Share

Chapter 57

POV: Bernard

Sakay na sila pauwi sa bayan. May inis pa rin siyang nararamdaman. Ayaw niyang magbigay ng malisya pero ang selos niya sa katawan ang nagbibigay sa kanya ng pait.

******Flashback

Natanaw na niya si Marie na nakaupo kaharap si Mang Ador. Maganda talaga ito kahit saan tingnan.

Nagbabaan ang mga anak ni Mang Ador bago pa man niya patayin ang kotse. At si Marie agad ang nilapitan ng mga ito.

"May kapatid po pala si kuya Bernard?"

"Ang ganda mo po ate.."

"Paligawan natin kay kuya Domeng.."

"Magsitigil nga kayo!" saway ni Mang Ador "mapapangasawa ni senyorito Bernard yang si Marie."

"Ha?" gulat ang isang teenager na babaeng anak ni Mang Ador "mukhang college student lang si ate tas parang tito niya si..."

"Tumigil ka nga" piningot ni Aling Siont ang tenga ng anak" pasensiya na kayo kay Mercy, talagang nung magsabog ng katabilan ang langit, sinalo ata nito lahat."

"Kasi nay mataas ang lugar natin kaya naunang bumagsak dito" hirit ni Elsie "nagkataong gising si Mercy."

Nagtawanan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status