Share

Chapter 34

Tigagal na napatingin si Enrico sa kanya. Na pipi siya sa binitawang salita ni Nadia. Hindi niya akalain na iyon pala ang nararamdam nang babae sa ginagawa niyang palihim na pagsunod dito araw-araw. Akala niya maayos ang pagtatago na ginagawa niya, pero sablay parin pala dahil nalaman rin ni Nadia ang kalokohang ginagawa niya.

Ngunit hindi iyon ang rason para tumigil siyang bantayan ang babae. Gayong alam na ni Nadia na sinusundan niya ito iyon ang nagtulak kay Enrico na hindi na niya kailangan magtago na subaybayan ang mag-ina niya.

Nitong mga nakaraang araw, bukod sa naiinis si Nadia sa sarili, nahihirapan na rin siyang kumilos dahilan mabigat na ang kanyang tiyan. Madali nalang siyang mapagod, sumasakit na ang balakang niya kapag nagtagal siya sa pagtayo. Hindi na niya magawa ng kusa ang mga bagay na gusto niyang gawin, lahat sapilitan na.

Ang tungkol sa palihim na pagsunod ni Enrico sa kanya ay kinaiinisan niya rin. Hindi para sa lalaki kundi para sa kanyang sarili. Kase imbis n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status