Isang hikbi ang pumukaw sa akin. May malamig na bagay akong naramdaman na nakapatong sa noo ko. May dumadampi rin sa pisngi at leeg ko. Agad na yumakap sa akin si Zaylon pagkadilat ko. Narito kami sa loob ng office ni Ethan at nakahiga ako sa sofa.“Ano ba ang ginawa mo sa sarili mo bakit ka nilagnat?” tiim-bagang na tanong ni Ethan. Pinipigalan na pagtaasan ako ng boses. “Wag ka nang bumangon,” aniya nang magtangka akong bumangon mula sa pagkahiga. “Anak, wag mong daganan si mommy baka ‘di yan makahinga,” sita niya sa anak na ayaw kumalas ng yakap sa akin.“Hindi ko alam na may lagnata ako,” mahinang sagot ko. Pinahiga ko ng maayos ni Zaylon sa tabi ko at nagsumiksik siya doon. Masama ang pakiramdam ko pero hindi naman ako mainit kanina. Mariin siyang pumikit. Pagdilat niya naging malamlam na ang kanyang mata. “Dalhin kita sa hospital–,”“Hindi na, Ethan.”“Dumugo ang ilong mo nang himatayin ka,” aniya. “Im worried, Yanie…”Umiwas ako ng tingin nang makita ang nag alala niyang mukh
Hindi ko akalain na na-survived ko ang anim na araw na walang tulog. Akala ko mamamatay na ako sa kapabayaan ko sa sarili ko. Nakaka-idlip naman ako ng mga ilang minuto pero hindi na ako makatulog ulit kapag nagising ako.Palaging pumapasok sa isip ko ang umiiyak kong anak sa tuwing pipikit ako at iyon ang ayaw ko dahil nadudurog ang puso ko. Nanghihina ako lalo at gusto ko siyang puntahan. But, I made a promise kaya tiniis ko iyon kahit hindi maganda ang naidulot sa akin.Gayunman, may maganda namang naidulot iyon sa anak ko. Ang isang linggo na wala siya sa akin. Tama nga si Ethan, kaya na niyang asikasuhin ang sarili niya. Hindi na niya kailangan tumawag para magpatulong siya sa gagawin niya.Naghahalo ang emosyon na nararamdam ko habang tinitingnan ang anak ko nang lagyan niya ng pagkain ang aking plato. Mula nang makarating kami sa mansyon todo alalay siya sa akin. Kahit ang pagpunta ko ng banyo naka alalay siya kahit sinabi ko na kaya ko.Paglabas ko nakahanda na rin ang damit n
Sa lahat ng tao, si nanay ang hindi ko gusto maka alam nang kung ano ang nangyayaring masama sa buhay ko. Ayaw ko siyang masaktan, ayaw ko siyang mag alala. Hanggat kaya ko ang problema at sakit na dinadala ko ayaw ko iyon ipagsabi sa kanya.Hindi ibig sabihin na tinatanggalan ko na siya ng karapatan na malaman ang nangyayari sa akin. Hindi ko intensyon na iyon ang maramdaman niya sa paglihim ko sa kanya. Hindi ko lang kaya na pati siya mahirapan, mag alala, hindi mapakali kapag nalaman niya ang sitwasyon ko.“Nanay mo ako. Sa lahat ng tao dapat ako ang unang maka alam ng nangyari sayo pero bakit ako pa itong walang alam.”At iyon ang mali ko. Sa kakaisip ko sa kung ano ang maramdam niya hindi ko man lang naisip ang maramdaman niya sa paglihim ko sa kanya. Hindi ko man lang naisip kong ano ang maging saloobin niya. Lalo ko lang siyang sinaktan.“Hindi naman kita pinalaki at tinuruan na maglihim pero mukhang nagkamali ako. Mukhang nagkulang ako kasi sa lahat ng tao sa akin mo iyon unan
Nakatulala ako habang nakatitig sa taong nasa harapan ko. Naghahalo ang kulay itim at puti niyang buhok. Ang kanyang almond eyes na kagaya sa akin. His pointed nose and his heart shape face. Tama nga si nanay, kamukhang-kamukha ko si tatay. I was about to hug him nang marinig ang matinis at iritableng boses i nanay.“Lieliane sino ba iyang door bell nang door bell ‘bat ayaw mong buksan nang tumigil–Alfred?!” ang matinis at iritableng boses niya napalitan ng gulat at panginginig nang makita kung sino ang kaharap ko. “Alfred!” patakbo siyang lumapit at agad na sinalubong siya ni tatay ng isang mahigpit na yakap. Umiiyak si nanay habang mahigpit na yakap ang isa’t isa. She cried out loud. For happinies. Because of longing for the love of his life. Siguro dahil hindi niya inaasahan na sa mahabang panahon makikita niya ulit ang lalaking mahal niya, mayakap, at muling makasama.“Patawad, dahil ang tagal kong bumalik,” humihikbing sambit ni tatay yakap ng mahigpit si nanay na para bang
Tinawagan ko si Ethan nang makapasok na kami sa loob ng bahay. Mukhang hinihintay niya ang pagtawag ko dahil isang ring lang sinagot na niya kaagad."Merry Christmas," bati ko dito.Maingay sa kanila. May mga paputok, torotot, at nangingibabaw na tinig ni Nenita, mukhang tindera sa bangketa na nagsusumigaw. Nawala ang ingay, siguro lumayo siya o kaya pumasok sa loob ng bahay."Maingay. Sorry," aniya. "Merry Christmas, love." Hindi ko napigilan ang mapangiti. " Merry Christmas, Ethan. Anak, daddy mo, oh. Batiin mo," saad ko sa bata na naroon na sa harap ng hapag-kainan. Nagpaalam ako kay Ethan bago inabot sa anak ang telepono.Nakangiti na nakatanaw ako kina nanay at tatay na nagkukulitan. Parang sila lang dalawa sa paligid at hindi kami nag e-exist ng anak ko. Ayaw naman siya tantanan ni tatay dahil natutuwa siya kapag na aasar na si nanay.“Tumigil ka na. Kakain na tayo,” saway ni nanay sa kanya. Napanguso si tatay na umayos ng upo sa hapag-kainan.Sinubuan ni tatay si nanay ng spagh
MAHAL NIYA AKO. Totoo nga na mahal niya ako. Na hindi lang ang anak namin ang dahilan kung bakit gusto niya ako, kundi dahil mahal niya talaga ako. Ako lang itong hindi naniniwala. Ako lang itong mali ang iniisip sa tuwing sasabihin niyang mahal niya ako.Makaraan ang ilang minuto na pagkatulala sa kisame, gumalaw ang door knob tanda na may papasok. Nagkunwari akong tulog dahil alam ko si Ethan iyon. Mula sa maliit na bukas ng aking mata, nakita ko ang pasuraysuray na paglakad ni Ethan papunta sa kama. Maingat niyang kinuha ang unan sa gilid ni Zaylon at inilagay sa uluhan. Inayos niya ang kumot ng bata at hinalikan ito sa noo.Tuluyang pumikit ang mata ko ng marahan niyang haplosin ang pisngi ko at ang pagdampi ng mainit at malambot niyang labi sa noo ko.Nang gumalaw ang kama doon lang ako nag mulat ng mata. Bahagya akong natigilan ng magsalubong ang mata naming dalawa. Nakatagilid siya paharap sa akin. Ginawa niyang unan ang kanang braso at ang isang kamay niya nakayakap sa a
Ito ang sekreto ko na hanggang kamatayan sana ay itatago ko. Pero ika nga nila, walang usok na kinikimkim na hindi sisingaw. Walang sekreto na hindi mabubulgar."May sakit ka?! Pero hindi mo sinabi sa akin?" Nahihirapan na sambit niya. Ayaw ko siyang tingalain. Ayaw kong makita ang hitsura niya na nasasaktan. Ito ang dahilan kung bakit pilit kong nililihim sa kanya ang lahat dahil ayaw kong makita siyang nasasaktan at nahihirapan kapag nalaman niya ang sitwasyon ko.Noon pa man tinatak ko na sa isip ko na hanggat kaya kong itago, hanggat kaya kong labanan hindi ko sasabihin sa kanya. Pero may dahilan ang lahat kung bakit lahat ng sekreto ko ay nalalaman niya."Anak naman," humihikbi na sabi niya." Akala ko ba wala ng sekreto?"Nanginginig ang kamay na inabot ko ang palad niya. Luhaan ang pareho naming mata. " Hin-Hindi sa ganun, Nay. Hindi n-naman..Hindi naman ho malala ang sakit ko…” humihikbi na saad ko.“Malala o hindi dapat sinabi mo!” mariin niyang sabi kaya napahagulhol ako. “S
Pigil hininga na sinalubong ko ang nakakapaso niyang tingin sa salamin.Naka awang ang aking labi at parang tuod na nakatayo. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Para akong kakapusin ng hangin nang maramdaman ang paggalaw niya sa likuran ko.Nanlaki ang mata ko at mariing napalunok nang maramdaman ang unti-unting paglaki niyon.Dinig ko ang kanyang paglunok habang nakatitig sa akin… Sa namumula kong mukha at naka awang na labi. Ang pareho naming kamay naka kapit sa sink. Kahit may damit akong suot ramdam ko ang init ng katawan niya. Tumaas ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang tumama sa batok ko ang mainit niyang hininga. Sinubsob niya ang mukha doon habang abala sa pagkiskis ng kanyang sandata sa nakadikit kong mga hita.Palalim nang palalim ang paghinga niya habang nakasubsob siya sa batok ko. Lumitaw ang mga ugat sa likod ng palad niya nang humigpit ang pagkapit niya roon.Nang umangat ang kanyang mukha ay nakita ko ang pamumungay ng kanyang mata at ang mariing pagkakagat sa pang-ib