Ramdam ko ang sakit ng ulo ngunit pinilit ko pa ring iminulat ang mga mata ko at hindi inaasahan na si Thunder ang bubungad sa akin na ngayon ay duguan.
“R-rain. Kaya mo tumayo?” Tanong niya sa akin at dahan-dahan akong tumango. Nilibot ko ang paningin ko apat na sulok ng kwarto at nakitang nakabulagta sila Axel at Jasper sa sahig.
“Let’s go.” Aya niya kaya naman pinilit kong tumayo at inalalayan si Thunder palabas ng keen’s lab. Kahit na bugbog na ang katawan niya ay mayroon pa rin siyang sapat na lakas para makatakbo.
“Saan na tayo pupunta? Ano nang gagawin natin?” Tanong ko at hindi siya sumagot hanggang sa makarating kami ng hideout. May kinuha siyang susi roon at lumabas din agad kami para dumiretso sa parking lot. Agad niya akong sinuotan ng helmet pagdating sa tapat ng motor niya kaya naman medyo kinabahan ako.
“Thunder. Kaya mo ba? Gamutin muna natin ‘yang sugat mo.”
“Okay lang ako. Kailangan nating makalayo rito.” Sabi niya at saka s
Ayesha’s POV12 midnight na ngunit hindi pa rin ako makatulog. Bumangon ako dahil hindi talaga ako mapakali sa mga oras na ito. Kinuha ko ang phone sa ilalim ng unan ko ngunit bigla akong naluha nang makitang napigtas ang friendship bracelet namin ni Rain.Napaupo ako sa kama at agad siyang tinawagan. Pakiramdam ko ay may masamang nangyari, pero wag naman sana. Napakagat ako sa kuko nang hindi niya sagutin ang tawag kaya naman si Thunder ang sinibukan kong kontakin.“Hello? Thunder? Nasa Academy ka ba ngayon? Si Rain? Okay lang ba si Rain?”“Hindi ko alam, baka tulog na.” Sabi ito ng walang kaemo-emosyon bago biglang ibinaba ang tawag. Bakit gano’n ang boses niya? Don’t tell me nag-away na naman sila?Napailing ako at napaisip, babalik naman na ako sa Academy bukas, baka nagmumukmok lang si Rain ngayon dahil sa pag-aaway nila ni Thunder. Pinulot ko na lamang ang bracelet na nasa sahig at saka sinubukang ayusin ‘yung tali.
Minabuti ko nang bumalik ng Academy. Isang linggo na rin ang nakakalipas, hindi ako pwedeng magmukmok lang dahil sarili ko rin namang katangahan kung bakit ito nangyayari.Habang naglalakad ay hindi maiwasang pag-usapan ako kaya naman napailing ako.“Bumalik na siya.”“Kawawa naman si Thunder, mukhang nasaktan talaga siya sa nangyari sa girlfriend niya.”“Mabuti nga ‘yon eh, masyado kasing attention seeker ang babaeng ‘yon.”Nagpintig ang tainga ko dahil sa narinig. Mabilis kong nilapitan ang babaeng nagsabi noon at saka ito hinawakan sa leeg, halatang nabigla siya sa ginawa kong iyon. Ganoon din ang mga kasamahan niyang hindi man lang ako pinigilan.“Gusto mo bang baliin ko ang leeg mo?!” Sigaw ko ngunit may bigla na lang humila sa akin palayo, mabilis namang tumakbo ang mga walangyang babae na iyon at naitulak ko na lang ang humila sa akin.“Thunder ano ka ba?!” Sigaw ni Liam.“May laban tayo sa ground zero mamaya. Maghanda kayo.” Wa
Ayesha’s POVIsang taon ang lumipas, maraming nagbago, maraming nangyari at marami nang nakalimot kay Rain. It’s been a year but stillㅡumaasa pa rin ako na isang araw, babalik siya.4th year na kami at ngayong araw gaganapin ang woman’s baseball finals. Dito sa Monstrous gaganapin ang laban kaya todo suporta ang boyfriend ko at Dark demons.“Ayesha! Goodluck.” Bati nila Emerald at Jasper sa akin.“Salamat.” Nginitian ko sila at maya-maya lang ay nilapitan ako ni Liam. Iyong plano nilang pagpapatumba kay Yb? Hindi na natuloy dahil nagpunta ng ibang bansa ang demonyong iyon para tumakas. Napakawalang kwenta naman kasi ng hustisya sa lugar na ito, hinayaan nilang makalabas ng bansa ang kriminal na iyon.Yung sa Ground zero naman, obvious na panalo sila Thunder sa laban, and yes. Dark is Back but still, buo pa rin ang dark demons. Not as a gang but as group of friends.“Tara na?” Aya ni Liam at tumango la
Rain’s POVIt’s really nice to be back. Isang taon din ang lumipas, isang taon ko ring hinintay ang pagkakataon na ito.“Bakit ngayon ka lang?” Tanong ni Cloud mula sa gilid ko.“May babae akong nakabangga sa daan.” Tipid kong sagot at saka ibinaling ang atensyon sa lalaking dahilan kung bakit ganito ako ngayon. I can’t feel anything towards himㅡand I love it.“Rain. B-buhay ka?” Hindi makapaniwalang tanong ni Thunder. Halatang hindi niya inaasahan na makikita niya ako ngayon dito.“Why? Are you disappointed?” Nakangisi kong tanong at akma na sana niya akong hahawakan ngunit agad humarang si Cloud para protektahan ako sa lalaking dahilan kung bakit ako nagbago.“Rain. Masaya kaming buhay ka.” Sabi ni Matthew at bahagya lang akong tumango.“Mabuti naman at buo na ulit kayoㅡanyways. Pwede na ba tayong mag-umpisa? Hindi kasi ako nagpunta rito para sa grand reunion kaya kung pwede lang tapusin na natin ‘to.” Walang emosyong sabi
Thunder’s POVHindi ako makapaniwalang nakatayo si Rain ngayon sa harapan. Bumalik na talaga siya, akala ko ay panaginip lang ang nangyari noon sa ground zero pero ito siya ngayon. Naglalakad patungo sa direksyon ko dahil sa tabi ko na lang ang bakanting upuan.“Rain, can we talk?” Tanong ko nang sa wakas ay makaupo siya.“May dapat ba tayong pag-usapan? Sa tingin ko wala naman kaya kung pwede, stop acting as if nothing happened.” Malamig na saad niya bago ako iripan. Nilingon ako ni Jiro at tinignan ako ng nagsasabing ‘wag mo munang kulitin’ Napabuntong hininga na lamang ako at walang nagawa kung hindi ang pasimple siyang sulyapan. Ibang-iba na talaga siya, hindi na siya iyong Rain na kilala koㅡand I know that it’s my fault. I changed her.“Stop staring.” Walang emosyong sabi ni Rain nang hindi man lang lumilingon sa akin. Hindi ko na ri
Ayesha’s POVMasaya akong bumalik na si Rain pero hindi ko pa rin maiwasang malungkot dahil sa laki ng ipinagbago niya. Naiintindihan ko siya kung bakit at nag-aalala ako dahil doon.Paggising ko kanina ay wala na siya sa kama niya kaya agad akong nag-asikaso.Wala namang klase ngayon pero may party kasi mamayang gabi,gathering ng bawat kind. Kung dati ay every month iyon ginaganap, ngayon trice a year na lang.“Liam.” Tawag ko nang makita ko siyang papasok ng main building.“Bakit? Bihis na bihis ka yata. Wala naman pasok, ah.” Puna niya nang lapitan niya ako at hawakan ang mga kamay ko.“Bibili ako ng susuotin mamaya. Samahan mo koㅡteka. Saan ka pala pupunta?” Tanong ko at saktong paglingon niya ay lumabas ng main building si Thunder habang nakaalalay sila Jiro at Matthew.“What happened?”“Hangover. Doon na siya natulog sa infirmary. Alam mo na ba ‘yung tungkol sa kasal ni Rain?” Agad kong naibalik a
Isang linggo ang nakalipas mula noong isayaw ako ni Thunder. Mula rin noong gabing iyon ay hindi ko na siya nakita pa. Hindi siya pumapasok sa klase at ni anino niya ay hindi ko makita, aaminin ko nag-aalala ako pero alam kong magiging okay rin ang lahat.[Flashback]“Rain, alam kong mali ang ginawa ko sa’yo 1 year ago, but believe me. Hindi ko ginusto ‘yon. ‘Yung microchip na kagaya ng kay Amanda, meron ako no’n.” Paliwanag niya at bigla na lang niyang kinuha ang kamay ko para ilagay sa bandang batok niya.Agad ko iyong kinapa at naramdaman na may peklat doon. Tinignan ko siya ulit at mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.“Tinanggal nila ‘yung microchip sa katawan ko noong gabing ‘yon. Rain, maniwala ka sa’kin hindi ko talaga ginustongㅡ”“Thunder. Okay na, naiintindihan ko pero hindi na no’n maibabalik ang dati.” Seryosong sabi ko habang marahang nakipagsasayaw sa kanya. Totoo namang naiintindihan ko pero mahirap pa sa akin ang pakisama
Rain’s POV“Beb, tara na.” Aya ni Ayesha. Mukhang excited na excited siya sa team building ngayon. Hindi kasi siya nakasama noon kaya para siyang bata na first time sumama sa fieldtrip.“Oo Beb, wait lang.” Natatawang sabi ko at saka lumabas ng banyo. Kinuha ko na ang mga gamit ko at sabay na kaming lumabas, nakasalubong pa namin ang ibang girls sa lobby na halatang excited na rin.“Sabay-sabay na tayo.” Aya ni Zea kaya naman sabay na kaming nagpunta kung saan naroon ang mga bus. This time, malaya kaming mamili kung saang bus kami sasakay. Nagkita-kita kami nila Cloud sa tapat ng isang bus at sasakay na sana kami ngunit huminto siya ng makita niyang naglalakad si Thunder papunta sa direksyon namin.Sa hindi malamang dahilan, biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang ngitian niya ako bago sumakay sa bus.“What was that? Hindi niya ba ako nakita?” Tanong ni Cloud at sa totoo lang ay hindi naman siya galit kay Thunder. Gustong gus