Naningkit ang mga mata niya pero walang nagawa kung hindi tumalima. Hindi naman siya 'yong tipong hindi nag-a-appreciate ang effort. Umikot naman ito sa kabila at naupo sa tapat niya.
It was her first time having a dinner date with someone under the moonlight. Tumingala siya at nakita niya ang bilog na buwan sa itaas.
Maliwag nga ang buwan sa gabing 'yon. And it was mesmerizing. It can even replace the light given off by the candle at the middle of the small rounded table. Nang inangat niya ang tingin sa harap ay nagtama ang tingin nila ni Gideon.
Ilang segundo silang nagkatitigan.
Jewel was completely lost of words. Hindi siya makapagsalita. Ni hindi niya kayang iwasan ang tingin ni Gideon sa kaniya. There was this kind of attraction that made her heart skip a beat.
Nakuyom niya ang kamao.
Gideon whispered, "Jewel."
That was when she lowered her gaze. Mabilis si
Kumalat na ang sinag ng araw nang magising siya at maghanda para sa araw na 'yon. Isang bestidang kulay puti, isang kayumangging summer hat, at boots na may takong ang isinuot niya. Malapad ang ngiti niya habang bumababa sa grand spiral staircase. Limang araw na rin matapos i-confine sa hospital sina Dalya at Pedro. Kahapon ay nakauwi na ang dalawa at tumutulong na sa gawaing bahay. Sa katunayan, nakita niya ang mga ito na abala sa pag-aayos ng gamit sa sala. Binati pa siya ng dalawa kaya sinuklian niya ng ngiti ang mga ito.Nagpatuloy siya hanggang maabot ang kusina. Doon, nakita niya sa hapagkainan si Gideon. Nagkakape ang asawa niya."Good morning," bati niya.Nag-angat ng tingin si Gideon at ngumiti nang makita siya. Pinasadahan siya nito ng tingin. "Mag-i-enrol ka na?" tanong nito. Tumango siya. Sumimsim saglit ng kape si Gideon bago muling tumingin sa kaniya. "May tumawag sa landline
Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi niya namalayang magsisimula na ang klase. Gabi pa lang ay nakahanda na ang maleta niya at gamit pampag-aral. Naabisuhan na rin niya si Gideon na maaga siyang aalis kinabukasan. Nakapagtataka nga ang klase ng ngiti nito pero pinagsawalang-bahala na lang niya.At habang dumadaan ang Navarra sa Aisle at sa bayan ng Tindog, hindi mawala sa labi niya ang isang matamis na ngiti. Excited na siya. At last, makakabalik na rin siya sa UDM.Huminto ang sasakyan sa harap ng gate. Huminga siya nang malalim at mabilis na umibis ng sasakyan. Nakangiti siyang tumingala sa malaking arko kung saan naka-engrave ang tanyag na Unibersidad de Medellin.Narinig niya ang pagsara ng pintuan ng driver's seat. "Jewel I —""Oh no! Ako na," masayang tanggi niya. Lumapit siya sa 2nd cabin at nilabas ang maleta at isang backpack.Mabilis siyang bumalik sa har
Tahimik siyang pumasok sa silid. Nabungaran niya si Professor Malkov sa platform at nanlilisik ang mga mata nito habang nakatitig sa kaniya. Wala itong sinabi kaya dumiretso siya sa upuan sa harap. Tumabi naman sa kaniya si Jasmine."Si Prof," bulong ng katabi."Shh.." saway niya.Umikhim ang Professor kaya napaupo siya ng tuwid. Nilibot nito ang tingin sa loob ng silid at mas lalong dumilim ang titig nito sa kaniya.'What? I didn't do anything wrong!'"Sa lahat ng klaseng hinawakan ko," paunang salita ng Professor. "Kayo ang B1 ang pinakawalang-modo! Alas nueve pero sampung estudyante lang? Nasa'n ang dalawampu, Miss Mangubat?"Napakurap siya at tinuro ang sarili. "Are you asking me, Prof?" Lumunok siya. "I don't know."May biglang sumingit sa likod. "Maybe they haven't arrived yet, Prof. It's the first day."Nagsalubong ang dalawang kil
Nag-dorm siya para umiwas sa mga taong nagko-control sa buhay niya, yet it turns out na ang magaling niyang asawa ay isa pa lang professor. Great. Malalaman na nito ang pinanggagawa niya sa University.Padabog niyang sinara ang pinto ng kuwarto at patakbong dumapa sa kama. Sa gano'ng posisyon niya dahan-dahang inalis ang backpack sa likod. Tumihaya siya at tumitig sa kisame. Sumagi sa isip niya ang tanong nito.Bakit nga ba Agricultural and Biosystem Engineering ang kinuha niya? Huminga siya nang malalim at pinikit ang mga mata.Hindi naman BSABE ang gusto ng mga magulang niya. Agricultural Business dapat 'yon, pero mas gusto niya ang ABE. Gusto niyang tumuklas ng alternatibong farming equipment o kaya food processing machinery na makakatulong sa sugarcane business ng pamilya niya, at hindi lang puro management.Nakagat niya ang labi. Naalala niya kung paano pumaskil ang disappointments
Walang espesyal sa araw na 'yon pero napansin niyang well-mannered ang mga estudyante. Wala namang announcement na bibisita ang campus President o 'di kaya maglilibot ang campus Director.Sumubo siya ng potato chips at nilibot ang tingin sa mga estudyante sa ibaba. Nasa 4th floor siya ng Engineering building at prenteng dumudukwang sa terrace. Vacant ng block niya at ayaw niyang tumambay sa canteen. Siguradong nandoon si Sheena o kaya si -"Laine."Nahinto sa eri ang daliri niyang may ipit-ipit na chip. Binaling niya ang tingin sa gilid at nakita si Simoen na nakadungaw din sa teresa.Lumunok siya. "Bakit?"Huminga siya nang malalim. Ibinaba niya ang kamay at inalok ng chichirya si Simoen. Wala naman kasi siyang maisip na sasabihin.Marahang ngumiti ang lalaki at umiling. "I just want to say sorry for giving you false hopes."Napaubo siya bigla. "I'm sorry?"
Infinity ang design ng gold ring na isinuot ni Gideon sa kaniya no'ng kinasal sila. At habang tinititigan niya 'yon, napansin niya ang maliit at kumikinang na bagay kung saan nagtatagpo ang dalawang linya. Isang white diamond. Kunot ang noo niyang binalik sa drawer ng study table ang singsing. Umiling siya. Wedding ring 'yon, ibig sabihin ay gano'ng design din ang singsing na sinuot niya kay Gideon.Pero naalala niyang hindi rin nito sinusuot ang singsing. Hindi niya napansin 'yon. Sabagay, nakatungo lang siya matapos siya nitong tinanong kung bakit 'yon ang kinuha niyang kurso.Pero pakialam ba niya? Ang mahalaga, walang kahit na anong palatandaan na kasal na siya. Pwera na lang siguro sa office ng Registrar.Hernandez ang gamit niyang apilyedo ro'n. Pinakiusapan niya na lang ang officer na Hernandez sa forms pero Mangubat sa klase. Kaso ayaw umuo kaya nagpunta pa siya sa Director. Sinama niya si Gi
Inikot niya ang ballpen bago nilapat sa papel at nagsulat. Nakikinig siya sa professor at tinatala ang mga importanteng detalye. Tungkol sa tree crop production ang tinatalakay nito na siyang interesante sa kaniya."Paborito nating putulin ang dahon ng halaman at pagpira-pirasuhin ito, pero hindi natin alam na ito ay masama."Inilipat ng professor ang power point sa susunod na slide. Isang animated picture ng photosynthesis."Walang tao ang may kakayahang gumawa ng pagkain mula sa init ng araw. At wala pa ring machinery ang kayang gayahin ang komplikadong proseso nito.Ang function ng green leaves o berdeng dahon ay mag-convert ng light energy into food energy. Kaya hindi dapat pinaglalaruan ang dahon ng mga halaman."Pinakita pa ng Professor ang mga picture ng tree farms, rolling hills, cogonal hillsides, at forested hillsides.Umikhim ang Professor. "Bibisita tayo sa specializ
Madilim-dilim ang paligid kahit alas-cinco pa lang ng hapon. Marahil ay dahil 'yon sa papasok na Low Pressure Area na ngayon ay nasa timog-silangang bahagi ng Samar. Inaasahan na lalabas ang LPA sa Philippine Area of Responsibility sa weekend, ayon sa News.Ilang minuto pa ay bumuhos ang malakas na ulan. Mabigat ang bagsak niyon pero hindi nagpatinag si Jewel. Determinado siyang naglakad sa ilalim ng mabagsik na ulan at pabugso-bugsong hangin.Dumadagundong ang kulog at ilang segundong nagliwanag ang kidlat sa kalangitan. Napalunok siya at nagpatuloy sa paghakbang.Pinuntahan niya ang faculty office para makita si Gideon pero sinabi ng faculty staff na wala roon ang hinahanap niya. At malamang ay nasa Agriculture building.Bumuntong-hinga siya at pumasok sa gusali. Isinara niya ang payong at isinabit sa umbrella section na nasa gilid ng entrada. Niyakap niya ang sarili at naglakad papunta sa elevator. Sumakay