KASABAY nang matulin na pagtakbo ni Calista ang walang humpay na pag-agos ng kanyang mga luha sa takot at sakit na nararamdaman. Hindi maalis sa kanyang isipan ang takot na takot na mukha ng kanyang ama nang walang awa itong sinakmal ni Henry at pinilipit ang leeg hanggang sa humiwalay ang ulo nito sa katawan.
Kahit sugatan at pagod na sa pagtakbo, hindi niya magawang tumigil sa pangambang maabutan siya ni Henry at ng mga kasamahan nito. Bagama't medyo malayo na ang kan'yang narating, naririnig at ramdam niya pa rin ang mga presensya nito.Napahinto siya nang sa isang iglap, bigla na lamang may sumunggab sa kanya dahilan para sumubsob siya sa lupa. Napahiyaw siya nang maramdamang kinagat siya sa balikat nang sinumang nakadagan sa kanya. Nang lingunin niya ito, saka niya lang nalaman na si Henry pala iyon na ngayon ay nasa anyong lobo."Grrr!" ungol nito.Gamit ang mga kamay at binti, itinulak ni Calista si Henry nang buong lakas dahilan para tumilapon ito sa malaking puno. Tumayo siyang muli at kumaripas na naman ng takbo.Napaigik si Henry dahil bahagya siyang nasaktan. Napalingon siya sa kanyang likuran nang marinig ang paparating na mga kasamahan. "Find her!" wika nito gamit ang lengguwahe nilang mga lobo.*****"HINDI ka kasi marunong makinig Simeon, eh! Tingnan mo, inabutan na tayo ng dilim!" reklamo ni Mercy sa asawang si Simeon habang inaayos ang mga gamit sa loob ng bag. Panay ang pagtingin nito sa paligid sa tuwing may maririnig na mga kaluskos. Dahil sa isang lampara at flashlight lamang ang dala nila, hindi niya gaanong makita ang buong paligid.Taga-siyudad ang mag-asawang Gomez at nagpasyang mamasyal sa kagubatan ng Montgomery upang maiba-iba naman ang kanilang paligid."Pwede naman kasing magpalipas na lang tayo ng gabi rito sa gubat," wika ni Simeon na hindi pa rin lumalabas ng tent."Paano kung bigla na lang may sumulpot na mabangis_. Aii!" Napatili ang Ginang nang bigla na lang sumulpot ang isang sugatang dalagita."T-tulong..." Nanghihinang sabi nito bago tuluyang bumagsak sa kinatatayuan.Lumabas ng tent si Simeon subalit agad ding natigilan nang makita ang babae. "Sino 'yan?"Imbes na sagutin ang asawa, mabilis na nilapitan ni Mercy ang dalagita. "Diyos ko! Ano'ng nangyari sa'yo bata ka?!" bulalas nito habang tinititigan ang sugatang katawan nito at ang punit-punit nitong damit. "Sino'ng may gawa sa'yo nito?" usisa niya, saka pinainom ito ng tubig upang mahimasmasan.*****Tila nakaramdam ng pag-asa si Calista nang masalubong niya ang mag-asawang Gomez. Subalit sandali lamang iyon. Namilog ang kan'yang mga mata nang maramdamang malapit na sina Henry."Run..." Nanginginig ang mga kamay na itinulak niya ang Ginang.Naguguluhang tiningnan ni Mercy si Calista. "A-ano?""Nandito na sila, umalis na kayo!"Mabilis na lumapit si Simeon at hinila ang asawa palayo kay Calista.Nagpumiglas si Mercy. "We can't just leave her!" she screamed. Lalapitan niya sana ulit si Calista nang bigla na lamang may sumulpot na malaking itim na lobo sa likuran nito at agad itong sinunggaban.Laking gulat ng mag-asawa nang ibinalibag ni Calista ang lobo na tila triple pa ang laki sa kanya. Sa isang iglap, unti-unting lumitaw mula sa karimlan ang marami pang naglalakihang lobo. Nakapangingilabot ang mga matatalim nitong titig at ang malaking bibig na may matutulis na ngipin. Tila kating-kati na angmga ito na lapain si Calista.Nagimbal ang mag-asawa nang dumako ang tingin ng isa sa mga lobo sa kanila. Mabilis na nagtago si Mercy sa likod ni Simeon. "Simeon!"Agad na napalingon si Calista nang marinig ang sigaw ni Mercy. Tila nagising ang kan'yang natutulog na lobo sa kanyang pagkatao nang makitang sasagpangin ng isa sa mga taong-lobo ang mag-asawa. Agad siyang tumakbo sa direksyon ng mga ito at sa kanyang paglundag upang sunggaban ang kalaban, mabilis siyang nagbago ng anyo bilang isang puting lobo.Noon, nahihirapan at nasasaktan pa siya sa pagpapalit ng anyo bilang lobo, subalit dahil sa pagkakataong ito ay mabilis at walang hirap niyang nagawa iyon.Nanginginig na napaluhod si Mercy sa mga nasaksihan. Ang kanina lang na maamong dalagang kanilang tinutulungan ay tila naging isang mabangis na halimaw na ngayon sa kanilang harapan. Napasinghap siya nang titigan nito bago sinakmal ang malaking lobo na sana'y aatake sa kanila.Tanging ang mga ungol ng mga lobong naglalaban-laban ang maririnig sa kagubatan.Nakakita ng pagkakataon si Simeon upang makatakas nang mapansing nakatuon ang pansin ng lahat ng lobo kay Calista. Agad niyang hinablot ang braso ng nakatulalang asawa at kumaripas nang takbo.*****NANGINGINIG at nanghihinang tiningnan ni Calista ang mga umatake sa kanya habang nakahandusay sa lupa nang wala ni isang saplot sa katawan. Nagtatawanan na ang mga ito na tila ba tuwang-tuwa sa kalagayan niya.Mariing ipinikit ni Calista ang mga mata, tiyak niyang ang gabing iyon na ang kanyang katapusan. Napasinghap siya nang bigla na lang may dumakma sa kanyang ulo at mahigpit na hinawakan ang kanyang buhok. Nakapikit man, alam niyang si Henry iyon dahil sa amoy nito. Sa isang iglap bigla siyang napadilat nang maamoy ang isang pamilyar na amoy. Si Althaia."Ano, Althaia? Ako na ba ang tatapos dito o gusto mo ring subukang paglaruan itong pinsan mo?" Tila nanunuyang tanong ni Henry.Umaasa si Calista na tutulungan siya ng pinsan subalit tila pinagpira-piraso ang puso niya sa naging tugon nito."Umalis na tayo," walang kaemo-emosyong wika nito.Naguguluhan namang nilingon ni Henry si Althaia habang nakasabunot pa rin kay Calista. "Pero buhay pa siya_.""Let's go, Henry!" Sinulyapan ni Althaia si Calista. "She will die eventually," malamig na wika nito bago naglakad palayo.Nakangising umiling-iling si Henry. "Kill joy." Marahas nitong binitawan si Calista at sinenyasan ang mga kasamang umalis na. "Paalam, mahal na Reyna!"Dahil sa mga bugbog at sakmal na mga tinamo, hindi na magawang igalaw ni Calista ang alin man sa parte ng kan'yang katawan. Wala na siyang maramdaman kundi ang labis na pagkamanhid. Lumuluha siyang napatingin sa madilim na kalangitan. "Ina... Bakit mo hinayaang mangyari 'to?"Lingid sa kaalaman nina Calista at ng mga umatake sa kanya, nagtatago ang mag-asawang Gomez sa likod ng isang malaking puno. Nasaksihan ng mga ito kung paano siya walang awang pinagtulung-tulungang atakihen ng mga lobo."Nababaliw ka na ba?!" Inis na hinila pabalik ni Simeon ang asawang si Mercy na planong balikan si Calista nang makumpirmang nakaalis na ang masasamang taong-lobo."Hindi ka ba naaawa sa bata?" Marahas na iwinakli ni Mercy ang kamay ni Simeon."Bata?! Naririnig mo ba ang sinasabi mo?! Halimaw 'yan, Mercy!"Imbes na pakinggan ang asawa, nagmamadaling lumabas sa pinagtataguan si Mercy at nilapitan ang wala ng malay na si Calista. Dinama niya ang palapulsuhan nito. Tila nabunutan siya ng tinik nang makumpirmang buhay pa ito.*****"SINASABI ko sa'yo, Mercy! Mali ito!""Ano'ng gusto mo? Iwanan na lang natin siya roon? Masahol ka pa doon sa mga halimaw na 'yon kung gano'n.""Halimaw din ang babaeng 'yan. Paano kung bigla tayong atakihen n'yan?"Dinig ni Calista ang pagtatalo ng mag-asawa. Tila may bahagi sa kanyang isipan na nagdidiktang magpanggap siya na wala pa ring malay. Hindi tiyak kung dahil ba iyon sa takot o hiya.Pinakirdaman niyang maigi ang paligid. Napagtanto niyang wala na siya sa kagubatan. Ramdam niya ang malambot na kutson na kanyang kinahihigaan at sumusuot din sa kanyang ilong ang umaalingasaw na amoy ng disinfectant sa buong paligid."Hindi niya gagawin 'yan, Simeon," mariing sabi ni Mercy. "She saved us back there."Naramdaman ni Calista ang papalapit na presensya ng Ginang at ang marahang paghaplos nito sa kan'yang pisngi."She can't hurt us. Narinig mo ang sinabi ni Doc kanina, it will took months bago gumaling ang mga nabali niyang buto_."Narinig ni Calista ang pag-ingit ng pinto dahilan para matahimik ang dalawang nag-uusap. Sunod niyang narinig ang boses ng isang babae. Sinabihan nito ang mag-asawa na gusto itong makausap ng doktor. Nang marinig ang paglabas ng mga ito, saka lamang siya nagdilat ng mga mata.Nasa loob siya ngayon ng isang maliit at kulay puting silid. Nilibot niya ng tingin ang buong paligid; tanging ang mahabang sofa sa gilid, ang kan'yang kama at ang dextrose na nakakabit sa kan'ya lamang ang kasangkapang naroon sa loob.Naupo siya at tiningnan ang mga benda sa kan'yang braso. Dahil sa nakasemento ang isang binti, nahirapan siyang tumayo.Isa sa pambihirang katangian ng mga taong-lobo ang mabilis na paggaling ng kanilang mga sugat. Sinubukan niyang ihakbang ang mga paa subalit malaking sagabal sa kan'ya ang semento sa kan'yang binti. Dahil sa frustration, paulit-ulit niyang inihampas sa dingding ang nakasementong binti subalit huminto rin siya agad nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang binatilyong may malaking black eye. Tiyak niyang isa rin itong pasyente tulad niya dahil pareho sila ng suot na damit.Nakaawang ang bibig ng binata habang nakatingin sa kanyang binti at sa mga tipak ng semento sa sahig. Sunod namang pumasok ang mag-asawang Gomez na gulat na gulat din sa nadatnan."N-nakakalakad ka na?" nauutal na wika ni Mercy.Muling napatingin sa pintuan si Calista nang bigla na lang may sumulpot doon na lalaki."Clyde, stop running away from us!" Humahangos at tila galit na wika nito bago hinila palabas ang binatilyong nakatulala sa kan'ya.Saglit pang nagkatitigan sina Calista at ang binatang tinawag ng lalaki sa pangalang Clyde bago ito tuluyang umalis. Muling ibinalik ni Calista ang tingin sa mag-asawa na tila hindi pa rin nakakabawi sa mga nangyari."Can... Can you help me with these?" Nahihiya niyang itinuro ang mga tipak ng semento sa sahig.PAGKAMUHI ang nararamdaman ni Hera habang nakatitig kay Althaia mula sa malayo. Nakatayo ito sa gitna ng maliit na entablado habang suot ang korona na dapat sana ay si Calista ang nagmamay-ari ngayon. Ngayon ang araw ng pag-upo nito sa trono dahil inanunsyo ng kasintahan nitong si Henry na si Calista at ang mga magulang nito ay nagpakalayo-layo dahil wala itong kakayahang pamunuan ang kanilang tribo at nahihiya rin ang mga itong harapin sila. Alam ni Hera na malaking kasinungalingan iyon. Hindi makapaniwala si Hera na nagagawa pa ring ngumiti ni Althaia sa harap ng mga katribo matapos ang ginawang pagtataksil nito sa pamilyang kumupkop sa kan'ya.Ilang araw na sinuyod ni Hera ang kagubatan kasama si Marcus subalit tanging ang katawan lamang ng ama ni Calista ang kanilang natagpuan. Halos nalibot na nila ang buong kagubatan subalit hindi niya maramdaman o maamoy ang presensya ng kaibigan. Dahil dito, nabigyan siya ng pag-asa na baka buhay pa si Calista."Bakit hindi mo na lang ipaala
5 years later...MULING pumikit si Marcus nang tumama sa kan'yang mukha ang sikat ng araw. Pumihit siya sa kabilang panig ng kama upang tingnan kung gising na ang kasintahang si Hera subalit nagtaka siya nang makitang wala na ito.Pupungas-pungas siyang naupo at sinuyod ng tingin ang buong silid. She was nowhere of sight. Pinulot niya ang kan'yang boxer sa sahig at sinuot iyon bago nagtungo sa lababo at naghilamos. Pansamantala niyang tinitigan ang repleksyon habang iniisip na naman ang susunod na lugar na kanilang susuyurin ni Hera upang hanapin ang nawawala nilang kaibigan na si Calista.Sa tagal ng panahon na hinahanap nila si Calista, naniniwala na si Marcus na posibleng wala na talaga ito. Subalit kahit ilang beses niya nang sinabi ito kay Hera, ayaw pa rin siya nitong paniwalaan. Ipinagpipilitan nito ang kutob na buhay pa ang kanilang kaibigan kahit wala naman itong sapat na basehan. Dose anyos si Marcus nang makilala niya sina Calista at Hera. Ulila na siya nang lubos noon at
"NATUTUWA akong malaman na kilala mo kung sino ako," wika ni Clyde nang sambitin ni Callie ang kan'yang pangalan.Agad na iniiwas ni Callie ang tingin kay Clyde at nagpatuloy na sa pagpulot sa kan'yang mga gamit. Tinulungan naman siya nito."So, tell me, sino'ng nagpaiyak sa'yo?" usisa ni Clyde nang iabot niya kay Callie ang ilan sa mga gamit nito."No one," sagot ni Callie pagkatapos, naglakad na para pumunta sa kan'yang klase. Nagtaka siya nang mapansing sinusundan siya ni Clyde. Naroon pa rin ang kakaiba nitong ngiti sa labi habang nakatingin sa kan'ya. Huminto siya at nilingon ito. "Are you following me?"Bahagyang iniangat ni Clyde ang mga balikat at mas lalo pang nginitian si Callie. "Well, I still didn't get your name."Sumimangot si Callie.Nakangising napakamot sa batok si Clyde, saka humakbang pa para mas mapalapit kay Callie. "I just felt it was unfair because you know who I am but I don't know you. And now that I mention it, how did you come to know me?" Puno ng kuryosidad
SUMAPIT ang araw na pinakahihintay ni Clyde. Dahil sa iginiit ni Callie na sa sinehan na lamang silang dalawa magkita ay nauna na siya rito. Hindi mawala-wala ang ngiti sa kan'yang labi habang tinitingnan ang bitbit niyang pumpon ng mga pulang rosas. Walang paglagyan ang kan'yang tuwa habang sabik na sabik na hinihintay si Callie. Marami na siyang babaeng naka-date noon subalit ni isa ay wala siyang sineryoso sa mga ito. Pumayag lamang siyang makipagrelasyon sa mga ito para lang may masabi siyang karelasyon at higit sa lahat upang mapunan din ang kan'yang pangangailangan bilang isang lalaki. Subalit tila may kakaibang taglay si Callie na nakapukaw sa kan'yang atensyon. Pakiramdam niya ay napasailalim siya sa isang mahika dahil hindi niya na magawang tumingin sa ibang babae. Tanging ito na lang gusto niya at wala ng iba pa. Wala ni isa sa mga nakilala niyang babae ang nakapagparamdam sa kan'ya ng matinding excitement at kaba maliban kay Callie at doon sa misteryosang babaeng nakita
"THIS isn't you, Clyde."Lihim na napangiti si Callie matapos marinig ang pagbulong ni Megan kay Clyde. Kasalukuyang nasa library ngayon sina Clyde at ang mga kaibigan nito. Lingid sa kanilang kaalaman na bagamat malayo sila sa kinauupuan ni Callie ay rinig at kita pa rin sila nito kahit pa lahat sila nagtatakip ng libro sa mga mukha."Akala ko ba si Callie ang makukuha mo sa loob ng isang linggo? Wala pa ngang isang linggo pero mukhang ikaw na itong hulog na hulog na sa kan'ya," sabi naman ni Spencer na ikinatawa ni Andrew."Ni hindi sumagi sa isip ko na si Clyde Martin na hinahabol noon ng mga babae ay ngayon siya na ang naghahabol sa babae," kantyaw naman ni Andrew. "Ano ba'ng nangyayari sa'yo, Clyde? Nagayuma ka ba?""Itutuwid ko lang 'yang mga baluktot niyong pag-iisip, ha. Para sabihin ko sa inyo, hindi ko hinahabol si Callie, we have a connection at ramdam ko iyon," balik ni Clyde sa mga kaibigan."Kung hindi mo siya hinahabol, bakit tayo nandito ngayon?" usisa ni Spencer."I j
NAPATILI si Callie at nangisay sa kan'yang kama sa sobrang inis sa sarili. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari sa kanila ni Clyde nang araw na 'yon.(Flashback)Sa hindi malamang dahilan, hindi nagawang makapalag ni Callie sa ginawang paghalik sa kan'ya ni Clyde. Sa halip na ipagtulakan ito ay pumikit pa siya at wala sa sariling ginantihan ang halik nito. Saka lamang siya natauhan nang maramdaman niya ang pagngiti ng mga labi nito. Kaagad siyang humiwalay at gulat na gulat na tinitigan ito. Ano ba ang nangyayari sa kan'ya?"Hey, are you all right?" nag-aalalang tanong sa kan'ya ni Clyde nang hindi na siya kumikibo. Humakbang pa ito subalit hindi na siya pumayag na mas makalapit pa ito sa kan'ya. Kumaripas na siya ng takbo papasok sa kan'yang bahay.(End of flashback)"Get a hold of yourself, Callie!" Napasabunot siya sa sarili nang maramdam ang pag-aapoy ng kan'yang magkabilang pisngi.Napatitig siya sa kisame at hindi na namalayan na nakahawak na pala siya sa kan'yang labi
MABIGAT sa loob na tinalikuran ni Callie si Clyde. Pinaghalong lungkot at panghihinayang ang nararamdaman niya sa pagkakataong iyon. Bagama't ilang ulit niyang itinanggi sa sarili, sigurado siyang totoo ang lahat ng ipinakita sa kan'ya ni Clyde nang mga sandaling magkasama sila sapagkat naramdaman niya ang sinseridad nito.Napasandal siya sa pader nang lumiko siya sa pasilyo. Maski hindi niya nakikita, alam niyang naroroon pa rin si Clyde kung saan niya ito iniwan dahil naaamoy at nararamdaman niya pa rin ang presensya nito.Isinandal niya ang likod ng kan'yang ulo sa pader at bumuga ng hangin. Kahit alam na niya sa sarili na gusto niya na rin si Clyde, hindi niya kayang aminin dito ang nararamdaman sa takot na baka magbago ang tingin nito sa kan'ya oras na malaman nito ang tunay niyang pagkatao."I'm sorry Clyde but I believe this is the right thing to do."*****"FINALLY you're back to your old self!" bungad kay Clyde ni Andrew nang dumating siya sa bar kasama si Marie, ang babaeng n
"ANO'ng ginagawa mo rito?" gigil na sambit ni Callie kay Clyde nang hilahin niya ito sa isang tabi.Nakangiting inilapit ni Clyde ang bibig sa tainga ni Callie at saka bumulong, "Obviously, para kunin ang permiso ng mga magulang mo na ligawan kita."Agad na pinandilatan ni Callie si Clyde. "Ano?!" sabi niya nang hindi makapaniwala sa lakas ng loob nito na humarap sa kan'yang mga magulang.Sumeryoso ang mukha ni Clyde at inayos ang kan'yang postura. Sinadya niya talagang magbihis nang maayos para magustuhan siya ng mga magulang ni Callie."I already told you, Callie. Gagawin ko ang lahat para mapatunayan na malinis ang intensyon ko sa 'yo."Agad na iniiwas ni Callie ang mukha kay Clyde nang maramdaman ang pag-iinit ng kan'yang mga pisngi. Bakit ba ang dali-dali niya na lang tablan sa mga matatamis nitong salita?Lihim namang napangiti si Clyde dahil kahit anong tago ni Callie ng nararamdaman nito ay nahahalata niya pa rin ito. He finds her cute doing that."Sinabi ko na sa 'yo noon pa,