko pa rin.“Matagal ko na silang nakausap tungkol dito pero hindi nila alam na lalapit na ko sa Insolent’s leader para magtanong.” sagot ko at laking gulat ko na lang ng kinotongan niya ako.“Very wrong.” iyon lang ang sinabi niya at saka nagpatuloy sa paglakad papunta sa quarters ng mga Insolent. “Paano kung payagan kang magpa-convert? May balak ka bang sabihin sa grupo mo?”“Oo naman.” tipid kong sagot at hindi na ulit kami kumibo hanggang sa marating namin ang
Beb, okay ka lang ba talaga?” Tanong ni Ayesha. Nandito na ako sa kwarto namin at hindi na rin ako nag abalang magsorry pa kay Thunder regarding sa nangyari sa rooftop. Nawala lang siya kanina, may kahalikan na siyang iba? Aba’y gago pala siya eh, kaya pala ang tagal bumalik.“Oo beb, okay lang ako... Nga pala, magkaaway pa rin ba kayo ni Liam?” napangiti siya ng malawak sa tanong kong iyon at saka ako tinabihan sa kama.“Umamin na siya sa akin, beb. Omg talaga!” tuwang tuwa siya kaya automatic na nahampas niya ako sa braso ko. Ito na naman siya, nagiging mapanakit pag kinikilig.“I can’t believe it, all this time pala ay may gusto rin siya sa’kin pero nag usap na kami kanina, pananatilihin namin ang friendship namin. Maybe 2 years from now, pwede na kaming pumasok sa serious relationship.” kwento niya at ngumiti ako naman ako.“Masaya ako para sa inyo.” niyakap niya ako at saka sabay
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Buong buo na talaga ang desisyon ni Thunder sa pagbuo ng Dark demons.Kasalukuyan na kaming naglalakad papuntang cafeteria. Mabilis naging usap-usapan sa buong campus ang nangyari sa Dark. Yung iba ay ako ang sinisisi pero may iilan na nagsasabing dapat lang daw mabuwag ang grupo nila.Tahimik lang si Thunder, wala rin akong makitang apat na lalaki na nakaupo sa usual place ng dark. Nakakalungkot. Wala talagang permanente sa mundo, sa isang iglap pwedeng magbago ang lahat.“Samahan mo ako kay Liam.” sabi ni Thunder habang narito kami sa entrance ng cafeteria. Sa hindi kalayuan naman ay natatanaw ko si Ayesha sa usual place namin, wala siyang kasama.“Bakit? Mukhang wala si Liam ditㅡ”“What do you want from me?” Sabay kaming napalingon sa likuran at doon bumungad sa amin si Liam habang nasa likuran niya ang tropang sisiw o mas kilala na ngayon bilang miyembro ng Dark demons. Ano bang kailang