Share

Chapter 46

"H-Hindi ako marunong sumayaw," sabi ko sa kaniya nang ilagay niya ang kamay ko sa balikat niya at pinulupot naman ang kamay niya sa baywang ko. 

Ang kaninang naantalang sayawan ay ngayon natuloy na. Hindi ako makatingin nang maayos kay Cadence dahil nahihiya ako. Ito kasi ang unang pagkakataon na makakasayaw ako nang ganito. Sa budots lang ako magaling. Nakikipag-showdown pa ako sa barangay namin. Pero ito talagang mabagal na sayaw na ‘to, sa palabas ko lang ‘to nakikita.

Mabuti na lang wala si Carol dito dahil hinatid niya si Hannie sa rest house. Kung nandito lang ‘yun, malamang pagtatawanan niya ako. Pagod na raw si Hannie at gusto na niyang magpahinga. Hindi na tuloy namin siya naisayaw. Habang si Calum naman ay nagpaalam na may nakalimutan siyang kunin sa van.

Kaya sa huli, kaming dalawa lang ni Cadence ang naiwan. Kahit na may mga tao naman sa paligid, pakiramdam ko solo pa rin namin ang buong beach.

"Then, step on my foot,"

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status