Share

Chapter 21

POV: Marie

Inis na inis siya sa mga babaeng nakasabay nila sa elevator.

Diyos ko, ang haharot. Akala mo mauubusan ng lalaki! Hindi na nahiya. Gusto pang magpa take home! itong isang to, ang liit liit pero ang kalandian matangkad pa sakin! Ito namang isang to akala mo basketball player. Hindi pa nagshave ng legs my God!

Tinitingnan niya ang mga ito mula ulo hanggang paa.

"Bye sir pogi" paalam ng mga ito pagbukas ng elevator.

"Bakit ang sama mong tumingin?" tanong ni Bernard sa kanya.

"Wala po.." nag iwas aiya ng tingin dito.

Pag daan nila sa lobby ng reception, kinawayan nito si Tessa.

Pati si Tessa.. talaga naman si sir hindi na namimili!

Lumabas na sila sa parking area. Nagulat siya dahil ang pick up na pinatunog nito ay malaki at maganda. Parang pang akyat sa bundok.

"Salamat po sir at sasamahan nyo ako." sabi niya.

"Ewan ko ba kina Monica at masyadong concern sayo rh hindi ka naman nila kaibigan!"

Napasimangot siya sa sinabi nito. Naoffend siya. Pero bago pa siya maasar bumawi ito.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status