POV: EleanorMaganda ang gising niya ng araw na iyon. Binuksan niya ang bintana at humigop ng sariwang hangin."Maam?" katok ng katuling sa pinto."Pasok" may dala itong tray ng pagkain."pakipatong na lang dito"Inilagay nito sa lamesa na malapit sa bintana ang tray."Aalis na po ako" paalam nito."Salamat" kinuha niya ang mac book saka naupo.Siguro hiwalay na kayo o nag aaway kayo ngayon. Iyak siguro ng iyak ang babaeng yun.. hahaha buti nga sayo. Humanap ka na lang kasi ng iba kung gusto mo pang mabuhay ng matagal..Sabi niya sa sarili. Hinanap niya ang article para malaman kung nakailang share and like na ito. Unang search.. unknown. Pangalawang search, no found."Ha? aning nangyayari?" kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Wena "Asan na ang article?"-kagabi pa namin nirerevive pati ang page namin nawawala.. may nang hack. hindi madetect ng mga I.T."Bwesit!" ibinato niya sa kama ang cellphone "anong nangyari? masyado ko atang inunder estimate ang babaeng yun."Panay ang gala
POV: MarieNag aayos siya ng desk niya ng lumapit sa kanya si Orlan. Wala talaga itong ginawa sa buhay kundi pestehin siya. Ayaw niya na sana itong pansinin pero wala ata itong balak umalis sa harapan niya.Dinedma niya ito noong una, pero bastos talaga ang bunganga nito."Mukhang may jowa ka na ah" sabi nito sa kanya "naoover ka ba sa s*x at namamayat ka?"Hindi niya ito pinansin pero sunod ito ng sunod sa kanya."Alam mo bang ikakasal na si sir Bernard? tingnan mo" ipinakita sa kanya ang screen shot ng article na nabasa niya "kaya wag ka ng magdidikit dun. Mahiya ka naman sa jowa nun.""Ano namang ginawa kong masama sayo ngayon at inaabala mo na naman ako?" pinameywangan niya ito."Wag mo nga akong maganyan ganyan Marie!" sagot nito "akala mo kung sino ka na porke malakas ka kay mam ah.""Pag inggit, pikit! hindi kasi umubra don ang pagiging sipsip mo eh.""Wala si Dulce ngayon kaya walang magtatanggol sayo.""Kaya ko ang sarili ko Orlan. Gusto mong subukan?""Wag kang magtapang tap
Naglalakad na siya pauwi dala dala ang regalo ni Bernard.Ano kayang gimik ng lalaking ito at may paganito pang nalalaman? Sa bagay.. ngayon lang siya nagregalo sakin sa loob ng ilang buwan. Pagpasok niya sa gate, natanaw na niya ang sasakyan ng lalaki.Nauna pa siya sakin? bakit hindi ko siya napansin na lumabas ng office? Akala ko kausap pa siya ni sir..Napansin niya na nakatalikod ang lalaki, nakaharap sa may kubo. Parang may pinapanood ito doon. Paglingon nito sa kanya, ngumiti ang lalaki."Andito ka na pala." sinalubong siya nito."Bakit nauna ka pa sakin? akala ko nasa office ka pa?""Busy ka nung umalis ako. Hindi na kita inabala kasi may ipinapatapos pa sayo si Monte. Alam kong malilate ka ng uwi eh."Nag aagaw na kasi ang dilim at liwanag."Tara sa loob, magluluto ako." kinuha niya ang susi sa bag."Wag ka ng magluto. May dala akong pagkain" pumasok ito sa kubo at kinuha ang isang paper bag, saka isang bouquet of roses "for you""Salamat" ngumiti siya "para saan ito?""Gust
POV: EleanorTuwang tuwa siya nung makita ang documents. Inilagay niya ito sa kanyang vault.Kailangan, makipaglapit ako kay Marie, saka kunwari okay na sakin na hindi na kami ni Bernard. Tama.. kailangan gamitan sila ng reverse psychology.Sa negosyo nga madaling gawin to eh.. Kailangan ko lang naman ay plano. Yun lang.. Alam kong mahal nya pa rin ako.Tinawagan niya ang inutusang detective para malaman ang routine ni Bernard.-Everyday nasa office, pero may time na napunta sa San Miguel Building. At tuwing sabado, sa ibang bahay natutulog.. "At sinong may ari ng bahay?"-Bawal pumasok saka bawal daw sabihin sabi ng mga gwardiya."Saan bang subdivision?"-Exclusive subdivision pag tawid ng San Miguel building.Napaisip siya.. sinong kakilala nito ang taga roon eh base sa nalaman niya, si Marie ay mahirap lamang na tao. Hindi nito afford manirahan doon. Baka hindi si Marie ang girlfriend ni Bernard at pinapaikot lang ako ng lalaking yun. Baka wala siyang girlfriend.. Baka may sarili
POV: MarieNagpapakulay siya ng buhok, itim. Mas bagay daw ito sa kanya sabi ni Bernard. ipinatrim niya rin ang buhok, lalo siyang nagmukhang bata. Deserve niya ang parlor ngayon. Siya lang kasi ang nagkulay ng buhok niya. May usapan sila ni Bernard na dadalhin ulit siya nito sa pinanoodan nila ng meteor shower.Gustong gusto niyang makabalik doon kasi memorable ang lugar na yun para sa kanya. Dito siya nagkaroon ng first kiss. First touch, kilig moment. Nag iisip siya kung sino ang kahawig niya. Pagharap niya sa salamin parang ibang tao na siya. Nagmukha siyang koreana."Ang ganda nyo madam" puri ng babaeng nag ayos sa kanya."Salamat" sagot niya dito.Pagkatapos magbayad, pumunta siya sa malapit na boutique at bumili ng shorts at damit.Nagring ang phone niya, si Marlon..-ang ganda mo ate"Sus bola.. kumusta na?"-uuwi ka ba sa graduation ko?"Oo naman.. isasama na kasi kita dito after para makapagreview ka."-Talaga ate?"Oo naman."-matagal ko ng gustong makarating ng Maynila."
POV: BernardHindi niya agad makita si Marie. Maiksi pa naman ang pasensiya niya ngayon dahil may nalaman siyang anomalyang nagaganap sa opisina nila. May gumagastos ng pondo na para sana sa bonus ng mga empleyado. Yung pinagkakatiwalaan pa niya ang promotor dito. Umalis siya agad ng opisina para hindi makapanakit ng kapwa.Naiinis siya dahil sa buong buhay niya, ngayon lang may nanloko sa kanya. Kaya dapat lang na makulong ang mga ito. Pinaiimbestigahan na niya ito. Magkakaroon sila ng meeting ng Lunes.Mabuti na lang at dumaan siya ng opisina ngayon kahit wala siyang pasok. Bukas sila hanggang linggo dahil sa mga shipments.Siya naman ay sabado at linggo ang rest day.Natanaw niya si Marie na may ka video call. Hindi muna niya ito nilapitan. Nakita pa niya na pangiti ngiti ito.Animo nasa cloud 9 kaya gugulatin niya sana.Pero sa halip na tumili, sinukmuraan siya ng babae na parang karatista. Pakiramdam niya lahat ng ininom niyang kape ay maiiluwa niya."Grabe ka.." sabi niya ditong
POV: MarieNakilala niya si Domingo noong nag aaral siya sa college. Patpatin ito pero malakas. Sumasali ito sa iba't ibang contest para masuportahan ang sarili.Siya naman ay scholar talaga. Dinaan nito sa extra curricular ang lahat, samantalang siya ay sa academics.Naging close sila noong maging magkaklase sila sa second year. At masasabing ito ang naging kaclose niya.Madalas pa silang mapagkamalang magjowa."Taga saan ka Marie?" minsan ay naitanong nito sa kanya."Ilongga ako" sagot niya."Bakit ang tatas mo sa tagalog eh bisaya ka rin pa lang tulad ko?" matigas kasi itong magsalita."Sanay ako sa school namin dahil english ang madalas ituro, saka yung mga kaklase kong yayamanin noon, tinuturuan nila ako ng maayos na tagalog. Kapag nasa bahay, tagalog din ako makipag usap sa lahat kahit binibisaya nila ako.""Bakit?""Kasi pangarap kong mag aral dito.""Ang galing naman. Ako hirap pa rin minsan. Hindi kasi ako matalino.""Matalino ka rin, sa ibang way nga lang.""Pinapagaan mo la
POV: BernardMagkakilala pala ang dalawang to.. hmmmm.."Anong sekreto?" tanong niya kay Marie."Sekreto nga eh. Bawal sabihin.""Kahit sakin?""Uhuh.. paano magtitiwala sayo ang iba kung mag spill ka ng tea about them.""Hindi ba kayo naging magboyfriend?" kabang kaba siya sa isasagot ng babae."Akala ko noong una, doon kami papunta, pero hind pala. Saka si Lord siguro ang gumawa ng way para hindi maging kami. Kasi makikilala pala kita.""Saglit lang" tumawag siya sa intercom "Mang Ador, yung wine at steak ho pakiakyat na. Salamat."Si Mang Ador ang nagdala ng mga hinihingi niya."Señorito, ito na ho ang hinihingi niyo." Iniabot sa kanya ang tray."Salamat ho.""May kailangan pa ho ba kayo? Alas siyete po kasi ay natutulog na ako. Apam nyo na, matanda na..""Wala na ho. Ako na ang bahala. Salamat ho."Bumaba na ang matanda. Pag lingon niya kay Marie, nagpipicture na ito."Pasali" nagmamadali siyang lumapit dito.Ang usapan nila walang magpopost na kita ang mukha ng isa para hindi sil