Share

Kabanata 31.1

Hindi mapigilan ni Scarlett ang mapangiti ng matanggap niya ang isang bouquet na Juliet Rose. Alam niya naman kung kanino nanggaling ang mga yun kahit na walang pangalan ang nakalagay. Sino ba ang makakaafford lang nito? Syempre yung mga taong walang problema pagdating sa pera.

Nakangiti rin ang mga katrabaho ni Scarlett sa kaniya habang nakatingin sa napakalaking bouquet ng Juliet Rose.

“Matagal na akong artista but I never receive a rose like yours. Grabe naman yang fans mo na yan. Big time,” anas ng mga katrabaho niya. Natutuwa sila dahil unti-unti ng bumabalik ang mga fans ni Scarlett. Napapairap na lang si Layla habang nakikinig dahil hindi naman malayo sa kaniya ang mga katrabaho niyang nag-uusap-usap dahil sa natanggap ni Scarlett na mga bulaklak.

“Mamamatay na lang yata ako sa industriyang ito pero hindi ako makakatanggap ng ganiyan kamahal na bouquet.” Anas pa ng isa. Nginitian na lang ni Scarlett ang mga katrabaho niya dahil hindi naman alam ng mga ito kung sino ang nagbigay
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status