Share

NINETEEN

California

“Is this where you live?” tanong ni Hanz na kay Harvey nakatingin.

Nakangiting sunod-sunod itong tumango, pagkuwa’y hinila siya sa kamay.

“Come inside, Tito Hanz. Mommy and I decorated the whole area and I think you’ll gonna love it,” may pagmamalaki sa tinig na turan nito.

Nagpahila naman siya rito. Nauna na sa kanila si Yeisha sa loob ng apartment ng mga ito bitbit ang ilang gamit.

“Tada!” ani Harvey nang makapasok sila.

Iginala niya ang mga mata sa paligid habang ibinababa ang maleta ng mag-ina. The house was very cozy in its rainbow color. May maliliit na stickers ng kung ano-anong hayop at sasakyan na nakadikit sa dingding; na nasisiguro niyang si Harvey ang may gawa, katabi ng hilera ng mga picture frames nito at ni Yeisha. Ang floor to ceiling na pintuan papunta sa maliit na balcony sa labas ay nakukurtinahan ng puti na may print ng iba't ibang cartoon characters. May maliit na cabinet sa isang tabi na puno ng kung ano-anong laruan. May pantatluhang sofa,
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status