Hello sa readers nito if meron man. maraming-maraming salamat po sa matiyagang paghihintay sa update nito. Enjoy reading
NAKAUPO si Ambirelyn sa may kalakihang sofa sa loob ng kwarto ni Mr Greyson na inuukupahan niya ngayon. Nililinisan niya ang kaniyang mga kuko, hindi niya alam pero she just feels to do it. Mayroon mga pagkaing nakakalat sa may gilid niya, pa-simple niyang binili iyon dati at tinago. Wala siyang planong gutumin ang sarili dahil lang sa galit sa lalaki at saka kawawa naman ang anak niya if magpapagutom siya. Napakurap-kurap ang kaniyang mga mata nang may narinig siyang nagbubulungan sa labas ng pinto. Tumayo siya at lumapit sa may pintuan para masiguradong tama ang hinala niyang may nag-uusap sa labas nun."Do I really need to sing this kind of song?"Napataas ang kilay niya nang makilala niya ang boses ng nagtanong. It's Mr. Greyson's voice. Ano na naman ang pakulo nito at nasa labas ito ng pintuan niya."Yes, sir. You need to do it para patawarin ka ni Ms Mangsanay."Umangat ang gilid ng labi niya sa sinabi ni Rinso. So, ito siguro ang may pakana ng lahat, dahil napaka-impossible nama
PAGKAUPO nila ay kaagad siyang tumingin sa gawi ng lalaki at hindi niya maiwasang mapahanga sa angking kagwapuhan nito lalo pa kung naka-side view at naka-serious mode ito."I have a business trip in France tomorrow," panimula ng lalaki at tumingin kanya.Napakurap-kurap naman siya ng kanyang mga mata at pinikalma ang sarili. "Ano naman ngayon sa akin if may business trip ka?"Bumuntonghininga ang lalaki. "I'm planning to bring you with me. Sabi ko nga kanina may paraan akong naisip para hindi ka ma-bored rito at ito na iyon, you will go with me.""So, gagawin mo akong parang asong sunod-sunuran sa kanyang amo ganun ba?" nakataas kilay na tanong niya."Of course not, kailan ka ba sumusunod sa akin? Hindi ba't lagi kang sumasaway at saka hindi lang naman business trip pinunta ko doon, dadalhin kita sa farm ng lola ko para naman ma-relax ka, you can stay there if you want while I'm doing my job."Natahimik siya sa narinig at matagal na minasdan ang lalaki. Minsan ang bait nito sa kanya m
HUMINGA siya ng malalim at napalunok nang lumapit na ang lalaki sa kanya, hindi niya alam pero pakiramdam niya'y maiihi siya sa kaba. Nakakahiya man aminin pero ngayon lang talaga siya mahahalikan ng lalaki na walang epekto ng alak ang sistema niya. Nanigas ang katawan niya nang hawakan ng lalaki ang magkabilang balikat niya at tinitingan siya sa mata."What happen?" nagtatakang tanong nito nang iniwas niya ang kanyang mukha nang nilapit na ng lalaki ang mukha nito sa kanya para hulihin ang labi niya.Napakamot siya sa kanyang ulo hindi niya alam kung ginawa niya iyon dahil may kuto siya o dahil nahihiya siya."Ano kasi, parang hindi ko ata kaya, pwede bang ako na lang ang lumapit? Pumikit ka na lang ako na bahala gumalaw," giit niya na hindi tumitingin sa mukha ng lalaki.Akala niya'y tatayo ito at iiwan siya sa silid na iyon ngunit nagulat siya nang narinig niyang tumawa ng mahina ang lalaki kaya't napatingin siya sa gawi nito."Bakit ka natatawa?" inis na tanong niya. Hindi niya ala
HINDI maiwasan ni Ambirelyn napangiwi ng tumama ang sinag ng araw sa kanyang mukha at lalo ng imulat niya ang kanyang mata dahil damang-dama niyang mahapdi ang mga mata niya, marahil dahil nga hindi siya nakatulog ng maayos kagabi. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa paghiga ng bigla na lamang may kumatok, kumunot ang kanyang noo, kay aga-aga 'e may bibisita na agad sa kanya. Nakasimangot na tumayo siya at naglakad palapit sa pintuan upang buksan ang kung sino man ang nangahas na bisitahin siya umagang-umaga. Pagkabukas niya ng pintuan ay bumukad sa kanya ang nanlalaking mga mata ng mayordoma."Susmaryosep, 'neng, anong nangyari sa iyo?" gulat na tanong nito sa kanya.Napakamot siya sa kanyang ulo sa naging reaksyon ng mayordoma. "Bakit po?" Imbis na sumagot ay hinila siya nito papasok sa loob ng silid na inaakupahan niya at dinala siya sa loob ng banyo, walang imik na sumunod na lamang siya sa matanda. Wala siyang lakas para makipagtalo rito ng mga sandaling iyon."HOLY SHIT! SINO I
SARAP NA SARAP si Ambirelyn sa pagnguya sa nilagang saging habang nakaupo sa may upuan ng eroplano kung saan tanaw niya ang nag-gagandahang tanawin, lalo na ang ulap na kay ganda pagmasdan."Hmmm, ang sarap talaga, perfect combination talaga ang ang nilagang saging at taho, hindi talaga ako nagkamaling bilhin ito," tuwang-tuwang komento niya at nagbalat uli ng saging at dinala iyon sa kanyang bibig. Nang mailunok na niya ang saging ay inabot niya ang taho na mainit-init pa, nakalagay sa tasa na may kalakihan. Sumimsim siya roon habang ang mga mata ay nasa umuusok na nilagang mais na siya mismo ang nagluto bago sila sumakay sa eroplano. Binaba na niya ang tasa at ngumisi at akmang aabutin ang mais na tila ba inaakit siyang abutin ngunit bago pa man umabot ang kanyang kamay sa naturang mais ay may tumampal na sa kamay niya kaya't napasimangot na tumingala siya para tignan kung sino ang may ari ng kamay."Ano naman ba problema mo at pinapakialaman mo na naman ang pagkain ko," angil niya
NAPATAAS ang isang kilay ni Ambirelyn nang si Parker mismo ang nag-set-up ng table para sa kanila. Walang imik nitong inaayos ang paglagay ng mga pagkain na animo'y may fiesta sa dami habang si Rinso naman ay palabas na sa pintuan ng mga sandaling iyon. Nang hindi makatiis si Ambirelyn ay tumayo ito at nilapitan si Parker na seryoso ang mukha habang inaayos pa rin ang mga pagkain sa mesa na animo'y isang room service attendant sa galing umayos ng table set up.Tumikhim siya para makuha ang atensyon ng lalaki na kaagad naman tumingin sa may gawi niya."Ano ginagawa mo?" nakapamewang na tanong niya."Setting up our table, why?" seryosong patanong na sagot nito.Hinilot niya ang kanyang noo. "Alam ko ngang nag-set-up ka ng table, what I mean is, bakit ikaw gumagawa niyan? Dati kang room service attendant, no?"Amuse na tumitig sa kanya ang lalaki. "What? Hahaha, how made you say that?"Sumimangot siya kasi dapat iinisin niya ito pero ang ending ngayon siya pa ang nainis."Ang galing mo ka
NAGISING si Ambirely na may brasong nakapulupot sa kanyang bewang. Hindi mahigpit, hindi rin maluwag kundi sakto lang. Napapikit siya at napakagat labi nang maramdaman niya ang mainit na hininga ni Parker sa kanyang leeg. Ang bango nitong nanuot sa kanyang sistema. "Oh lord, please give me strength not to give in to this sinful temptation," mataimtim na dasal niya nang nag-flash sa utak niya ang mga malalaswang eksena na maari nilang gawin ni Parker sa kama. Huminga siya nang malalim para humugot ng lakas para alisin ang braso ng binata sa kanyang bewang.Napabuka siya ng hangin ng maalis na niya ang braso ni Parker sa bewang niya. Dahan-dahan siyang bumangon at nang makaupo na siya at nasa tiles na ang kanyan paa. Lumingon siya sa gawi ng lalaki at muntik na siyang napasinghap nang tumambad sa kanya ang seryoso mukha ni Parker nakatitig sa kanya."What do you think you're doing?" tanong nito sa kanya gamit ang paos pero seksing boses.Napalunok siya at bumukas-dili ang kanyang mga la
NAPA-ATRAS siya nang nilapit ni Parker ang mukha nito sa mukha niya. "So? What's your decision? Shut me up by kissing me or just let me talk?"Napalunok siya. Sumosobra na talaga ang panglalandi ng lalaking ito sa kanya. Ubos na ubos na ang pasensya niya. Pumikit siya ng mariin upang kalmahin ang sarili ngunit kaagad rin siya napamulat nang may lumapat na mainit at malambot na bagay sa kanyang labi. "Goodmorning," nakangiting bati ni Parker matapos nito pakawalan ang labi niya."Ang tagal mo kasi mag-isip kaya ako na lang," nakangising dagdag nito.Napangiwi siya nang mapansin niyang hindi na ata siya humihinga. "Breath, Ambi, breath," utos ng utak niya. "Hey are you, okay? Bakit namumutla ka??" nag-alalang tanong nito sa kanya.Napahahawak siya sa balikat nito kasabay ng pagbuga niya ng hangin. Pumikit-pikit siya at huminga ng malalim. "Siguraduhin mo lang, Mr. nakaya mo panindigan iyang paglalandi mo baka kasi kapag pinatulan kita manghina ka bigla," seryosong giit niya.Imbis